Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Thank you very much.
00:30Ito, sabi niyo po, hindi naman kayo tumanggap ng kickback sa mga diskaya.
00:34Ano ko kayang motibo? Bakit kayo pinangalanan sa affidavit nila?
00:38Una, hindi totoo yun. Nakakabigla at nakakagulat niya.
00:42Nangyari ito, matapos kong i-expose o iladlad yung nangyayari sa DPWH na double funding
00:49at yung mga ibang red flag na nakita natin sa 2026 National Expenditure Project.
00:57Dahil nakita natin, ang insertion hindi nangyayari lamang sa BICOM o sa small committee.
01:03Hindi nangyayari rin sa preparation ng budget.
01:06Ang problema sa DPWH, it's structural na, systemic na eh.
01:10Kaya yung pagbabago, systemic din. Dapat sinisimulan.
01:14Hindi na lang sa implementation ng project ang binabantayang.
01:18Higit sa lahat, pati sa pagbabudget.
01:20Ito yung nakikita ko nga eh, relasyon kung bakit ako nadamay eh, nadawit eh.
01:27Dahil kahit sa anumang isip na ginagawa ko, eh hindi naman ako nakaupong congressman nung panahon na yun.
01:35Dalawang buwan pa lang akong congressman ngayong 2025.
01:39At nung una akong maging congressman eh 20 years ago, 2007.
01:45Kaya hindi ko inisip na mababanggit o may sasamang ang pangalan ko.
01:50Kaya sinasabi ng aking mga kakilala dito sa Mariki, napaka-demolition job ito.
01:57Kaya paglalipnat o sinasabi ko, ine-expose ko tungkol sa budget ay mawala ng kredibilidad.
02:05Isa yun.
02:06Pangalawa, diversionary tactics para maalihis yung totoong issue ng anomaly o kaya corruption.
02:16Hindi lang sa DPWH implementation of flood control projects.
02:21Higit sa lahat doon sa pagbabudget.
02:23Kung may kami marahil na sagasaan eh, nabangga.
02:28Nung binabago ngayon yung listahan ng NEP,
02:32sabi nila, paglilista pa lang sa NEP,
02:35meron ng lagayan eh, may kickback.
02:37Kung if I may push the point,
02:39kasi ho, lahat naman ng mga pinangalanang kongresista,
02:42as expected, lahat po nag-deny.
02:45Pero ito ho mga sinasabi nila,
02:47wala naman hong resibo to eh.
02:48So, walang paper trail.
02:50So, kambanti ho kayo that this can be easily disproven.
02:53Siguro, maybe by circumstantial evidence.
02:58So, kung ano naman.
02:59Kambante, kambante.
03:01Iyon nga lang, ang nagiging problema talaga,
03:03eh nakakadiskaril nito doon sa focus nung ginagawa sa kasalukuyan natin sa kongreso.
03:08Tulad kap, ako sana yung magdidefend ng mga attached agency sa office of the president.
03:14Naghahanda na kami para sa depensa nga sa plenario.
03:20Eh, biglang lumabas tong isyong to.
03:22Miski nga si Congressman Roman Romulo,
03:25nakita ko, nabigla rin eh.
03:26Hindi lang ba siya nabigla, nainis siya eh.
03:29Nainis.
03:29Ako naman ang una, tumatawa-tawa dahil sinisip ko,
03:32bakit masasama pangalan ko?
03:34Baka hindi totoo.
03:35Pero nung makita ko yung mga, yung Senate Blue Ribbon Committee hearing,
03:44sabi ko ba, totoo nga pala.
03:45Kaya nga nagpapakuha ko ngayon even ng kopya ng journal ng Blue Ribbon Committee
03:51dahil baka meron, at tingin ko meron talaga,
03:56na legal implication yung ginawa ng mga diskaya kahapon
04:01dahil nagpagay sila ng false testimony in a legislative hearing.
04:06Perjury yun dahil under oath yung kanilang mga paglalahad sa Senate Blue Ribbon.
04:12Yes.
04:12Sabi niyo ho, kung yung DPWH projects na na-award sa mga diskaya before 2022 pa,
04:19sa distrito niyo lang ho ba ito o sa buong Marikina?
04:21Sa buong Marikina, hindi naman sa distrito ko lang ito.
04:25Tatandaan ko dati nung mayor ako,
04:27minsan pinuntahan ako ng mga diskaya sa aking opisina.
04:30Opisina yan, hindi sa isang privadong lugar.
04:33Open.
04:34Yung opisina ko, maraming tao, maraming nakaakita.
04:38Dahil nga, gusto nilang makakuha ng kontratang lokal sa Marikina.
04:44Pero hindi natuloy yun, wala naman nangyari.
04:46Dahil nga ang feedback namin, may mga projects sila na hindi agarang natatapos.
04:54Dahil ng project dapat natatapos sa tamang panahon para pinapakinabangan ng mga tao.
05:00Otherwise, nakikita natin ngayon, mga DPWH project, multi-year ang pagpaponto.
05:07Ito nga rin yung kinu-question ko nga sa Marikina dahil may mga project ng DPWH na multi-year
05:12na hindi na papakinabangan, lalo na kung flood control ito.
05:17Apektado yung ating ekonomiya, yung kaligtasan ng mga kababayan natin.
05:23At ako nga, sinasabi ko, Ivan, paulit-ulit talaga dapat ang pagpaplano ayon doon sa data na available.
05:31Data-driven talaga.
05:33Sa Marikina, mayroon kaming master plan ng drainage.
05:38Kaya itong huling pagbahanga, napansin marahil na marami, nababawasan na yung pagbahanga.
05:43Mayroon lang, may tatanong lang ako isang specific project itong nakita namin sa Sumbong sa Pangulo.
05:54May flood control project ang St. Gerard Construction worth 56.7 million pesos along Balanti Creek.
06:02Parehong Diskaya Company.
06:03So ito, completed daw noong 2024. Ito ho, nasa distrito ninyo?
06:08Oo, ito yung pinunako. Ito yung sinabi ko na dapat, hindi na mapondohan ulit.
06:14Dahil, Ivan, ang totoo, pag tinignan mo ang 2026 National Expenditure Program,
06:21iyong completed project ng St. Gerard na yan sa Balanti Creek.
06:24Binabudgetan ulit?
06:26Binabudgetan ulit ng 100 million. Yun ang tinutulang ko.
06:29Yun yung niladlad natin na katotohanan at sinasabi ko na dapat i-realign itong budget na ito sa Sumulong Highway Drainage.
06:38Kasi ito yun yung mas malaking drainage na dapat matapos.
06:42Ito nga yung sinasabi ko baka relasyon kung bakit ako binalikan ngayon eh.
06:48Binabalikan ako at dinadamay at dinadawit sa mga kalukohang ito.
06:53Ako nga yung nagladlad eh na kalukohan na yun eh.
06:57Hindi ko binabanggit dati yung contractor kung sino sa Balanti Creek dahil factual lang naman tayo.
07:05Ayoko nung parang nag-aakusa tayo.
07:08Sinasabi ko lang na hindi dapat pondohan ulit yung Balanti Creek na 100 million dahil tapos na yung proyekto matagal na.
07:17Ang tanong sino ho nagsingit?
07:19Ayun nga eh, ang tingin ko, nung aking tinanong sa DBM, sabi ng DBM ay hindi naman sila ang naghahanda ng listahan kundi agency initiated, Ivan.
07:33Okay.
07:33Sino yung agency na yun? DPWH.
07:36Kaya nga nakikita ko nga ang problema ko ngayon eh nagmula, dulot, nung niladlad ko, ano sinabi ko yung double funding sa Balanti Creek.
07:47May mga interview pa ako nun, pero sabi ko nga, eh maaaring tip of the iceberg lang yun eh.
07:55Dahil Marikina lang yun, maliit akong distrito.
07:58Napakaliit na distrito sa Marikina.
08:00Ang budget ko sa flood control na nakuha sa DPTBH, napakaliit kumpara sa ibang distrito dito sa Marikina o sa ibang lugar na halos apat na doble.
08:11Yes, Kong, thank you very much sa pagpapaunlak sa amin ha. Pasensya na wala na tayong oras.
08:16But you've made your point here. Maraming salamat po.
08:20Mga pagpaliwanag. Mabuhay ka, Ivan. Mabuhay ka.
08:22Nag-ausa po natin Marikina, First District Representative, Barsi Chodoro.
08:27Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
08:30Mag-iuna ka sa malita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended