- 10 months ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Mga Gana Hapang, Patay Sapa Mama Maria sa Quezon City ang isang lalaki na may alitan sa suspect na dating sundalo.
00:09Ang ugat daw ng konfrontasyon ang paninita ng biktima sa pagpark ng suspect na kanyang motorsiklo sa makipot na daan.
00:17Nakatotok si Bea Pinlock.
00:22Dali-dali tumakbo ang lalaking ito sa eskinetang niyan sa Daang Tubo, Marangayupi Campus, Quezon City, Bernes ng umaga.
00:29Nakabuntot sa kanya ang isang dating sundalo na nakahugot na pala ng baril galing sa sling bag niya.
00:36Hindi na nahagip sa CCTV ang sumunod na nangyari.
00:40Pero umalingaungaw ang sunod-sunod na putok ng baril.
00:45Patay ang 31-anyos na lalaki matapos tamaan ng mga bala sa ulo at dibdib.
00:50Tumakas ang 53-anyos na suspect.
00:53Ayon sa kalapit na barangay na rumisponde sa pamamaril, sa bungad pa lang ng eskenita, nagkainitan na ang suspect at biktima.
01:23Sa inisyal na investigasyon ng pulisya, ang pinag-ugatan umano ng pamamaril,
01:34Based dun sa account ng sospek, nababanggit niya na sa loob ng isang taon, paulit-ulit na parang pili niya kinukursonata siya, pinarilinggan siya.
01:48Hanggang dumating sa punto na yun na ang kakausapin niya, nagkaroon ng konfrontasyon na isuntukan hanggat humantog sa pamamaril.
01:58Isa sa mga napag-awayan ng dalawa,
02:00Nagagalit itong biktima kapag nagpaparada ng motor itong sospek.
02:04Kasi yung daanan lang kasi, maliit lang yun, masyadong maliit.
02:09Sinita po ng biktim yung sospek.
02:12Labis ang dalamhati ng kaanak ng biktima.
02:15Wala na ang kanilang padre de familia.
02:17Hindi ko po alam na yun na po pala yung huli na makikita ko siya.
02:21Sobrang sakit po.
02:23Ang dami niya pong pangarap para sa amin, para sa mga bata.
02:26Parang tinanggalan po siya ng pangarap kung pumatay po sa kanya.
02:31Sumuko sa mga otoridad ang sospek kahapon.
02:34Malaki ang naging partisipasyon ng anak dahil mismo siya ang kumausap.
02:39Tinapon na umano ng sospek ang ginamit niyang baril.
02:42Umamin siya sa krimen.
02:44Sinabi na niya sa akin na hintayin mo ako yan.
02:46Papatayin kita ngayon.
02:47Yun na po yung ano ko.
02:49Self-defense po yung ginawa ko.
02:51Reklamong murder ang isasampa laban sa sospek.
02:53Para sa GMA Integrated News.
02:56Beya Pinlak.
02:57Nakatutok 24 oras.
03:01Magkahihulay na naaresto at target i-deport ang dalawang dayuhang sangkot umano sa sex torsion at pangahalay ng mga menor de edad.
03:10Nakatutok si John Consuta, Exclusive.
03:13Pagpasok sa mapunong bahaging ito ng isang compound sa Cebu, agad napalibutan ang dayuhan na target ng operasyon ng Bureau of Immigration Affiliative Search Unit.
03:24Pagdating sa loob ng bahay at makumpirma ang kanyang pagkakakinanlan.
03:28You have the right to remain silent.
03:32Arestado ang 62-anyos na Briton.
03:34Kung isang Briton na ito ay madalas makita na may mga kasamang bata at may mga reports din na ginagamit niya itong mga minor na ito upang kumita siya sa dark web.
03:46At binibenta niya itong mga images or videos ng itong mga batang ito.
03:50Sa pagsanhan, hinuni naman ang isang US national sa labas ng isang restaurant na ginamit daw ang identity ng kanyang kakambal sa Amerika para mataguan ang kanyang kaso.
04:01I wanted sa Amerika dahil sa panggagahasa sa kanyang minor na stepdaughter.
04:07So agad nga nakipag-coordinate sa atin yung FBI dahil napag-alaman nila na nandito nagtatago itong subject nila sa atin for almost 10 years na.
04:18So gumagamit siya ng ibang identity.
04:20So napag-alaman nga natin na umuwi pala siya dito sa bansa or nakapasok siya dito sa bansa gamit yung passport ng kanyang kakambal sa US.
04:29Pinoproseso na ang deportation ng dalawang dayuhan na kasalukoyang nakakulong sa B.I. Retention Facility sa Bikutan.
04:35Pero magkakaroon pa po tayo ng mas malaliman na investigasyon or follow-up investigation sa tulong ng NBI or PNP upang maalaman natin kung may iba pa silang kinakasangkutan na krimen.
04:47Sinusubukan pa namin makula ng pahayag ang mga suspect.
04:50Para sa GMA Integrated News, John Consulta, nakatutok 24 aras.
04:56Pumingi ng tulong si DPWH Sekretary Vince Dizon sa mga nagdaang kalihim ng ahensya para mawaksi ang korupsyon sa kagawaran.
05:12Mga insertion o mga proyektong isinisigit na mga mambabatas.
05:17Ang isa umano sa mga pinagbumulan ng katiwalian.
05:20Nakatutok si Joseph Moro, Exclusive.
05:22Napapailing na lamang si Sekretary Vince Dizon sa nangyayari sa DPWH.
05:31Ang paglilinis na kagawaran ng agenda ni Dizon sa halos dalawang oras na kulong niya sa mga dating kalihim ng DPWH.
05:39Si Rogelio Singson ng administrasyon ni dating Pangulong Noy Noy Aquino at Jose Ping De Jesus
05:44sa termino naman ni na dating Pangulong Noy Aquino at Fidel Ramos.
05:48Na nakasama rin ni Dizon, ang chairman siya, ng Tark Development Corporation.
05:53Aminado si Singson, talamak ang korupsyon sa kagawaran.
05:57Masyadong massive. I cannot imagine how massive the corruption inside and outside.
06:03At isa sa mga pinagmumula ng korupsyon ang mga insertion o mga proyektong isinisingit na mga mambabatas.
06:12Lower house and the senate.
06:14Total local projects and insertions in 2025 is about 450 billion.
06:21Ang problema dyan, hindi lang yung visible insertion, ibig sabihin from NEP to GAA.
06:27Apparently, according to Secretary Bonoan, kaya na-blindsided siya in some of the projects
06:33because some of his regular programs were also carved out and replaced with local insertions.
06:40Kinukuna namin ng pahayag si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan pero wala pa siyang tugon.
06:46Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations noong biyernes,
06:49ipinunto mismo ng ibang kongresista na hinahati ang ilang malalaking proyekto sa distrito
06:54nang hindi lalampas sa 150 million pesos para sa DPWH District at hindi DPWH Regional Office
07:02ang magpapatupad ng mga ito.
07:04Hindi lamang daw sa budget may nakawan kundi sa simula pa lamang tulad ng costing
07:08o paglalagay ng halaga sa mga proyekto.
07:11Ayon kay Dizon, kailangan ding matyaga ng procurement, implementation at monitoring ng mga proyekto.
07:18Ayon kay dating DPWH, Secretary Rogelio Singson,
07:21Tama lamang daw na hiningi ni Secretary Dizon ng courtesy resignation ng mga opisyal ng DPWH
07:27bilang paunang hakbang sa paglilinis sa ayensya.
07:31Humingi ako ng tulong sa mga tao.
07:33Kaya ba, sir?
07:34Who can I trust? Who are good people?
07:37We have to find the bad eggs, take them out, make them accountable.
07:41If they're as bad as Alcantara, Mendoza, and Hernandez, hindi kang dismissal yun.
07:45Kaya kang kakasuhan yun.
07:46Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong nakatutok 24 oras.
07:50Nasa Cambodia, si Pangulong Bobo Marcos para sa tatlong araw na state visit.
07:57At isa po sa mga tatalakayin, ang transnational crimes sa gitna ng pagkakabiktima ng mga Pinoy sa mga scam hub sa Cambodia.
08:05May pahaging din siya sa tila banggaan ng ehekutibo at lehislatura.
08:11Nakatutok si Darlene Cai.
08:13Thank you, Secretary Luper Samin.
08:21And all the members of the cabinet here, I hope lumamig na yung mga ulo ninyo.
08:28But I will have to just say that I perfectly understand why you are feeling a little unjustly beleaguered.
08:39Yan ang bungad ni Pangulong Bobo Marcos sa kanyang pre-departure speech kaninang tanghali sa Villamore Air Base bago dumalo sa kanyang three-day state visit sa Cambodia.
08:48Naglabas kagabi ng pahayag si Executive Secretary Lucas Versamin tungkol sa mariing pagtutol ng gabinete sa umano'y tangkang paninisin ng House of Representatives sa ehekutibo sa mga isyo ng korupsyon at mga pagkukulang.
09:02Hindi nagbigay ng karagdagang pahayag ang mga mayembro ng gabinete na nasa pre-departure ng Pangulo.
09:06Ang state visit ng Pangulo na umalis kaninang 1.44pm ay tugon sa imbitasyon ni His Majesty Norodom Sihamoni ng Cambodia.
09:15Layon itong palakasin ang ugnayan at kalakalan ng dalawang bansa.
09:18We have seen dynamism in the partnership between the Philippines and Cambodia across key sectors.
09:26These sectors include defense and security, trade, agriculture, heritage preservation amongst others.
09:33Makikipagpulong ang Pangulo sa Pinoy at Cambodian business leaders.
09:37Tatalakayin din ang problema ng transnational crimes, lalo't isa ang Cambodia sa mga bansa sa Southeast Asia kung saan may mga nasasagip na Pilipino mula sa scam hubs.
09:46The Philippines has been a resolute partner of Cambodia in addressing both traditional and non-traditional security challenges confronting our region such as transnational crimes.
09:59Habang nasa Cambodia ang Pangulo, itinalagang official caretakers ng bansa si na Bersamin, Justice Secretary Jesus Crispin Remulia at Agrarian Reform Secretary Conrado Estrellia III.
10:11Para sa GMA Integrated News, Darlene Kain, nakatutok 24 oras.
10:17Haharap bukas ang Office of the President sa budget hearing sa Kamara.
10:22Sa agit na ito ng tila banggaan ng Ehekutibo at Lehislatura,
10:25nang palagaan ng Executive Secretary Lucas Bersamin ang anyay tangka ng ilang mambabatas na isisi sa Ehekutibo ang sarili umano nitong katiwalian.
10:35Nakatutok si Dano Tingkungko.
10:36Sa isang pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ipinost ng Presidential Communications Office,
10:46mariin anyang tinututulan ng gabinete ang mga anyay spin mula sa ilang miyembro ng House of Representatives
10:52na nagtangkang ibaling ang sisi sa Ehekutibo sa mga katiwalian at kapalpakan ng lehislatura.
10:58Hindi raw nila kinukonsente ang anumang pag-atake sa integridad at reputasyon ng Ehekutibo
11:04at paggamit ng anyay political theatrics para i-hostage ang budget process.
11:09Sabi pa ni Bersamin wala anyang silbi ang anumang investigasyon kung hindi bubusisiin ang mga anyay ugat ng katiwalian.
11:17Kaya hamon niya sa Kamara, clean your house first.
11:20Ipinaliwanag ni Bersamin ang kanyang pahayag.
11:23It's as clear, as direct as that. It's not a mirror in your window.
11:27So it's just a clear message that there is much to be done by them before they point a finger at the other branch.
11:36Hindi raw siya galit. Pero malian niya ang pananaw na ibalik sa kanila ang panukalang budget
11:41lalot labas ito sa prosesong inaatang ng saligang batas.
11:45They are only doing their job but one member is particularly wrong in saying that they should return to us the NEP.
11:55That is not in the constitutional order.
11:57Wala rin daw sa hinuha ng Pangulo ang anumang posibilidad ng re-enacted budget para sa 2026.
12:03Walang tinukoy si Bersamin na partikular na miyembro ng Kamara.
12:07Pero bago nito, sinabi ni Deputy Speaker Rep. Ronaldo Puno na nag-decision shot ilang party leader na irekomendang ibalik ang 2026 national budget sa DBM.
12:17Sinisika pa na may makuha ang pahayag ng party leaders kaugnay sa sinabi ni Bersamin.
12:23Bilang tugon sa pahayag ni Bersamin, sinabi ni Sen. Juan Miguel Subiri na sa ngalan ng transparency,
12:29mainam na ilabas sa publiko ang mga proponent na mga insertion sa budget sa bicameral conference.
12:34Transparency din ang isinusulong ni na Sen. Panfilo Lacson at Sen. Minority Leader Tito Soto.
12:41Para makita natin, matrack natin, yung mula sa paggawa pa ng NEP.
12:48Sino mga naglagay niyan? Bakit mo nilagay? At saka kung wala sa NEP, kung wala sa NEP, bakit mo nilagay?
12:57Kaibigan po ba yung kontraktor?
12:59Para sa deliberasyon sa 2026 budget, suyosyo ni Soto dalhin sa plenario ang anumang panukalang amyenda sa budget para hindi lumabas na insertion.
13:07Sa isa namang pahayag na mahigit isandaang grupo mula sa iba't ibang sektor kabilang Makati Business Club,
13:13mga unibersidad at iba pang civil society groups, kailangan na raw nating makawala at talikuran ang sistema ng korupsyon
13:20na pumapatay sa mga Pilipino at sumisiraan nila sa tiwala sa gobyerno.
13:24Ang korup na sistema, dapat ang nilang palitan ng sistema ng transparency at accountability.
13:29Nanawagan sila sa DPWH at DBM at DPWH na mag-convene ng Independent Multisectoral Review Committee
13:36na binubuo ng mga civil society groups, scientists at komunidad para pag-aralan ng mga 2026 budget proposal.
13:43Nanawagan din sila na itigil na ang congressional insertion lalo sa bicameral conference committee
13:48sa Pangulo at DPWH na magbigay ng full transparency sa mga flood control project ng mga nakalipas na taon.
13:56Nanawagan din sa Pangulo ang mga grupo na isa publiko ang mga dokumento sa mga proyekto
14:00para sa potensyal na participatory audit ng publiko at civil society kasabay ng Commission on Audit.
14:07Dapat din daw may managot sa katiwalian, hindi lang daw ang mga itinuturing na small fish
14:11kundi mga mastermind sa likod ng eskandalo.
14:15Para sa GMA Integrated News, Dano Tingkung ko nakatutok, 24 oras.
14:19Galit na galit daw si Pangulong Bongbong Marcos sa epekto sa mga Pilipino
14:24ng naungkat na korupsyon sa mga flood control project.
14:28Iaanunsyo daw niya sa mga susunod na araw ang bubuo ng Independent Commission
14:32na bubusisi sa mga anomalya at walaan niya itong sasantuhin.
14:36Narito ay eksklusibong pagtutok ni Vicky Morales.
14:39Kay Pangulong Bongbong Marcos na nanggaling sa susunod na linggo
14:47ay aanunsyo na kung sino-sino ang magiging miyembro ng independent body
14:53na mag-iimbestiga sa mga flood control project.
14:55Wala pang formal name pero yun ang binubuo namin.
14:59Independent Commission para imbestigahan.
15:02Ito nga ang mga lumalabas na anomalya sa mga flood control project.
15:06Yung mga personalities, ayoko namang maunahan ang actual na announcement
15:12dahil hindi pa solid talaga pero malapit na.
15:16Tatlo ang magiging miyembro ng komisyon.
15:19At ayon sa Pangulo sa aking eksklusibong one-on-one interview noong Sabado,
15:24wala sa mga ito ang magmumula sa gobyerno.
15:27Paano silang maiba po sa mga existing agency like COA, Ombudsman?
15:31They're completely separate from government.
15:33But how powerful will they be?
15:34We will give them all the powers that are necessary
15:37for them to come to a conclusion, to come to some findings
15:41para meron naman, alam natin kung ano yung nangyari.
15:44Hindi man ibinunyag sa ngayon kung sino-sino ang mga ito,
15:48nagbigay ng mga clue ang Pangulo.
15:51Kailangan daw na merong abogado o isang justice.
15:54Kailangan din daw ng investigador at forensic accountant.
15:58How powerful will this body be?
16:00Will they be able to even investigate the congresspeople, the senate, the subpoena powers?
16:08They will have the authority to investigate anything and anyone.
16:11Otherwise, then what they will have, they sasabi, may sacred kauna naman,
16:16may pinaproteksyonan dahil kasama sa politika, whatever.
16:19Pagka nangyari yun, wala rin kabuluhan yung kanilang investigasyon.
16:24Sabi pa ng Pangulo, maaring hinga ng tulong ng komisyon
16:28ang lahat ng ahensya ng gobyerno,
16:31halimbawa sa NBI para sa investigasyon
16:33o kaya'y sa COA para sa impormasyon.
16:37Wala raw sasantuhin kahit pa kaalyado o kaanak.
16:40I said, we're making an omelette.
16:42We're going to have to break some eggs.
16:44There's just no way around it.
16:46Even if they're relatives as well.
16:48Well, who's more important?
16:51Your friend?
16:53Your political supporter?
16:55Or every single ordinary Filipino citizen?
16:59Who's more important?
17:01To me, it's the Filipino citizen.
17:04Nobody is more important than Filipinos.
17:07Nobody, nobody, not one person is more important.
17:09Not me, not anybody is more important.
17:13Pero sabi rin ang Pangulo,
17:15rekomendatory lamang ang kapangyarihan ng komisyon.
17:18Pagkatapos daw nilang suriin lahat ng impormasyong nakuha
17:22o nabigay sa kanila,
17:23magre-rekomenda kung dapat bang kasuhan o hindi
17:26ang isang inimbestigahan.
17:29Ang kanilang rekomendasyon e pwedeng ibigay sa DOJ
17:33o kaya'y sa Ombudsman para sa paghahain ng kaso.
17:37Sabi ng Pangulo,
17:38naging malaking tulong ang sumbong sa Pangulo website
17:41na hindi lang daw reklamo sa mga flood control project
17:45ang nakuha.
17:46Since we created the website,
17:48we have 12,000 plus already reports that are coming in.
17:54And these reports, hindi lang ito...
17:57Hindi lang flood control projects?
17:59Ah, hindi lang.
18:00May mga paving, mga road widening.
18:05Marami, maraming dumadating.
18:06Of course, it was supposed to be...
18:08We started talking about only flood control.
18:11Pero syempre, nagkaroon ng tao ng line of communication sa akin
18:16na para makapag-reklamo sila,
18:19ginagamit talaga nila.
18:21That has been very effective.
18:24And that's why I encourage everybody.
18:25Tuloy lahat ng hinihikayan ko kayo lahat.
18:29Pagka meron talaga kayong gusto ireklamo, ireklamo ninyo.
18:32Kamakailan, ang Pangulo mismo ang nakabuking ng mga ghost flood control projects sa Bulacan
18:39na nabayaran na ng buo ng pamahalaan pero wala ni isang bakas at mistulang guni-guni lamang.
18:47Kung hindi guni-guni, substandard naman ang ilang proyekto na nadudurog agad ng inspeksyonin ng Pangulo.
18:54Lumabas din ang mga maranyang pamumuhay ng ilang mga kontraktor,
19:00pati na ng ilang district engineer.
19:02Nang ilan, umamin pang panay-panay ang pagkakasino.
19:06Sa laki at lawa ng nabunyag na mga katiwalian sa mga flood control project.
19:12Tanong ko sa Pangulo.
19:13Bakit pagiging ganitong kamahang civil corruption?
19:16Sa, nung, nung, nung, ah, ako'y governor, hindi ganito.
19:23At bukod pa sa laki ng halaga ng nakukuha ng kung sino-sino na tao na wala namang karapatan na bulsahin ang pera na yan,
19:34ah, bukod pa ron, ay hindi nila tinatago?
19:38So, garapala na po.
19:42In your words, it's economic sub-top.
19:45I'm a shocker kasi ngayon sila, wala, walang pakialam.
19:48It did not happen overnight.
19:50This happened over many decades.
19:54And we have to figure out kung ano ba talaga ang nangyari
19:56para hindi na mangyari ulit to put the safeguards in place.
20:00Ako, nasa-shock ako, hindi ako makapaniwala na nandito na tayo na ganito na na ang gobyerno na...
20:07But so many regimes and it just keeps getting worse, so...
20:12It did.
20:12The simplistic answer will be, paano tayo nagkaganito?
20:16Dahil pinabayaan.
20:17And what can we do?
20:19What we can do is to find out how this happened,
20:23who are the people that are involved,
20:25make them answerable for their wrongdoing,
20:29and fix the structure so this is not allowable.
20:32Because that's the word that I think that I...
20:36It became allowable.
20:37Okay lang.
20:38Hindi problema yan.
20:40Hindi crimen yan.
20:41Sige lang.
20:42But to the level na 30% na lang yung naiiwan sa mga proyekto,
20:46astounding yun.
20:48That's the part that talagang hindi ako makatulong pag iniisip ko.
20:52Paano tayo nagkaganito?
20:54I would think it's heartbreaking when you see all these Filipinos working so hard.
20:57Tapos on the flip side,
20:59nakikita ko nyo yung massive corruption na nangyayari.
21:02No?
21:03I mean...
21:03No, I'm not disheartened.
21:05I'm not disappointed.
21:06I get very, very angry.
21:08How can you do this to people that have worked every day of their lives?
21:13Walang ginawa ito kundi magtrabaho.
21:16Nag-sacrifice ng mahirap.
21:18For very little.
21:19Kukunin nyo pa sa kanila yun para bumili ng Rolls Royce.
21:25Babalik na naman ako sa nasabi ko kanina na ang lalim ng kalawang.
21:34Ang lalim ng bulok.
21:37You're a teary-eyed.
21:39Yes.
21:39Because I'm very upset.
21:42No, because I see people having a hard time.
21:46And they don't deserve it.
21:49Mabuti ba kung masamang tao yan?
21:52Dapat parusahan.
21:54Hindi naman eh.
21:57Ba't mo paparusahan?
21:59Para magpayaman ka?
22:02That makes no sense to me.
22:04Do you ever regret being president?
22:06No.
22:07Not for...
22:08You didn't even pause to think.
22:10No, not for one moment.
22:13Why?
22:13Because I am given the opportunity to actually, the privilege, the opportunity and the chance to actually do something.
22:22All of the things that I complained about all my life, now I can do something about them.
22:26And that is the greatest privilege that anyone can be granted.
22:30So no, I don't regret.
22:31Para sa GMA Integrated News.
22:34Vicky Morales, nakatutok 24 oras.
22:39Makasaysayan para sa Pilipinas at para mismo kay Filipina tennis ace Alex Ayala,
22:45ang kanyang pagkampiyon sa Guadalajara 125 Open sa Mexico.
22:50Ang kanyang nakamit na tagumpay sa pagtutok ni Nico Wahe.
22:54Victorious with tears of joy sa Filipina tennis ace Alex Ayala
23:02nang makuha ang final points sa Guadalajara 125 Open sa Mexico kanina.
23:071-6, 7-5 at 6-3 ang resulta ng tatlong hard-pounding sets nila ni Pana Odvardi ng Hungary.
23:14Makasaysayan ang kanyang panalo
23:15dahil una itong kampinato sa isang Women's Tennis Association o WTA match para kay Ayala at para sa Pilipinas.
23:24Ipinagbunyirin ang mga Pilipino ang panalo ni Ayala
23:29kaya ni Pangulong Bongbong Marcos na nagpaabot ng kanyang congratulatory message.
23:34Ayon sa Pangulo, ang tagumpay ni Ayala ay tagumpay ng buong bansa.
23:38Gagawin doon ang Pangulo ang lahat upang mas maraming atletang Pilipino pa ang sumunod sa yapak ni Ayala
23:43at maipakita sa mundo ang galing ng Pilipino.
23:46Sunod na sasabak si Ayala sa SP Open sa Sao Paulo, Brazil.
23:50Dahil sa Guadalajara 125 Open, inaasahang aangat si Ayala sa No. 61 sa WTA ranking mula sa kasalukuyang 75th place.
23:59Para sa GMA Integrated News, Niko Wahe, nakatutok 24 oras.
Comments