00:00Bawal pumarada ng mga uri ng sakyan sa mga pauneng kalsada sa Metro Manila ayon sa Metro Manila Council at MMDA.
00:07Ano kaya reaksyon dyan ng ating mga kapusong motorista?
00:10May unang balita live si Jomer Apresto.
00:13Jomer!
00:18Igan, good morning. Hindi paborang karamihan sa mga nakausap natin dito sa lungsod ng Maynila.
00:23Kognize sa plano ng Metro Manila Council na magpatupad ng total ban sa mga street parking sa Metro Manila.
00:28Narito ang aking report.
00:34Parada na sa kalsada, parada pa sa bangketa.
00:37Ganyan ang sitwasyon sa bahaging yan ng Mel Lopez Boulevard sa Tondo, Maynila.
00:41Sa kuhang ito, makikita pa na dalawang linya ng kalsada ang sinakop na mga sasakyan na iligal na nakapark.
00:47Kaya ang ilang pedestrian, napipilitan na rin na sa kalsada na mismo maglakad.
00:52Yan ang target solusyon na ng pagtatakda ng no-parking zones ng Metro Manila Council.
00:56Base sa MMDA Regulation No. 25-001, bawal ang pagpaparada ng anumang uri ng sasakyan sa mga pangunahing kalsada tulad ng
01:06C1-C6, R1-R10, Bonifacio Drive, Elliptical Road, Mindanao Avenue, Marcos Highway, Dr. A. Santos Avenue, Nino Yaquino Avenue, Shaw Boulevard, Boni Avenue, Alabang Zapote Road.
01:21Ayon sa MMDA, papayagan namang pumarada ang mga sasakyan sa mga National Secondary Road sa limitadong oras.
01:29Pwede raw itong i-regulate ng mga lokal na pamahalaan depende sa kanilang ordinansa na ipatutupad.
01:34Ayon sa jeepney driver na si Marlon Tabunda, tuwing gabi lang naman niya kailangan magparada.
01:38Kaya dagdag problema pa paghanap ng parking space dahil may kamahalan daw ito.
01:42Eh, hindi po sir po. Kasi paano naman kaming mahirap na malilit na operator. Pero kung talagang ipatutupad, eh wala kaming magagawa. Wala lang pahingan jeep. Araw gabi na ang biyahe.
01:59Hindi rin pabor ang 64 years old na si Tatay Maxi.
02:03Eh, hindi, hindi ako pabor din eh. Paano naman yung minabahan at buhay?
02:07Dito sa Maynila, may mga lugar tulad ng Recto kung saan binibigyan ng espasyo sa parking ang deliveries ng mga negosyante sa lungsod.
02:20Igan, plano ng MMDA na maipatupad yan bago ang Christmas rush para maiwasan ang pagbigat ng daloy ng trafiko lalo na sa mga pangonahing kalsada.
02:29Yan ang unang balita ko po si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
02:33Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Comments