00:00Patay ang isang tauha ng Metro Manila Development Authority matapos saksaki ng labing siyam na beses sa Tondo, Maynila.
00:07Ang suspect, kanyang kababata, na sumuko sa mga otoridad.
00:11Laging una ka sa balita ni Jomer Apresto, exclusive.
00:19Pasado alas tres ng hapon itong linggo, bigla na lang bumulagta ang lalaking yan sa bahagi ng Sona sa Tondo, Maynila.
00:26Ang lalaki, pinagsasaksak ng kanyang kababata.
00:30Kinilala ang 55-anyos na biktima na si Rosauro Suba na nakatalaga sa demolition team ng MMDA.
00:37Bago ang insidente, makikita sa CCTV ng kabilang barangay na isang lalaking may hawak na bote ang lumapit at tila kinumpronta ang biktima.
00:46Maya-maya, naglabas ng balisong ang lalaki at dalawang beses inundaya ng saksak si Suba.
00:51Sa anggulong ito, kita na naitulak pa ng biktima ang suspect pero agad siyang nakarecover at sunod-sunod na pinagsasaksak ang biktima.
01:01Natumba si Suba pero agad ding nakatayo.
01:04Kita naman ang suspect na dinampot pa ang nalaglag na cellphone ng biktima.
01:08Makalipas ang ilang segundo, tuluyan ng bumulagta ang biktima.
01:12Rumesponde, ang kabilang barangay, pinagtulungan namang dalhin sa ospital ng kanyang mga kaanak ang biktima, hindi na siya umabot ng buhay.
01:21Ayon sa barangay 48, nakainom ang biktima at bibili lang sana sa tindahan nang mangyari ang insidente.
01:28Nung nakainom na ito, bibili na siya umay. Kinukuha yung siya umay, ilaw pao yata.
01:34Sabi nung may tindahan, mamaya na, lumapit yung levy.
01:41Ikaw kanina ka pa makulit eh, yun. Kaya rin nga na, tapos yung bumunot ng 29.
01:46Bata pa lang daw, talaga magkaaway na yun mo yan.
01:50Sabi naman ang barangay 49 kung saan residente ang sospek, hawak na ng otoridad si Alias Nebi matapos daw nilang mapilit na sumuko.
01:58Nabanggitin ang barangay na halos kalalaya lang ng sospek.
02:02Sabi ko, bakit ngayon ka lang sumuko? Dapat noon na pa lang.
02:07Ang tabi niya, lito-lito ako, chairman eh.
02:11Kuro may mga 6-8 buwan pa lang siyang kakalaya pa lang.
02:15Ayon naman sa pamangki ni Suba, lumabas sa autopsy report na labing siyam na stab wounds ang tinamo ng biktima.
02:22Kahit nabigay na yung hostesya, hindi mo na mababalik yung buhay ng tito namin.
02:2738 years, wala siyang kahit anong record sa trabaho niya na nanakit siya, nang gulo siya, wala.
02:34Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng sospek na nasa kustodiyan ng homicide section ng MPD.
02:41Ito ang unang balita, Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
02:46Gusto mo bang mauna sa mga balita? Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments