00:00Hindi mawawala sa ating travel bucket list ang mga klase ng pagkain mula sa iba't ibang panik ng Asia.
00:06Isabay na rin natin ang makabubuti sa ating kalusugan para balanse ang lifestyle.
00:11Manuunin po natin ito.
00:20Sa patuloy na paglago ng industriya ng pagkain at kalusugan sa Asia,
00:25mahalaga ang pagtuklas ng mga makabagong solusyon at sangkap upang mapalago ang mga negosyo at mapabuti ang kalusugan ng mga mamimili.
00:36Kung kaya't taog na niyan, sa darating na September 17 hanggang September 19,
00:41dalawang malaking kaganapan na ang magtatagpo sa Bangkok.
00:45Ito ay ang FEE Asia-Thailand 2025 at Vita Foods Asia 2025.
00:51Ang FEE Asia-Thailand 2025 ay sentro ng inovasyon para sa food and beverage industry.
00:59Dito, makikita ang mga pinakabagong produkto at teknolohiya mula sa mahigit 750 local, regional, at international exhibitors.
01:08Sa pamamagitan ng Innovation Zone at Innovation Tours,
01:14mabibigan ang mga kalahok ng pagkakataon na makita ang cutting-edge ingredients at solusyon mula sa mga nangungunang industry leaders.
01:23May limang key conferences din na tatalakay sa Asian ingredients.
01:27Halal certification, functional foods, new value chains, at regulatory updates.
01:37Kasabay nito, ang Vita Foods Asia 2025 naman ay nakatuon sa nutraceutical dairy supplements at functional ingredients.
01:45Sa new ingredients and new product zone at academic to commercial zone.
01:50Makikita ang mga bagong produkto at pananaliksik mula sa mga unibarsidad at institusyon.
01:58May mga seminar din na magaganap tungkol sa personalized nutrition, microbiome science,
02:05at mga regulasyon sa industriya upang mapalawak ang kaalaman ng mga profesional sa sektor ng wellness at nutraceuticals.
02:13Ang Fee Asia, Thailand at Vita Foods Asia 2025 ay magsisilbing pintuan ng bagong ideya at solusyon para sa mas makabagong food and health industry sa Asia.