State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
00:002 lingong re-repasuhin ng mga kalihim ng DPWH at Budget Department
00:11ang hinihiling na pondo ng DPWH para sa 2026 National Expenditure.
00:17Utos siya ng Pangulo dahil may mga naisingit-umano sa proposed budget ng DPWH.
00:22May report si Von Aquino.
00:23Kasunod ng paglutang ng ilang questionabling flood control project.
00:30Dalawang linggong ipinasuspindi ni DPWH Secretary Vince Dizon ang bidding para sa mga proyekto ng DPWH.
00:38Layo niyang matiyak na di maanumalya ang mga proyektong popondohan ng lokal na budget.
00:43Di kasama ang funded ng foreign institutions.
00:45Foreign assisted projects will continue kasi yun kampante tayo na maayos yun dahil nakabantay ang ating mga advisors, ang ating mga foreign funders doon.
01:01Yung mga nabit na na-award na kayangan yun, babantayan natin.
01:06At hindi tayo papayag ng ghost, hindi tayo papayag ng substandard.
01:10Pinare-repaso naman ni Pangulong Marcos ang hinihinging budget ng Department of Public Works and Highways o DPWH para sa taong 2026.
01:19Meron pa rin daw umanong naisingit sa P880 billion pesos na proposed DPWH budget.
01:25Kasunod niya, nagkasundo si na DPWH Secretary Vince Dizon at Budget Secretary Amena Pangandaman na sa susunod na dalawang linggo ay uupuan nila ang budget ng DPWH sa 2026 National Expenditure Program o NEP.
01:41Doon sa dalawang linggo, kung merong kailangan baguhin, palitan, tanggalin, isasubmit ng Department.
01:48Kung completed na, aba, o di tatanggalin natin. Kung doble ang entry, o di tatanggalin natin yung isa.
01:5715,000 projects na nakapaloob sa NEP ang kanila raw iisa-isahin.
02:02Balak ng dalawang kalihim na gamitin ang teknolohiya para mas madaling matukoy ang mga kwestyonabling item.
02:08Dahil DPWH lang naman ang may problema, hindi na raw kailangang ibalik ang buong NEP sa Department of Budget and Management o DBM.
02:16Taliwas dyan ang tingin ng ilang kongresista.
02:19Mungkahi nila kay House Speaker Martin Romualdez.
02:22Ibalik ang buong NEP sa DBM para linisi ng mga kwestyonable o manong insersyon.
02:27Ang problema namin talaga is ayaw namin tanggapin itong basuran trabaho, no?
02:33Tapos kami na naman ang masisisi.
02:35If we don't touch it, parang complicit na kami sa lahat ng kalukon.
02:39Kung makita at ituro nila, ito ang mga executive insertions na hindi nararapat at hindi sang-ayon sa kumpas ng presidente,
02:49then that will be the time that Congress can efficiently exercise our oversight powers.
02:56Handa raw ang mga kongresista na kanselahin ang break nila sa October 10 hanggang November 11
03:00para maipasa sa tamang panahon ng 2026 NEP.
03:04Hihilingin din nila sa kanila mga miyembro na simula bukas,
03:08huwag munang dumalo sa budget hearing sangkat hindi nare-resolva ang issue.
03:12Wala pa raw tugon sa kanila si Romualdez.
03:15Sa pagsusuri ni Sen. Panfilo Lacson,
03:17nasa 500 flood control projects na pare-parehong halaga ang nakalista sa NEP.
03:2251 billion pesos ang kabuong halaga ng mga yan, ayon kay Lacson.
03:26And we counted from NCR to Region 3 alone, flood control management 1,
03:32nasa mga 500 items, yung exact amounts, similar amounts of 75 million each,
03:41100 million each, 120 million each, 150 million each. Red flag po ito eh.
03:46Secretary Vince is already investigating ito pong mga doble-doble, pare-parehong pangalan.
03:52Von Aquino nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:56Pinirmahan na ni Justice Secretary Jesus Crispin Rimulia
04:00ang ilang Immigration Lookout Bulletin Order
04:02laban sa ilang individual na idinadawid sa issue ng mga questionabling flood control project.
04:09Ang mga diskaya naman na ipinalalagay sa Lookout Bulletin Order,
04:13binawian ang lisensya ng Accreditation Board ang siyam na kumpanya.
04:17May report si June Veneracion.
04:21Sa Senate Blue Ribbon Committee hearing noong lunes,
04:24inamin ni Sara Diskaya,
04:26na may pagkakataong sabay-sabay na naglalaban sa iisang bidding
04:29ang siyam nilang construction company.
04:32Meron bang pagkakataon yung siyam na pag-aari mo ng construction company,
04:38sila-sila naglalaban sa isang bidding?
04:40Minsan naglalaban-laban yun siyam?
04:42Yes pa.
04:42Kung sino manalo ron, kahit isa sa siyam na manalo ron,
04:45sa'yo pa rin yun, ikaw pa rin ang panalo.
04:47Correct?
04:49Opa.
04:49Labag sa batas yan ayon sa Philippine Contractors Accreditation Board o PCAB.
04:54Kaya binawi nila ang lisensya ng siyam na construction companies.
04:59Nakasaad sa batas na kailangan ng PCAB license bago mangontrata ang isang contractor.
05:05Kinukwestiyon ang kampo ng mga diskaya ang revocation.
05:08Kung ni-revoke, ano kaya ang basihan?
05:12Kasi dapat medyo process yan.
05:14Hindi po po pwede yung, dahil nakikiride on ka lang sa issue.
05:19Sa pagsusuri naman ng Bureau of Customs,
05:22sa labing dalawang luxury vehicles sa mga diskaya,
05:25lumabas na walo ang walang entry record sa customs.
05:28The initial report that there's no record on yung nabagin nyo, 8 out of 12,
05:40we have to be responsible.
05:42Make sure that the conclusions that we can derive from the investigation
05:47can stand in court pag kinakailangan.
05:51Target ng customs sa makakuwa ng search warrant
05:53sa iba pang magagarang sasakyan ng mga diskaya.
05:56Sabi ni diskaya sa Senado, 28 ito.
06:00Pero ma-informasyon daw sa Senador Jingo Estrada
06:02mula sa LTO na 80 ang mga sasakyan ng mga diskaya
06:07at 40 ay luxury vehicles.
06:10Pagtitiyak naman ang abogado ng mga diskaya,
06:13hindi magtatago ang mag-asawa
06:14at ikagalang ang i-issue sa kanilang Immigration Lookout Bulletin Order.
06:20Handa rin daw ang asawa ni Sara na si Curly
06:22na humarap sa investigasyon ng Senado o Kongreso.
06:24Wala hong tinatago ang pamilya diskaya.
06:28Bukod sa mga diskaya,
06:30ipinilista rin sa lookout bulletin
06:31ang mga pinakamataas na opisyal
06:33o may-ari na 14 na iba pang construction company
06:36na may pinakamalaking na corner na flood control project.
06:40Handa rin daw dumalo at magbigay ng informasyon
06:42sa investigasyon ng Senado at Kamara.
06:45Ang contractor na LRT Key Buildings
06:47Sinusubukahin nga ng pahayag ang iba pang nakalista
06:50na madadagdagan pa ayon kay Public Works Secretary Vince Lison.
06:55Piniring nilong Justice Department
06:56na isyuhan ng ILDO
06:58ang walong DPWH official.
07:01Kabilang sila dating DPWH Calabarzon OIC
07:04at dating Bulacan District 1 Engineer Henry Alcantara.
07:09Dating OIC Bulacan District 1 Engineer Bryce Erickson Hernandez
07:13at OIC District Engineer J.P. Mendoza
07:17mahiwalay ding request ang Senate Maribond Committee
07:19para ilagay rin sa bulletin
07:21si na Alcantara, Hernandez
07:23at DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral.
07:28June Veneracion nagbabalita
07:29para sa GMA Integrated News.
07:34Isa ang nasawi sa away ng dalawang grupo
07:36sa Los Baños, Laguna.
07:43Sa viral video, isang babae ang sumisigaw
07:49habang kausap ang grupo ng mga lalaking may patalim.
07:53Tinangkarin niyang pigilan ang pagsugod na lalaking nakasandok.
07:57Maya-maya pa, umalingaw nga na ang putok ng baril.
08:04Bumagsak ang isang lalaki.
08:06Ayon sa pulisya, nagsimula ang gulo
08:08ng magsagutan ng asawa ng babaeng umaawat sa video
08:11at dalawang lalaking nakainom-umano.
08:14Nauwi ito sa bugbugan.
08:16Hanggang sa tumawag ng respak,
08:18ang parehong panig.
08:19Nakumpis ka ang ilang patalim
08:20pero hindi na ang ginamit na sumpak.
08:23Sinubukan ng GMA Integrated News
08:25na kuna ng pahayag ang sospek
08:26at ang kanyang kaanak
08:27pero walang humarap sa aming team.
08:31May ilang contractor
08:33at taga DPWH daw
08:34na handang tumistigo
08:35kaugnay sa flood control projects
08:38ayon kay Sen. Rodante Marculeta.
08:40May nilinaw naman ang isa pang senador
08:42nang matanong kung nakatransaksyon
08:44ang isang dating district engineer
08:46na sangkot-umano sa maanumalyang mga proyekto.
Be the first to comment