00:00Maaaring hatakin ang karamingan sa mga luxury vehicles ng Pamilya Diskaya ayon sa Bureau of Customs kung bigong mapatunayang nabayaran ang buwis para rito.
00:09Sa ngayon, walang record na nakita ang customs na nabuwisan iyaan. Nakatutok si June Veneracion.
00:16Exclusive!
00:20Sa edisyal na investigasyon ng Bureau of Customs sa mga luxury vehicles ng Pamilya Diskaya na nasa kustodian ng kagawaran,
00:27lumalabas na karamihan sa mga ito, wala raw record na nabayaran ni singkong duties and taxes.
00:34Ipinasilip ng customs sa GMA Integrated News ang listahan ng mga sasakyan na nakitaan ng panibagong red flag.
00:41Nauna lang sinabi ng customs na may mga sasakyan ng mga diskaya na walang import entries.
00:46These are really red flags. If you have doubtful import entries, if you have lacking documents that will prove payment of duties and taxes,
00:57it gives that presumption, a strong presumption that these items are smuggled.
01:03Oras na mapatunayang walang binayarang buwis. Pwede na raw hatakin at kumpiskahin ang customs sa mga sasakyan.
01:10Yung mga maayos naman ng mga papel, maririlis daw sa lalong madaling panahon.
01:15Kung totoong hindi bayad ang buwis sa mga imported na sasakyan,
01:19ang tanong, paano nakalabas ang mga ito sa Bureau of Customs?
01:22At paano narehistro sa Land Transportation Office?
01:26Kasama rin daw ito sa iimbestigahan.
01:29Sinabi naman ng ating commissioner, ang imbestigasyon ito ay walang sasantuhin.
01:33Kung meron sa aming hanay na mapapatunayang kailangan managot,
01:37meron silang responsibilidad sa nangyaring smuggling,
01:40sa pagkakarehistro gamit ang mga peking dokumento, mananagot din po sila.
01:44Kinansila naman ng Department of Budget and Management Procurement Service,
01:48ang PhilJeps o Firpin Government Electronic Procurement System Membership
01:53ng Shamna Construction Company na may kaugnayan kay Sara Diskaya.
01:58Hindi na raw pwedeng lubahok sa procurement project na pamahalaan
02:01ang mga kumpanyang kansilado ang PhilJeps membership.
02:05Target na ng DBM na kansilahin ang PhilJeps membership
02:08ng iba pang kumpanyang nadadawi sa mga kwestyonabling flood control project.
02:14Sinusubukan pa namin makuha ang palig ng pamilya Diskaya,
02:17pero nauna nang sinabi ng mga Diskaya
02:19na handa silang bayaran ang anumang pagkukulang
02:22sa bayaring buwis ng mga sasakyan.
02:25Para sa kanila, nabili nila ang mga sasakyan
02:28mula sa local dealers at hindi sila nag-iimport ng mga sasakyan.
02:33Para si GMA Integrity News,
02:35June Venerasyon Nakatutok, 24 Horas.
Comments