00:00Pag-aaral ang nakikita ng stepping stone ni Gian para umahon sa buhay.
00:06Nakikita kasi niyang malaki ang kanyang maitutulong sa magulang kapag nakapagtapos.
00:11Kaalaman sa computer ang isa sa abilidad ni Gian.
00:15Ito ang gusto niyang pagyamanin para magtagumpay.
00:19Bakit ba tayo nag-aaral? Kasi gusto natin may magawa tayo in this life.
00:25Gusto natin may maging purpose tayo sa ating buhay.
00:27So paano ba natin ma-apply yung pinag-aaralan natin?
00:30And sa panahon po kasi ngayon hindi lang enough yung diploma eh.
00:33Sa dedikasyong Puhunan, nag-level up ang abilidad ni Gian.
00:37Nakakuha ang tubong kavite ng ginto sa WorldSkills ASEAN 2025 para sa kategoryang Internet of Things.
00:45Ang WorldSkills ASEAN 2025 ay parang Olympics ng mga skill sa Southeast Asia.
00:52Pilipinas ang nag-host sa ikalawang pagkakataon.
00:54Nito lang August 26 to 28 sa Pasay City.
00:59Labing dalawang Pinoy kompetitor nakakuha ng gold medal.
01:02Idagdag pa ang pitong silver, walong bronze at limang medallion for excellence.
01:08Tatlong buwang nag-lock in training ang mga kalahok ng bansa.
01:12Seryoso na lang pinag-aaralan ang kanilang skills para sa kompetisyon.
01:16Kaya, labis ang kanilang tuwa ng makitang may maibubugang Pilipinas sa ibang mga bansa.
01:23Sobrang handa po natin. Kaso, ang kaso po nun, kulang po tayo sa equipment.
01:27Pero yung makikita po natin sa mga competitors natin na sobrang gutom po talaga silang makipaglaban.
01:32Gutom po silang ipatunayan kung ano po yung kaya ng mamamayang Pilipino.
01:36Hindi may tatanggi na may distansya pa rin ang tingin ng mga Pilipino sa Technical and Vocational Education o TECVOC.
01:44Dahil tingin ang ilan, kapag kabilang ka dito, mapaba ang tingin sa iyo ng lipunan.
01:50Pero pinatunayan mga Pilipinong kalahok sa kompetisyon na malaki ang ambag nila sa lipunan.
01:56Level up na din ang kanilang galing sa labas ng bansa.
02:01Skills are the currency of today.
02:03Yun na po ang kailangan natin ngayon. Pero siyempre hindi naman po mawawala na dapat may alam pa rin po tayo sa academics.
02:09So I think dapat po meron pong collaboration.
02:12Marami sa kabataan natin. Gusto talagang makapagtrabaho. Naririnig natin palagi yan.
02:17Gusto makapagtrabaho agad because they wanted to help the family.
02:21And the fastest way of doing that is taking technical and vocational course.
02:25Ang mga nagwagi ng gintong medalya ay makatatanggap mula sa test na ng 100,000 pesos,
02:3080,000 pesos sa silver medalist, 60,000 sa bronze, at 50,000 naman sa may medalyon for excellence.
02:39Isaiah Mirafuentes para sa Pumbansang TV sa Bagong Pilipinas.