Nalipasan na ng pasko at bagong taon ang 6 na balikbayan box na ipinadala mula Amerika noon pang September 2024. Ngayon, ber months na naman pero 'di pa rin yan nakakarating sa mga dapat makatanggap kahit naka-ilan nang follow-up.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Nalipasa na ng Pasko at bagong taon na ang 6 na Balikbayan Box na ipinadala mula Amerika noong pang-Setyembre 2024.
00:13Ngayon, bare months na naman, pero hindi pa rin niya nakakarating sa mga dapat makatanggap kahit na kailang beses nang nag-follow up.
00:23Nakatutok si Mari Zumali.
00:24Ito sana ang 6 na Balikbayan Box na may mga pagkain, damit at school supplies na ipinadala sa pamilya ni Jal Wendler ng kanyang mga tiyahing OFW sa Amerika.
00:38September 2024, ito ipinadala sa pamamagitan ng freight forwarder na Makati Express Cargo at matatanggap dapat November hanggang December 2024.
00:48Wala pa rin pong dumadating isang taon na this month po yung boxes po na pinadala po sa amin.
00:54Yung pinaghirapan ng mga tita namin na dapat na ibinibigay sa amin, hindi po napakinabangan yung mga padala.
01:03Tapos dugot-pawis po ng mga tita ko yung pinuhunan nila doon, nagda-double job.
01:12Nagtatrabaho sila kahit may mga sakit po para lang makapagpadala po sa amin dito.
01:16Si Rosaline na kailang beses na raw na nagpabalik-balik sa Metro Manila mula Pangasinan para ma-follow up ang di pa rin dumarating na balikbayan box mula sa mga kapatid sa Amerika.
01:27Nagsasayang po ako ng pera na pamasahe lang, ganun po. Tapos mga trabaho po na naantala. So, nagsasacrifice po ako.
01:39Hindi kami pinapansin ma'am.
01:41Kabilang sina Jalwender at Rosaline, sa maraming kababayan natin hindi pa rin nakukuha mga balikbayan box.
01:47Nagpapatulong na raw kay Jalwender ang ibang nasa malalayong probinsya.
01:51Sasabihin nila, underclearing ni Custom, sa BOC po, nasa BOC pa, hindi pa na i-release.
01:58Ulit-ulit sila ng ganong alibay.
02:00Noong pumunta na po kami doon sa Makati Express Cargo sa Head Cavite po.
02:07So, pinangakohan kami hanggang end of this August, noong August pala, nampi-feedbackan kami regarding doon saan, noong wala naman ako na-receive.
02:17Ilang beses din namin sinubukan tawagan ng iba't ibang numero ng kanilang mga opisyal, pero walang sumasagot o di kaya hindi na makontakt ang numero.
02:26Nananawagan ng Bureau of Customs sa mga nagre-reklamo na pumunta sa kanilang tanggapan.
02:30So, itong 4 months to 1 year na pagkakadelay, ito unjustified ito.
02:37Wala itong paliwanag.
02:39At itong sinasabi nilang nasa Customs ang problema ay...
02:44Ano ko to kaagad, no?
02:45Papatawag ko na rin siguro ang representative nitong Makati Express Cargo.
02:50Sagrado ang itinuturing ang mga balikbayan box dahil hindi maikakailang ang bawat laman nito ay resulta ng dugot pawis ng mga OFW.
02:58Kaya pangako ng Customs ay masusin nila itong iimbestigahan para mapanagot ang mga dapat managot at maibigay ang mga padala sa mga nararapat nilang pagdalahan.
03:08Para sa GMA Integrated News, Mariz Umali Nakatutok, 24 Oras.
Be the first to comment