00:00.
00:00Magandang gabi po Luzon, Visayas at Mindanao.
00:12Pinangalanan na magasawang diskaya ang mga mambabatas, mga taga DPWH at iba pang opisyal
00:20na humingi umano ng kickback sa mga hinawakan nilang proyekto.
00:25Kabilang sa kanila ang 17 kasalukuyan at dating kongresista.
00:29Sabi umano ng karamihan sa kausap nilang taga DPWH para kay House Speaker Martin Romualdez
00:35at ako Bicol Partialist Representative Elizalde Co. Ang Pera.
00:40Nakatutok live si Maki Pulido.
00:43Maki.
00:46Sa gitna nga ng pagkakaipit, sa gitna ng mga issue ng mga questionabling flood control projects
00:52ay nagturo na ang magasawang Pasifiko at Cezara Diskaya sa ikatlong pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
01:00Sa sinumpang salaysay na isinumiti nila sa Senate Blue Ribbon Committee,
01:08pinangalanan ng mag-asawang Pasifiko at Cezara Diskaya,
01:11ang labing pitong dati at kasalukuyang congressman, isang regional director ng DPWH,
01:17limang district engineer ng DPWH, isang undersecretary ng DPWH,
01:22dating undersecretary sa ilalim ng Office of the President,
01:25at isang director ng Unified Project Management Office.
01:29Ilan-an nila sa mga ito ay personal umano nilang inabutan ng pera
01:33para hindi maipit ang kanilang mga kontrata sa gobyerno.
01:36Ayon sa mga diskaya, 10 to 25% ng halaga ng kontrata ang hinihingi ng cash
01:42at walang resibong pinipirmahan.
01:45Matapos namin manalo sa mga bidding, may mga opisyal mula sa DPWH
01:49ang lumalapit sa amin para humingi at kumuha ng bahagi niya sa halaga ng proyekto.
01:54Ito ay binibigay namin sa kinila ng cash.
01:57Ang bawat transaksyon ay may karampatang voucher at ledger
02:00na nagsasad ng mga araw at kung kailan nila ito natanggap.
02:04Meron din anilang kickback na inaabot nila sa chief of staff o staff ng politiko.
02:09Meron din binabanggit lang anila ng mga nanghihinging taga DPWH.
02:12Lumapit sa akin ang DPTH Project Engineer na si Angelita Garucha
02:18para kolektahin ang parte ni Kong Roman Romulo sa flood control projects noong 2022.
02:24Pagdating ng 2025, si District Engineer Aristotle Ramos
02:29ang sumunod na nagpakilala na bagman ni Kong Roman Romulo
02:32kung saan 30% ang kanyang hinihingi ay para kay Kong Roman Romulo.
02:39Ito sinabi niya na walang magagawa dito dahil pundo ito galing sa unprogrammed funds
02:44at insertion galing sa taas.
02:46Karamihan umano ng kausap nilang taga DPWH
02:49ay sinasabing ang pera ay para kay House Speaker Martin Romualdes
02:52at ako, Bicol Partylist Representative Elizalde Coe,
02:56ang dating chair ng House Committee on Appropriations.
02:59Maging si dating Congressman Rilyo,
03:01ilang beses umanong binanggit kay Diskaya na
03:03malapit niyang kaibigan si Speaker Romualdes
03:05at inaprubahan umano ng Speaker ang mga fund request niya.
03:09Sa tuwing aminom kami sa Wine Story, sa BGC,
03:13at Ed, sa Shangri-La Mall,
03:14sinasabi ni Kong Rilyo na lahat ng kanyang request para sa pondo
03:19ay galing pa mismo sa unprogrammed funds at insertion na inaprubahan ni Speaker.
03:25Ang tao ni Marvin Rilyo na si Boggs Magalong
03:28ang pumapunta sa amin para kunin ang pera sa aming opisina.
03:30Binanggit din si Romualdes at ko ni Osuag Partylist Representative Jojo Ang.
03:36Si Kong Jojo Ang naman lagi rin binabanggit sa lahat ng projects sa kanya
03:40ay paponto ni Speaker at ni Saldico.
03:43Mataas ang hinihingi sa project, dagdag pa niya,
03:45hindi naman lahat ng pera ay para sa kanya,
03:47kundi para kay Speaker at kay Saldico.
03:49Sa computation ni Senate Blue Ribbon Committee Chair,
03:52Senator Rodante Marculeta,
03:54lumalabas na 25% ng halaga ng proyekto
03:56ang para kay House Speaker Romualdes at Congressman Elizalde Coe.
04:005% na parking fee naman ang para sa congressman na nabigyan ng proyekto ang distrito,
04:066% para sa Bids and Awards Committee,
04:087% para sa DPWH at tax na 7%.
04:12Ang matitira na lang daw para sa proyekto ay nasa 35 to 38%.
04:17Kaya kung 100 million pesos ang proyekto halimbawa,
04:21nasa 35 to 38 million pesos na lang daw ang panggastos para sa proyekto.
04:26Pero git ni Diskaya, kahit kaunti na lang ang natitira para sa proyekto,
04:30nagawa pa rin daw nila ito ng maayos.
04:33Napilitan umano silang magbigay ng kickback dahil sa sobrang panggigipit
04:37ng mga nabanggit na politiko.
04:3912 meters ang kailangan na iboon mo sa lupa.
04:43Ang problema, yung 12 meters, kinatay ginawang 3 meters.
04:47Baka naman ganun ang proyekto mo.
04:48Hindi ko po kayang sagutin, Mr. Chair, yung gawa po ng iba.
04:51Hindi, ikaw ang tinatanong ko.
04:52Na-example ko lang yung Mindoro.
04:54Baka ganun ang gagawin mo, mali talaga.
04:58Hindi po, Mr. Chair.
04:58Kami na lang po ang nag-aabsorb ng maliit na kita.
05:01Ibig sabihin, Mr. Chair, kesa wala kaming project,
05:05walang trabaho yung mga tauhan at empleyado namin,
05:08minabuti lang po namin na kumita na lang ng kahit nga bariya-bariya lang.
05:11Kasabot na hunin nyo yung district engineer at regional director.
05:14Paano po?
05:15Pati yung COA, kasabot din hunin nyo.
05:17E magbubulag-bulagan na lang yung tatlong yun.
05:20I don't think 2% lang po ang kinikita nyo dito, 3%.
05:23Magpapakanda hirap kayo, 2 to 3%.
05:25Kakayaanin ba ng 2 to 3% yung mga sasakyan na binili nyo
05:28na pagka-dami-dami po.
05:30I mean, that's just way, ika nga, unbelievable po.
05:34Your Honor, kaya po, dahil 23 years naman po namin pinaghirapan po yun.
05:38Umutang umano mag-asawang diskaya sa ilang mga taga DPWH
05:42dahil na-freeze na Anila ang kanilang bank account.
05:45Nung isang araw lang, nagsauli umano ng pera ang isang June.
05:48Driver ni Eduardo Vergilio, DPWH Regional Director ng Region 5.
05:53Itinanggihan ni Vergilio, sabay giit na James, ang pangalan ng driver niya.
05:57Ipapatawag sa Senate hearing ang driver ng DPWH, Regional Director.
06:02Na-freeze ng banko ang mga account namin kahit wala pa ang court order ng AMLAC.
06:07Mukhang naramdaman niya na magsasalita na ako kaya sinauli po niya yung 25% plus parking fee.
06:14Kulang pa nga.
06:15Maliban kay Vergilio, nasa pagdinig din si dating DPWH District Engineer Henry Alcantara.
06:21Pareho nilang itinanggi ang akusasyon ni Diskaya.
06:24I never went to that office and I categorically say that those allegations mentioned by Mr. Diskaya, I did not receive those.
06:40I awarded to him last year one project and that's a road project.
06:48I respectfully deny po na may tinanggap po ako galing sa kanya.
06:51Ang tanong, pwede bang maging state witness ang mag-asawang Diskaya?
06:56Pwede, sabi ni Justice Secretary Crispin Remulia, pero may mga kondisyon bukod sa dapat mapatunayan na hindi sila ang most guilty.
07:04Parang first principle na gagamitin natin dito.
07:08Kung meron silang nakukuhang perang hindi dapat, isa uli nila sa Republika.
07:15Yun naman ang first condition natin lagi.
07:17You don't walk off laughing at that system because you enriched yourself and got away with the crime.
07:24You give it back to the state where it rightfully belongs before you can even be considered for immunity.
07:32Yun talaga ang whistleblower actor. We have to work on those premises.
07:42Pagkatapos ang ginawa nilang pagbubunyag, humihingi naman ngayon ng tulong ang mag-asawang Diskaya
07:47para mabigyan naman daw ng proteksyon at siguridad ang kanilang pamilya.
07:52Vicky?
07:53Maraming salamat sa iyo, Maki Pulido.
07:58Mariin namang pinabulaanan ni House Speaker Martin Romualdez
08:01at ng iba pang pinangalanan ng mga Diskaya
08:04ang pagtanggapo paghingi umano ng kickback kaugnay ng mga projects ng DPWH.
08:11Nakatutok si Darlene Kahn.
08:12Tinawag na kasinungalingan ni House Speaker Martin Romualdez
08:20ang mga pahayag ng mag-asawang Curly at Sara Diskaya
08:23na nagdarawit sa kanya sa mga maanumalyang flood control projects.
08:28Sa isang pahayag, sinabi ni Romualdez na mali, malisyoso at pawang name-dropping lang
08:33ang ginawang pagbanggit sa kanya sa sworn affidavit ng mga Diskaya.
08:37Pagpalag ni Romualdez, kahit kailan hindi siya tumanggap
08:41at hindi tatanggap ng suhol mula sa kahit kanino
08:45dahil wala raw kakayanan ang sinuman na manuhol sa kanya.
08:49Kung may gumamit o nang abuso raw ng pangalan ni Romualdez para kumita,
08:53sila raw ang dapat managot.
08:55Halos dalawampung kasalukuin at dating kongresista
08:58ang idinawit ng mag-asawang Diskaya
09:00na nanghihingi raw ng pera sa kanila na kondisyon
09:03para hindi maipit ang implementasyon ng mga kontrata.
09:06Nainis daw si PASIC Rep. Roman Romulo
09:09sa pagbanggit sa kanyang pangalan.
09:11So sa totoo, hindi man ako nakikialam sa bidding
09:14pero siguro dahil nga doon na hindi ako nakikialam ng bidding
09:17tapos sa totoo, marami pang ibang factors
09:19ay madali niyang masabi
09:22pero again po, hindi po totoo ang mga sinabi niya.
09:26Ikinagulat naman ni Quezon City 6th District Rep. Marivic Coppilar
09:30ang pagkakabanggit sa kanyang pangalan.
09:32Kasi ni Anino, ni Sarah, o ni Curly Diskaya
09:37di ko nakita.
09:39I have never spoken to them
09:41nor have I ever authorized or allow any representative
09:45to deal with them.
09:46My office will launch an exhaustive investigation
09:50regarding this matter.
09:52I will also file a libel case against the Diskaya
09:56so they may answer before the proper court of law
09:59for this deliberate action
10:01to destroy my reputation
10:02by deceiving the public.
10:04Tinawag naman ni Marikina 1st District Representative Marcy Teodoro
10:08na demolition job o paninira raw sa kanya
10:11ang paratang ng mga diskaya.
10:13Wala raw katotohanan ang mga ito
10:14dahil wala pa siya sa pwesto sa Kongreso
10:16nang mapunta sa mga diskaya
10:18ang DPWH projects.
10:20Pinag-aaralan ni Teodoro
10:21ang pagsasampan ng mga reklamo
10:23laban sa mga diskaya.
10:24Pinabulaanan din ni Quezon City 1st District Representative Arjo Atayde
10:29na nakinabang siya mula sa sino mang contractor.
10:31Kahit kailan, hindi raw siya nakipag-transaksyon sa kanila.
10:35Lilinisin daw niya ang kanyang pangalan
10:37at pananagutin ang mga nagpapakalat ng kasinungalingan.
10:40Mariinding itinanggi ni Romlon
10:42Representative Eleandro Jesus Madrona
10:44ang pahayag ng mga diskaya.
10:46Wala raw siyang proyekto sa mga diskaya
10:48kaya ano raw ang basihan ng mga pahayag nila.
10:51Nabalitaan daw niyang nag-bid si diskaya
10:53para sa mga proyekto sa rumblon
10:55pero wala raw siyang alam at kinalaman
10:57sa pagbabayad sa mga sangkot na individual.
11:00Sabi naman ni Sanosedal Monte Bulacan Mayor
11:02at dating Congresswoman Florida Robes
11:04mangilabot naman daw ang kung sino man ang gumamit
11:07ng kanyang pangalan.
11:08Wala raw ghost project sa kanilang lungsod
11:10at maganda rin daw ang kanilang mga infrastruktura.
11:14Sasampahan daw ni Robes ng libel ang mga diskaya.
11:17Itinanggi rin ni Laguna Representative Benji Agaraw
11:19ang pahayag ng mga diskaya na humingi siya ng pera
11:22kapalit ng mga proyekto sa kanyang distrito sa Laguna.
11:26Kakasuhan daw niya ng libel at perjury ang mga ito.
11:29Mariin din daw na pinabulaanan ni Quezon City
11:313rd District Representative Reynante Arugansha
11:34ang mga aligasyon ng mga diskaya.
11:37Ilalabas daw niya sa tamang panahon
11:39ang mga ebidensyang magpapatunay
11:40na pawang kasinungalingan at walang basihan
11:43ang mga paratang laban sa kanya.
11:46Pinabulaanan din ni Caloocan 3rd District Congressman
11:48Dean Asistio ang mga aligasyon.
11:50Nanindigan siyang walang ghost project sa distrito niya
11:53at kung may proyekto man,
11:54ang DPWH daw ang nangasiwa sa lahat.
11:57Sasampahan daw niya ng kaso
11:58ang mga diskaya sa mga mapanirang paratang nila.
12:02Patuloy na sinisikap ng GMA Integrated News
12:04na kunin ang panig ng iba pang kasalukuyan
12:06at dating kongresista na idinawit ng mga diskaya.
12:11Para sa GMA Integrated News,
12:12Darlene Kay, nakatutok 24 oras.
12:15Naglabas din ang pahayag ang iba pang kongresista
12:19ang tinukoy ng mga diskaya.
12:20Sa isang pahayag sinabi ni Occidental Mindoro Lone District Representative
12:26o Ditariela na mariniang pinabubulaanan ng mga pahayag ni diskaya.
12:30Wala raw siyang tinanggap na pera o pabor mula kay diskaya.
12:35Sabi naman ni Quezon City 5th District Representative Patrick Michael Vargas,
12:41isang daang porsyentong hindi totoo ang mga aligasyon ng mga diskaya.
12:45Wala raw silang proyekto sa kanilang distrito.
12:48Magsasamparaw siya ng kaso laban sa mga diskaya
12:51para sa kanilang anyay kasinungalingan.
12:54Pinawag ni Congressman Zaldico na walang basihan
12:59at dahil sa politika ang aligasyon laban sa kanya sa Senado,
13:03kabilang ang aligasyon ng mag-asawang Curly at Sara Diskaya
13:06na para kay Coe ang hinihinging pera ng mga taga-DPWH.
13:12Ayon kay Coe, walang patunay ang mga aligasyon
13:14na anyay sabi-sabi lang at politically motivated
13:18para linlangin ang publiko at lumihis sa accountability.
13:24Marinding itinanggi ni Agap Party List Representative
13:29ni Canor Briones ang paratang ng mga diskaya.
13:33Nahihikipag-ugnayan na raw sila sa mga abugado
13:35para maghain ang kaso laban sa mga diskaya.
13:42Pinabulaanan din ni Uswag Ilonggo Party List Representative
13:45Jojo Ang Jr.
13:47ang mga anyay walang basihang paratang
13:49na nag-uugnay sa kanya sa korupsyon.
13:52Nagulat daw siya na pati pangalan niya ay nabanggit.