00:00Sa ating balita, siksik ang mga aktibidad ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. sa ikalawang araw ng kanyang state visit sa Cambodia.
00:08Ngayong umaga, nag-ali ng bulaklak ang Pangulo sa Independence Monument at sa Royal Memorial of King after Norodom Sihanouk, bilang pagpupugay sa kasaysayan ng Cambodia.
00:19Matapos ito ay formal na tinanggat ni Pangulong Marcus Jr. at First Lady Lisa Aroneta Marcos sa isang welcome ceremony na isinagawa ng mga leader ng Cambodia sa Peace Palace.
00:30Sinunda nito ng summit meeting ng Pangulo kasama si Cambodian Senate President Hun Sen at bilateral meeting kasama si Prime Minister Hun Manet kung saan lalagdaan ang ilang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Cambodia.
00:44Kabilang diyan ang pagtutulungan sa pagsugpo sa transnational crime sa harap ng dumaraming biktima ng human trafficking dahil sa mga online scam operations sa Southeast Asia.
00:53Lalagdaan din ang kasunduan, kaugnay sa pagpapataas ng antas ng edukasyon at pagpapabuti ng air connectivity sa pagitan ng dalawang bansa.
01:02Ngayong hapon ay makikipagpulong si Pangulong Marcus Jr. sa isang business leader sa Cambodia kung saan tatalakay ng pagpapalawak ng oportunidad ng Pilipinas na mag-export ng maraming pagkaing Pinoy, inumin at gamot.