00:00Nangita na ang PTV Balita ngayon, pinabulaan na ng Department of Finance ang napapabalitang pag-atras umano ng South Korea sa pagpapautang sa Pilipinas.
00:11Ayon sa Department of Finance, walang 28 billion pesos na halaga ng Official Development Assistance Loan sa pagitan ng dalawang bansa.
00:21Ni Lino Reen ng DOF na nananatili ang tiwala at kumpiyansa ng bilateral partners sa gobyerno ng Pilipinas.
00:28Alinsunod sa pangkitiyak ng full transparency at accountability.
00:35Nasa mahigit 20 contractors ang nagbigay ng donasyon sa mga tumakbo noong 2022 elections.
00:43Ayon kay Comble Chair President George Garcia, kaugnay na rin ito ng pinalawak nilang investigasyon hinggil sa SOSI o Statement of Contributions and Expenditures
00:54ng mga tumakbo sa posisyon ng gobernador at vice-gobernador.
00:59Dagdag pa ng opisyal, labag sa Omnibus Election Code ang pagdonate ng mga contractor na may government projects,
01:07lalong-lalo na sa mga tumatakbo.
01:09Kapag napatunayan, posibili silang makulong ng hanggang 6 na taon habang perpetual disqualification naman ang parusa sa mga kandidato.
01:18Sa ngayon, pinagpapaliwanag na ng Comolec ang mga naturang contractor.
01:23Nalingdigan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kailangan ng buwagin ang sistematikong korupsyon sa DPWH.
01:34Giit ng Pangulo, matagal nang may batas laban dito.
01:37Pero namumutawi pa rin ang mga iligal na transaksyon sa loob ng mahigit 20 taon.
01:44Aminado ang Pangulo na tila nagiging normal na ito at maring tinututulan daw niya ito.
01:50Mababatid na nakatakdang i-anunsyo ng Pangulo ang mga magiging miyembro na bubuoing independent commission na mag-iimbestiga sa flood control projects.
02:00This has been going for 21 years and that is why it's so deeply seated within the system.
02:08And that's why it's going to be a very, kailangan masalimukot at detalyado ang ating magiging investigasyon at para matignan.
02:22And yan ang magiging trabaho ngayon ng ating independent commission.
02:25At yan ang mga balita sa oras na ito.
02:30Para sa iba pang update, i-follow at i-like kami sa aming social media sites sa DPTVPH.
02:36Ako po si Naomi Timurso para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.