00:00Good news para sa milyong-milyong SSS pensioners.
00:03Dahil matapos sa mahigit na isang dekada,
00:05makatatanggap na sila ng taas pensyon sa pamamagitan ng SSS Pension Reform Program.
00:11Ang detalya sa report ni Harley Valbuena.
00:17Retiradong glassmaker, ang 62-year-old na si Tatay Filimon Oligario.
00:22Tumatanggap siya ngayon ng 7,500 pesos na monthly retirement pension
00:27mula sa Social Security System o SSS.
00:30Pero ang pensyon niyang natatanggap ay tatasa na
00:33at magiging 8,250 pesos dahil sa SSS Pension Reform Program.
00:41Makasaysayan ito dahil ito ang unang pension hike matapos ang mahigit isang dekada.
00:48Malaking bagay po yung dagdag na yun dahil yung pambili ng mga gamot,
00:53pandagdag sa pambili ng mga pagkain ng mga bata,
00:57eh kahit ganito, tumutulong pa rin ako sa mga anak ko.
01:01Mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nanguna
01:05sa ceremonial launching ng SSS Pension Reform Program
01:10sa SSS Main Office sa Quezon City.
01:13Sa ilalim nito, tataas ng 10% ang retirement at disability pension simula ngayong buwan.
01:19Muli itong tataas ng 10% sa September 2026 at panibagong 10% sa September 2027.
01:285% naman ang dagdag sa DEF or Survivor Pension at panibagong 5% sa September 2027 at September 2028.
01:38Kung ang isang retirement pensioner ay tumatanggap ng 2,200 pesos na buwan ng pensyon,
01:44magiging 2,420 pesos na ito simula ngayong buwan.
01:49Hanggang sa maging halos 3,000 piso na pagdating ng September 2027.
01:54Kung halimbawa naman ay 2,000 pesos ang buwan ng survivorship pension,
01:58tataas na ito sa 2,100 pesos ngayong September.
02:03Ayon sa Pangulo, halos 93 billion pesos ang pondo para sa dagdag pensyon sa loob ng tatlong taon.
02:11Paraan din ito para mapaunlad pa ang buhay ng maraming Pilipino.
02:15Bilang pasasalamat sa ating mga kababayan na buong buhay,
02:19na naglilingkod, nagtatrabaho para sa ating bansa.
02:23Simulaan ng unang araw ng September ng taong ito,
02:27itinaas na natin ang inyong buwan ng pensyon.
02:32At taon-taon, ito ay tataas hanggang 2027,
02:37na walang dagdag na kontribusyon mula sa mga miyembro ng SSS.
02:42Rest assured that the men and women of SSS will continue to be committed
02:47to work hard to fulfill our promise to the Filipino people.
02:51As of September 5, 2025, mayigit 3.8 milyon na SSS pensioners na.
02:57Ang nakinabang sa taas pensyon.
02:59Maraming salamat, SSS at President Bongbong Marcos.
03:05Dagdag na 10% sa aming mga pensyonado.
03:08At least nakakatulong sa araw-araw na pangangailangan.
03:15Thank you very much, mahal na Pangulo.
03:17Ang paglulunsad ng taas pensyon ay isinabay sa pagdiriwang ng 68 anibersaryo ng SSS.
03:25May direktiba naman ng Pangulo sa SSS at pati na rin sa Government Service Insurance System o GSIS.
03:32Invest wisely. Modernize your systems and make your processes efficient.
03:38Ensure that your services are easier to reach, be it through digital platforms or help desks and kiosks,
03:45even in the most remote areas.
03:48Make sure your services are available whenever the need arises, wherever the need arises.
03:56Hardy Valbena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
04:02Thank you very much.