Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Naongkat sa budget hearing sa Kamara ang umano'y conflict of interest ng isa sa mga commissioner ng Commission on Audit na may asawang kontraktor umano'n ng mga proyekto sa gobyerno.
00:10May ulat on the spot si Tina Panganiban Perez. Tina?
00:15Kung pinanawagan ng Act Teachers Party List kay Commission on Audit Commissioner Mario Lipana na magbibig sa pwesto dahil sa posibleng conflict of interest.
00:24Sa budget hearing ng COA sa Kamara, sinabi ni Act Teachers Rep. Antonio Tino na malinaw na may paglabag sa konstitusyon si Lipana dahil may financial interest ito sa negosyo ng asawa niya na kontraktor.
00:37Maging si Kamanggagawa Partylist Rep. Elie San Fernando, kinwestion din ang posibleng conflict of interest ni Lipana dahil bahagi ito ng komisyong nagsasagawa ng audit sa mga proyekto ng gobyerno habang ang misis nito ay may mga proyekto sa gobyerno.
00:52Ayon kayong San Fernando at Tino, napagdududahan ang integridad ng COA dahil dito.
00:59Ayon sa COA, may 326 milyon pesos na ang naibayad sa mga proyekto ng misis ni Lipana.
01:06Ayon kay COA Chair, kamalil ng Cordoba sa personal niyang pananaw, may conflict of interest at posibleng paglabag sa konstitusyon si Lipana.
01:15Pero itiniin ni Cordoba na wala siyang kapangyarihang disiplinahin ang kanyang mga opisyal dahil ang COA ay isang komisyong itinalaga ng konstitusyon at sila ay impeachable official.
01:26Ang disisyong magbitiw rin sa pwesto ay kay Lipana lamang niya.
01:30Wala si Lipana sa budget hearing ngayon dahil ayon kay Cordoba, ito ay naka-medical leave sa Singapore.
01:36Naungkat rin ang ilang umanoy-maanumalyang flood control project sa Bulacan na iniimbestigahan na ng Kongreso.
01:43Ayon kay Cordoba, may fraud audit report na laban sa dalawang proyekto ng St. Timothy Construction, dalawang proyekto ng Wawaw Builders at isang proyekto ng Sims Construction Trading.
01:55Na isumite na rin daw nila ang mga fraud audit report sa Office of the Ombudsman itong lunas.
01:59Kapag nagsimula na raw ang investigasyon ng Independent Commission, ay pwede rin daw nilang ibigay roon ang mga ula.
Be the first to comment