00:00Kasunod ng pagtaas sa Alert Level 3 ng Mayon Volcano dahil sa rockfall at posibleng pyroclastic density currents,
00:07patuloy ang lava extrusion at lava dome growth na nagdadagdag ng mas panganib o ng panganib sa mas malalakas at mas malalayong PDC.
00:15Ayon kay FIVOX Director Teresito Bakulkol,
00:17mabilis na bumababa ang PDC at maaring sumunog o magdulot ng pinsala sa daraanan nito anumang oras.
00:24Sa nakaraang 24 na oras, naitala ang 131 rockfall events at nanatili ang 6-kilometer reduced permanent danger zone.
00:33Nagpapatuloy din ang mandatory evacuation kung saan mahigit siyam naraang pamilya o 3,500 na individual ang nailikas na.
00:42Nakikipag-ugnayan ang OCD Region 5 sa mga LGU para alamin ang lagay ng mga maapektuhang pamilya.
00:48Dahil sa banta ng share line at posibilidad ng pagulan, patuloy po ang monitoring ng lahar deposits at handa ang mga otoridad sa agarang paglilikas kung kinakailangan.
Be the first to comment