Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong July 14, 2025


- Divers ng PCG, sisisid sa ibang bahagi ng Taal Lake ngayong araw sa paghahanap sa missing sabungeros |Paghahanap sa missing sabungeros sa Taal Lake, pahirapan dahil maburak at malabo sa ilalim ng lawa | Forensic pathologist Dr. Fortun, pinuna ang paghahanap sa missing sabungeros sa Taal Lake | Mga nakukuhang sako sa Taal Lake, agad daw ibinibigay ng PCG sa SOCO; NBI Forensic and Scientific Service, wala pa raw nakukuhang sample


- Presyo ng ilang isda, tumaas dahil sa kakaunting supply ngayong maulan ang panahon | Dept. of Agriculture, pinayagan ang pag-aangkat ng 25,000 metric tons ng isda para tiyaking sapat ang supply


- Comelec: 160 ballots na gagamitin sa field test para sa 2025 BARMM Parliamentary Elections, ipi-print ngayong araw


- Filipino community sa Amerika, nanawagan kay PBBM na makipagnegosasyon kay U.S. Pres. Trump kaugnay sa mga dagdag-taripa


- Defense team ni FPRRD, nanindigang walang hurisdiksiyon ang ICC sa Pilipinas kaya hindi dapat matuloy ang kaso | "In good spirits" si FPRRD, ayon kay Atty. Nicholas Kaufman | Defense team ni FPRRD, bukas sa resolusyong nananawagan na ilagay na lang sa house arrest si Duterte | Atty. Kaufman sa pahayag ni PCO Usec. Claire Castro na galingan pa ng defense team ni FPRRD: Do not interfere with the job that I'm doing


- Fan meet ni South Korean superstar Park Seo Joon, dinagsa ng Pinoy fans | South Korean superstar Park Seo Joon, nagbahagi ng ilang tips para maging fit at healthy | UH Barkada Mariz Umali at actress na si Jean Garcia, present din sa fan meet ni Park Seo Joon


- Ilang Kapuso stars, may kuwelang entry sa viral sports car sound trend


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:00BORIS
00:05Yolung, Ee, wala na naman dito mo.
00:07Wala ang palita!
00:12Target sumisit at maghanap sa iba pang bahagi ng Taal Lake.
00:16Ang mga diver ng Philoen Cosguard matapos walang mahanap na suspicious objects kahapon.
00:22Live mula sa Laurel, Batango, meron ng balita si Bon Aquino.
00:26Bon?
00:30Iga na numang oras ay paalis na rin yung mga technical divers ng Philippine Coast Guard
00:35mula rito sa Taalic Central Fishport dito sa Laurel, Batangas
00:40para ipagpatuloy yung kanilang search and retrieval operation.
00:45Ngayon ang ikalimang araw ng search and retrieval operation para sa mga nawawalang sabongero.
00:51Kahapon, walang nakitang suspicious objects ang mga divers kaya't ayon sa PCG.
00:56Mag-a-adjust sila ngayon.
00:58Initially dun sa area na yon, negative yung nakuha natin.
01:03So we will be adjusting to another part. We will move again.
01:08So hanggat makover natin yung buong circumference ng buong search area natin.
01:14Kahapon, inilabas ng PCG ang drone at underwater footage ng kanilang operasyon noong Sabado.
01:21Sa video, makikita kung gaano kalabo ang tubig ng lawa na sinisid na mga diver.
01:25May makikita rin mga sako na bahagyang natabunan ng mga burak.
01:29You could see no, merong mga talagang saks dun sa bottom.
01:36Considering that this is really an area na perpetuated ng ganong mga sako na probably from feeds.
01:44Pero yun yung iniisa-isa na check natin yung mga laman, kinakapa ng ating mga divers para to really help.
01:55Kung ano yung possible na iba pa natin makukuha in our day-to-day operation, diving operations.
02:01Pinuna naman ang forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun ang ginagawang recovery.
02:07Dapat din anya may forensic doctor sa lugar.
02:10Apparently, based on the picture, sinabog nila yung contents, nilipat sa ibang sako.
02:18And you know, for you to do that at the scene, alanganin yun.
02:23Kasi yung contents, lahat, pati yung sako mismo, dapat yan in-examine mabuti kasi consider that as evidence.
02:32Sabi ng PCG, kapag may nakapas sa ilalim, ipinagbibigay alam nila ito sa DOJ at SOCO.
02:38At kapag may ghost signal na, sakalang nila iaangat ang object.
02:42Agad din daw nila itong itinaturn over sa SOCO para matiyak na masusunod ang chain of custody ng mga ebidensya
02:49at walang malabag na lihitimong proseso.
02:52Sa ngayon, wala pa rong natatanggap na sampol mula sa mga narecover sa Taal Lake ang NBI Forensic and Scientific Service.
03:00Oras na matukoy na buto ng tao nga ang mga nakita.
03:04Sakalang daw pwedeng magsagawa ng DNA test sa mga buhay na kaanak na mga missing sabongero.
03:09Igan ngayong araw naman inaasahang darating dito sa Taal Lake yung remotely operated vehicle o ROV ng Philippine Coast Guard para makatulong sa operasyon.
03:22Igan?
03:24Bon, may gagawing bang pagbabago ang PCG dyan sa proseso ng retrieval operation?
03:29Kasunod ng puna ni Dr. Fortune.
03:32Igan, wala namang sinabi yung Philippine Coast Guard na may babaguhin sila doon sa proseso ng pag-retrieve nila ng mga suspicious objects.
03:45Kung ang tinutukoy daw ni Dr. Fortune ay yung unang sako na nakuha noong unang araw.
03:51Hindi raw sila yung nag-retrieve nito at nakuha ito sa shoreline.
03:55Ang kanilang operasyon o yung mga suspicious objects na nakuha nila ay yung nasa ilalim ng lawa.
04:02Tinexplain nila na kapag may nakapa yung mga divers natin na suspicious objects, ipinapaalam nila ito doon sa DOJ at SOCO at binabalot ito ng finite mesh.
04:13At kapag may go signal na ng SOCO at DOJ, tsaka nila ito iniaakyat at present din doon ng SOCO.
04:19At agad nila itong itinaturnover sa SOCO. Igan?
04:24At kung sakaling wala pa rin mahanap na kahinahinala sa ilalim ng talay kay araw, ano bang plano itigal na ito o lilipas sila ng ibang lokasyon?
04:37Igan, nag-a-adjust lang sila para makover pa nila yung ibang bahagi ng search site. Igan?
04:44Maraming salamat. Bonacino.
04:46Kamaas po ang presyo ng isda sa ilang pamilihan dahil sa kakunting supply ngayong tag-ulan.
04:53Live mula sa Mandaluyo, may ulang balita si Pam Alegre.
04:56Pam, kama saan ang sitwasyon ngayon dyan?
05:03Maris, good morning. Tila tinik daw sa lalamunan ng presyo ng bilihing isda sa ilang mga pamilihan.
05:09At mas mataas ang presyo nito ngayong linggo.
05:11Madaling araw, naka-full display ang mga sariwang isdang ito sa kalentong Markel sa Mandaluyo.
05:20Yun nga lang, matumal ang benta ayon sa ilang nagtitinda.
05:24Hindi naman daw masisi ang mga mamili dahil masamahal ang presyo ng isda ngayong panahon ng tag-ulan.
05:28Sa monitoring ng Department of Agriculture, tumaas ng 20 pesos ang presyo ng kada kilo ng galunggong.
05:34Ganito rin halos ang presyo nito dito sa kalentong.
05:36Ang kilo ng galunggong, 220 pesos ngayon mula sa dating 180 hanggang 200 pesos.
05:42Ang bangus, 240 pesos ngayon mula sa dating 200 hanggang 220 pesos.
05:47At ang tilapia, 140 pesos ngayon mula sa dating 130 pesos kada kilo.
05:52Medyo tumakas ngayong araw.
05:53O minsan nag-reklamo rin siya kasi sobra yung taas yung isda eh.
05:59Minsan mataas, minsan bababa, gano'n.
06:00Kahit mahal ang isda, bumili pa rin ngayong umaga si Lady Langinan.
06:04O po, medyo mahal po talaga po.
06:07Kasi gano'n talaga po, wala naman po tayong magagawa eh.
06:10Para tiyaking sapat ang supply ng isda, pinayagan ng Department of Agriculture ang pag-import sa 25,000 metric tons ng isda.
06:23Maris, ilan din sa mga binabantayan posibleng maka-influensya sa presyo ng mga bilihin sa palengke.
06:28Yung nakaambang oil price hike, pati yung epekto ng mga bagyo sa probinsya.
06:33Ito ang unang balita. Mala rin sa Mandaluyong, Bam Alegre para sa GMA Integrating News.
06:38Pag-iimprenta ngayong araw ng field test ballots bilang paghahanda sa 2025 parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim, Mindanao.
06:48Ay, kakamalik chairman George Garcia,
06:49kasandaan at 60 balota ang gagamitin sa field test ngayong buwan.
06:54Hindi ito maglalaman ng anumang pangalan na mga kandidato at partido na pagpipilian sa eleksyon sa October 13.
07:01Lahay na nung field test na matiyak ang integridad at kahandaan ng mga ide-deploy na kagabitan sa regyon.
07:06Nanawagan ang Filipino community sa Amerika kay Pangulong Bongbong Marcos na makipagdegosasyon kay U.S. President Donald Trump
07:16kaugday sa mga dagdag buwis na kanilang ipinataw.
07:20Nabilang dyan ang 1% na buwis remittances mula sa Amerika,
07:23pati ang pagtaas sa 20% ng taripa sa mga produkto mula sa Pilipinas.
07:28Dagdag pasakit daw ang dagdag taripa sa Filipino community
07:32dahil sila rin ang kadalasang kumukonsumo sa mga produktong mula sa Pilipinas.
07:37Posibling ikalugrin daw ito ng malilit na negosyo.
07:41Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez,
07:45isang dagdag taripa sa mga inaasahan pag-uusapan ni na Marcos at Trump sa kanilang pulong.
07:50Sabi ng Malacanang, mangyayari ang pulong sa pagitan ng July 20 at July 22.
07:55Muling iginiit ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
08:01na dapat ng palayain ng dating Pangulo dahil walang horisdiksyon
08:04ang International Criminal Court sa Pilipinas.
08:07Sinagot din ang abogado ni Duterte ang hirit na Malacanang
08:10na dapat galingan ng depensa ang kanilang strategy.
08:14Narito ang aking unang balita.
08:18Mahigit dalawang buwan bagong confirmation hearing ng crimes against humanity
08:22ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa September 23.
08:25Patuloy na naninindigan ang kanyang defense team
08:27na walang horisdiksyon ng ICC sa dating Pangulo.
08:30Kaya raw dapat hindi magpatuloy ang paglilitis ang Pangulo
08:33at dapat siyang palayain.
08:35Pero patuloy raw ang defense team sa pagsuri sa libu-libong dokumento
08:38na mga ebidensyang isinumitin ang prosekusyon.
08:41Kabilang dito, ang listahan ng mga tatayong saksi
08:43laban sa dating Pangulo.
08:45Kung ang prosekusyon, handa na magpresenta ng mga testigo
08:52laban sa dating Pangulo.
08:53Balak kaya itong tapatan ng depensa.
08:55In good spirits, kung ilarawan ni Kaufman
09:14ang kondisyon ng dating Pangulo.
09:16Pero hindi rin naman daw ibig sabihin
09:17wala siyang iniinda.
09:18Kamakailan kumalatang litrato o manon ni Duterte
09:21na nakaratay raw
09:21bagay na pinabulaanan na ng kanyang anak
09:24na si Vice President Sara Duterte.
09:44Tumagi naman magkomento ang tagapagsilita ng ICC
09:46sa kondisyon ni Duterte.
09:47Pero tiniyak nilang ginagawa nilang lahat
09:50para matiyak ang kalusugan ng mga nasa detention center.
09:53Bukas naman ang kampo ng depensa
09:54sa resolusyong inihain ni Senador Alan Peter Cayetano
09:57na nananawagang ihau sa resa lang si Duterte.
10:08Sagot naman ni Kaufman sa hirit
10:10ni Palace Press Officer Claire Castro
10:12na dapat galingan pa ng defense team
10:14na Duterte ang kanilang stratehiya.
10:28Sinusubukan pa namin kunan ng pakayag si Castro
10:30at ang prosecution panel
10:32kaugnay sa mga sinabi ni Kaufman.
10:34Ito ang unang balita.
10:35Ivan Merina para sa GMA Integrated News.
10:44Muling nagpakilig ng Pinoy fans
10:47ang nagbabalik Pilipinas
10:48na si South Korean superstar
10:50Park Seo Joon.
10:51The crowd went wild
11:00nanuba sa stage
11:01si Opa Seo Joon.
11:04Kawai at matamis na ngiti
11:05naman ang bati niya
11:06sa mga dumalo sa fan meet
11:07this weekend.
11:08Present din sa event
11:09si It's Showtime host
11:11Ann Curtis
11:11na may kilig moment
11:12with Seo Joon.
11:13Ilang lucky fans din
11:14na nabigyan ng pagkakataong
11:16makausap ang Korean superstar.
11:18Bago ang fan meet
11:19nagkaroon ng press conference
11:20si Seo Joon
11:21kung saan sinare niya
11:22ang ilang tips
11:23para maging fit and healthy.
11:25Kabilang dyan
11:25ang pagbibigay pansin
11:26sa mental health
11:27at pag-aalaga sa katawan
11:28sa pamamagitan ng exercise
11:30at self-discipline.
11:32Nasa Pilipinas si Seo Joon
11:33para sa kanyang
11:34inaendosong brand
11:35and advocacy.
11:37Hindi rin nagpahuli
11:38sa hatid na kilig
11:39ni PSJ,
11:40CUH,
11:41Barkada Maris Umali
11:42at veteran actress
11:43Jean Garcia.
11:44Grabe!
11:45Si Maris,
11:46hindi na makawala yan
11:47sa mga ganyan.
11:49So Joon pa-share naman
11:50ng secret.
11:51Actually.
11:53Samantala mga kapuso
11:53nakiride sa isang
11:54kwelang trend
11:55ang ilang kapuso stars.
11:57What is this?
11:59Bugatti?
12:00Yan!
12:05Si kapuso primetime
12:07Queen Mary and Rivera
12:07may entry kasama
12:08ang panganay na si Zia.
12:10Very smooth
12:10ang paghata kay Zia
12:11pero nang si Mary
12:12nang tinila.
12:14Nawalan yata
12:14ng gasolina.
12:15Struggle is real
12:16para kay Ate Zia.
12:19It's a bumpy car ride
12:21naman para kay
12:22AZ Martinez
12:23kasama ang
12:23coca-puso PBB
12:24Big 4 placer
12:25na si Will Ashley.
12:27Biro ni AZ
12:28sa caption
12:29may halong galit
12:30yata si Will.
12:31Nagreply naman
12:32si Caldag King Will
12:33na sorry.
12:35In fairness
12:35nahila siya agad naman.
12:37Di ba?
12:37Bumawi naman.
12:38Bumawi.
12:38Bawi.
12:39Bawi-bawi.
12:40Bawi-bawi.
12:40Bawi-bawi.
12:41Bawi-bawi.
12:41Bawi-bawi.
12:42Bawi-bawi.
12:42Bawi-bawi.
12:42Bawi-bawi.
12:43Bawi-bawi.
12:43Bawi-bawi.

Recommended