00:00Ipinatigil muna ni DPWH Secretary Vince Piso ng bidding process ng lahat ng locally funded ng mga proyekto ng ahensya.
00:07Sa gitna pa rin niya ng nagpapatuloy na investigasyon sa issue ng flood control projects.
00:11Ipinunyag naman ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan na may 15 flood control projects ang non-existent.
00:18Si Bernard Ferrer sa detalye.
00:23Pansamantalo muna ipatitigil ang bidding process sa lahat ng locally funded projects sa buong bansa.
00:29Iyan ang direktiba ni DPWH Secretary Vince Disson bilang bahagi ng internal cleansing ng kagawaran.
00:36Dahil na rin yan sa aligasyon ng irregularidad at anomalya sa implementasyon ng ilang proyekto.
00:41Ito ay para hindi na rin magsunog ng pera ang gobyerno.
00:44Kailangan muna namin i-review at aralim based on the President's directive to clean house.
00:54Okay, so the President does not want any more money of the government of the DPWH thrown sa ilo, sabi niya na.
01:09Tatagal ng dalawang linggo ang bidding suspension.
01:12Magpapatuloy pa rin ang implementasyon ng mga foreign funded projects.
01:15Ibinunyag naman ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan na may labing limang proyekto mula sa kabuang 1,600 validated flood control projects sa bansa ang ito nuturing na non-existent o nawawala.
01:28Pero nilino ni Bonoan na hindi pa may tuturing na ghost projects ang mga ito dahil kailangan pa ng karagdagang verifikasyon.
01:35Isusumite umano ang lahat ng dokumento kay Secretary Disson para sa karagdagang imbesigasyon.
01:40Hiniling ni Secretary Disson kay DOJ Secretary Jesus Crispin Rimulia na isama sa lookout bulletin ng ilang opisyal ng DPWH at mga kontratista ng gobyerno.
01:50Kabilang sa mga pinangalanang individual si Nasesara Descaya at Pasitiko Descaya, President at Authorized Managing Officer ng Alpen Omega General Contractor and Development Corporation.
02:00The President is serious. I am serious about this. So, hindi to look on. And you will find out in the next few days and weeks just how serious the President is.
02:17Nakahanda naman si Pasig City Mayor Vico Soto na tumistigo sa embesigasyon ng Senado kung siya imbitahan. Nakikipagtulungan ng LGU sa mga mababatas, lalo pat may sarila rin silang parallel investigation.
02:28Ang importante dito, managot ang kailangan managot. Whether they're government officials, contractors, suppliers, politicians or career officials, importante may managot.
02:46Hindi pwedeng pagkatapos ng ilang buwan, tatahimik na lang ang issue, tapos magkakalimutan na tayo.
02:53Tumanggi naman si Mayor Soto na magkomento sa pagselyado ng Bureau of Customs sa mga luxury car na konektado sa pamilya Descaya.
03:00Naging katunggalin ni Mayor Vico Soto si Sarah Descaya nitong 2025 midterm elections.
03:06Bernard Ferrer para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.