Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00May binuupong grupo ang Metro Manila Development Authority na tututok sa obstruction at illegal parking violation sa mga pangunahing kalsada.
00:10Suot nilang body cameras bilang bahagi ng no-contact apprehension policy o NCAP.
00:14Pabor kaya mga motoristarian?
00:17Alamin natin sa unang balita, dive ni EJ Gomez.
00:21EJ!
00:22Igan, sinimulan na ng MMDA ang paggamit ng body-worn camera sa pagpapatupad ng no-contact apprehension policy o NCAP sa mga pangunahing kalsada at mabuhay lanes sa Metro Manila.
00:39Inalam natin ang masasabi ng mga kapuso nating motorista ukol dyan.
00:43Bilang suporta sa pagpapatupad ng no-contact apprehension policy o NCAP, inilunsad ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA kahapon ang paggamit ng body-worn cameras.
01:00May swift traffic action group o STAG na binubuo ng sandaang tauha ng MMDA na tututok sa obstruction at illegal parking violations sa mga pangunahing kalsada at mabuhay lanes.
01:12Ayon kay MMDA chairman Don Artes, layo nito na mabawasan ang direktang interaksyon at potensyal na pagtatalo sa pagitan ng mga motorista at traffic enforcer sa panahon ng road clearing operations.
01:25Ang mga body-worn camera ay nakaling sa MMDA Communications and Command Center para sa real-time na monitoring at dokumentasyon ng on-ground operations.
01:34Ang taxi driver na si Romy ilang beses na raw natikitan dahil sa mga nilabag na polisiya ng NCAP pero pahirapan daw ang pag-contest sa ilang violations.
01:45Makatutulong daw ang body-worn camera para agad matukoy kung ano ang paglabag na nagawa at kung sino ang nagsasabi ng totoo sa pagitan ng motorista at enforcer.
01:56Yung body cam, okay din yun sa akin. Kahit ako naman driver, hindi ako agree. Pag oras na nahulihin ako na wala naman akong kasalanan.
02:06Kung baga ano na lang, jersey-sery na lang yung iparatang sa akin.
02:11Maganda din po yun ma'am para yung ebidensya, makikita doon, hindi ka na pwede magsinungaling, hindi mo pwede deny, gawa ng may body cam na eh.
02:20Tanong naman ni Stanley, okay daw bang magpaliwanag agad sa mga MMDA enforcers sa panahong makuna ng body cam nila ang posibleng violation ng mga motorista sa aniyay special circumstances?
02:34Sana raw ma-review ng mabuti ang makukuhang video mula sa mga body cam para tama at makatarungan ang ipapataw na penalty sa mga motorista.
02:43Maganda naman siya pero para sa akin, may mga senaryo na katulad nun, limbawa bumabay-ibay ka sa along edsa tapos biglang umulan
02:54or gustong bumaba ng passenger doon sa gilid tapos biglang nakita ka ng traffic enforcer na may body cam, mahuli ka.
03:09Pero usually kung reasonable naman na pwedeng makiusap sa kanila kung papayag sila, okay naman.
03:17Nahirap din kasi kung hindi natatanggapin yung mga i-explain mo na paliwanag.
03:25Igan, ayon sa MMDA, notice of violation pa lang ang unang matatanggap ng mga motorista.
03:36I-upload daw ang kaso sa system ng MMDA at dadaan sa manual review.
03:42Kapag na-validate ang violation ay makakakuha naman daw ng text message o email ang violator sa loob ng isang araw mula sa time of apprehension.
03:52Pwede rin daw makita ang tiket sa may huli ka website ng MMDA.
03:58At yan, ang unang balita mula rito sa Edsa Mandaluyo.
04:03EJ Gomez, para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended