00:00Samantala, halos nasa 10,000 flood control projects na ang natapos sa ilalim ng Administrasyong Marcos Jr.
00:07Inaalam na rin ng DPWH ang mga flood control projects na hindi gumana noong panahon ng tag-ulan.
00:13Si Bernard Ferrer sa detalye live, Bernard.
00:18Ryan, inaasang isusunod din ng DPWH sa susunod na linggo,
00:22ang kompletong listahan ng mga natapos at kasalukuyang ginagawang flood control projects sa buong bansa mula taong 2022.
00:32Ang akbang na yan ay bilang tugon sa Direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:37na magsumite ng malawakang audit sa flood control projects dahil sa matinding pagbasa ilang lugar sa kasagsagan ng bagyo at habaga.
00:46Ayon kay Department of Public Works and Highways or DPWH, Sekretary Emanuel Bonoan,
00:56kasalukuyang kinokonsolidate ng kagawran ang mga datos mula sa District Engineering Offices at Regional Offices
01:03para maitala ang lahat ng flood control projects ng Administrasyon.
01:07Sa tanong kung may flood control projects na hindi gumana sa kasagsagan ng pagulan at bahaan noong nakarang linggo,
01:14sinabi niyong Sekretary Bonoan na tinutukoy na ng DPWH ang mga ito.
01:19Iniulat ng kalihim na halos 10,000 flood control projects na ang natapos sa ilalim ng Administrasyon Marcos Jr.,
01:27gayon din ang Master Plan at Visibility Studies para sa 7 sa 18 major river basins bilang tugon sa mabilis na urbanization at climate change.
01:36Kabilang din sa nakumpleto sa ilalim ng Build Build More program mula Hulyo 2022 hanggang Mayo 2025
01:44ang mahigit 19,600 na kilometro na mga kalsadang naipatayo, pinalapad at inayos.
01:52Kasabay nito ay prinisinta rin ng DPWH ang planong modernisasyon ng ENSA sa tulong ng makabagong construction methods at teknolohiya.
02:00Layunin nito na mas mapabilis ang paggawa ng proyekto at maibisan ng trapiko,
02:06katuwang ang Metropolitan Manila Development Authority on MTA at Department of Transportation, DOTR.
02:13Sa unang kalahating termino ni Pangulong Marcos Jr.,
02:17nasa 2,433 bridge projects na ang natapos ng DPWH.
02:24Ryan, patuloy na tinitiyak ng DPWH na tinututukan nila ang mga proyekto ng pamahalaan upang matiyak na nagsisilbito sa layuning
02:35mapabilis ang pagpapababa sa naitatalang pagbaha sa bansa.
02:41Ryan, sa lagay naman ng trapiko,
02:42So, mabilis pa ang daloy ng mga sakyan sa magkabilang lane ng EDSA sa Kamuning,
02:47pero tiyakin po natin na nasa kondisyon ng mga kalsada o mga sasakyan natin
02:52at nasa kondisyon din ang sarili habang nagmamaneho.
02:56Break sa iyo, Ryan.
02:57Maraming salamat, Bernard Ferreira.