Skip to playerSkip to main content
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00.
00:30Isang TNVS driver ang sinaksak ng mga pasaherong nagbook sa kanya sa Taytay Rizal at nagpahatid sa Pampanga.
00:41May report si CJ Turida ng GMA Regional TV.
00:47Duguan at halos mawalan na ng malay nang isugod sa ospital ang TNVS driver na si Julian Cesar Payoyo sa Makabebe, Pampanga.
00:56Ayon sa mga otoridad, sinaksak, tinutukan ng baril at pinalo siya sa ulo.
01:03Ang may kagagawan, dalawang pasaherong nagbook daw gamit ang ride hailing app mula Taytay Rizal na nagpahatid sa Pampanga.
01:12Bago ang insidente, nagawa pa raw ng biktimang abisuan ang kanyang kinakasama tungkol sa booking.
01:17Pero bago pa makarating ng Makabebe, nagpaikot-ikot daw sila sa iba't ibang lugar sa Pampanga hanggang makarating sa Barangay Konsuelo.
01:33Nagtangka raw tumakas ang mga sospek pero naabutan sila ng mga opisyal ng barangay at mga residente.
01:39Narecover sa kanila ang isang replika ng pistol, hand grenade, cellphone at sling bag na naglalaman ng iba't ibang ID.
01:57Nahaharap ang mga sospek sa mga kasong carnapping at frustrated homicide.
02:03Sinisikap namin silang makuha na ng pahayag.
02:06Nagpapagaling sa ospital ang biktima.
02:09CJ Torida para sa GMA Regional TV.
02:12Nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:17Nakasaad, natapos na.
02:18Pero walang nakatayong istruktura sa ilang flood control projects sa Bulacan.
02:22Ang proyektong ininspeksyon mismo ng Pangulo, wala rin nakatayong kahit ano.
02:28Kahit pa, fully paid na.
02:31May report si Joseph Moro.
02:35Sa Barangay Panginay, sa Balagtas, Bulacan, mga tricycle na nag-adjust sa hindi humuhupang baha.
02:40Dito po sa gawin na ito, medyo mababa pa po pero sa gawing dulo po mataas po.
02:44Kaya po tignan nyo yung mga tricycle namin, mga mataas.
02:47Helen, laging bahay, laging malalim ang tubig.
02:49So, tinas ko na.
02:50Oo, tinas ko para makabiyahe.
02:53Sa katabing Barangay Wawa, nakababad sa tubig ang mga puntod sa sementeryo.
02:57Pati na ang maraming bahay tulad ng kay Aling Flory.
03:00Chenta na ako eh.
03:01Baha pa rin.
03:02Aro-arob, baha.
03:04Makakamatay.
03:05Sa Balagtas, makikita ang pinakamahal na flood control program sa probinsya.
03:10Ang napas 200 metrong flood control structure sa Barangay San Juan, Wawa at Panginay
03:15na nagkakahalaga ng 151.5 milyon pesos.
03:19Sa website ng Sumbong sa Pangulo nakalagay, natapos na ito Setiembre noong isang taon pa.
03:24Pero ng aming puntahan,
03:26Nandito tayo ngayon sa lokasyon na ito at ang sabi sa atin ng DPWH, ito yung project no.
03:32So, itong stretch na ito, yung yelo, yan.
03:36Ito yung flood control project.
03:39May ilang bahagi na kinukumpuni at tinatambakan ng bato.
03:42Andike, pinapalamanan ang mga sako-sakong graba at may patong na simento.
03:46Tuloy-tuloy pa rin ang dating ng mga materyales.
03:49Sinusubukan pa namin kunan ang pahayagang kontotista na Wawa Builders
03:53pero hindi pa sila sumasagot sa cellphone number na nasa kanilang company record.
03:58Idenektara ding tapos na ang flood control project na ininspeksyon ni Pangulong Marcos sa Baliwag.
04:03Wala kaming makita na kahit isang hollow block, isang simento, walang equipment dito.
04:13Lahat itong project na ito, ghost project.
04:18Walang ginawa na trabaho dito.
04:20Maygit 55 million pesos ang proyekto na may sukat na 220 meters.
04:26Fully paid na ang proyekto at may resibo pang ipinakita sa bayad sa contractor na Sims Construction Trading.
04:31Pagkatapos sinabi sa barangay na magpapatulong para ilalagay nila yung project
04:37tapos umatras din. Sinabi after a while di na matutuloy.
04:41So siguro nabayaran na.
04:43Pina-blacklist na ng Pangulo ang Sims Construction Trading.
04:47Maarap din daw sila sa mga kaso kabilang economic sabotage.
04:51Pinahahanap at pinasisiyasat na rin ang iba pa nilang proyekto.
04:54Papanagutin din daw ang lahat ng opisyal na nag-authorize at kapagsabuatan dito.
04:59I'm getting very angry. This is what's happening.
05:02Nandatilag nakaka...
05:04Kung di naman, papano naman nag-diruin mo?
05:06Wala talaga. 220 meters, 55 million.
05:10Completed ang record ng public works.
05:15Walang ginawa. Kahit isang...
05:17Wala. Kahit isang araw hindi nagtrabaho.
05:20Wala. Wala kang makita. Puntahan ninyo.
05:22Wala kayo makita kahit na ano.
05:24Tuloy-tuloy ang pagbaha doon sa kabila.
05:26So, yes.
05:30Nang puntahan ng GMA Integrated News ng opisina ng SEMS Construction Trading,
05:35bahay ito sa isang subdivisyon na walang kahit anong marker o commercial signage.
05:39Kinumpirman na nagpakilalang katiwala na yun nga ang opisina ng SEMS.
05:43Pero tumanggi na siyang sumagot ng tanongin namin kung maaari makausap ang may-ari ng SEMS.
05:47Ang Bulacan ang may pinakamalaking budget kontrabaha sa buong bansa.
05:51Sa pagsasaliksik ng GMA Integrated News Research, sa P547 billion pesos na budget para sa flood control sa buong bansa,
06:00P43.75 billion pesos ang napunta sa Bulacan.
06:04Ang bayan ng Baliwag ang may pinakamaraming bilang at kabuong halaga ng flood control projects.
06:09Pero pangsyam lamang ito sa pinakabahaing probinsya.
06:12Isa sa pinakamahal na proyekto sa Baliwag ang P96.49 million pesos riverbank protection structure
06:19na natapos na rao noon pang September 2024.
06:23Pero nampuntahan namin may mga bahaging bungi pa.
06:26Nagtataka rin ang ilang residente kung bakit nilagyan sila ng flood control project.
06:30Basta po dito sa amin hindi kami binabaha.
06:32Ever since ha? Dito ka nalang mo kaya?
06:34Opo. Tatay ko po yung may ari nito.
06:37Sinusubukan pa namin kunan ng pahayagan DPWH.
06:40Nagsumite na kahapon ang Bulacan DPWH ng mga dokumento sa Commission on Audit
06:45na nagsasagawa ng fraud audit.
06:48Joseph Morong nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:51Aabot sa 50% ang ibinaba ng mga transaksyon sa online gambling
06:55nang alasin sa mga e-wallet ang mga link at icon nila.
07:00Sinabi yan ng Pagpore sa house budget hearing.
07:03Pero ayon sa isang mambabatas, nagagamit pa rin ang e-wallet sa illegal online sugal
07:08at lalo pa umunong lumakas.
07:11Sa gitna nito, maglululsa daw ang Pagpore ng 24-hour hotline para sa mga gustong humingi ng tulong.
07:17Gagamit din ang Artificial Intelligence o AI para matukoy kung lulung na ang mga nagsusugal online.
07:25Pero para lang yan sa mga legal na online platform.
07:29Ayon sa Pagpore, halos 12,000 na illegal gambling sites na ang natukoy nila
07:34at 8,000 dito ay na-takedown na ng mga otoridad.
07:40Sasapahan ng patong-patong na reklamo ang tatlong polis kalookan
07:43dahil sa maling pag-aresto at iligal na pag-detain sa isang lalaki.
07:48Batay sa intelligence report ng Northern Police District,
07:52hindi talaga nahuli sa Caracruz si Jason De La Rosa,
07:55kundi sa pag-sha-flip sa isang convenience store noong July 22.
08:00Hindi nagkaso ang convenience store pero kinlong si De La Rosa.
08:04Kinasuhan siya ng illegal gambling noong July 25.
08:07Si Jason ang ama ni Dion Angelo na namatay nitong Hulyo dahil sa leptospirosis.
08:13Nakuha niya ang sakit sa kasagsagan ng bagyo at habagat dahil sa paghahanap sa kanyang ama.
08:19Gayet naman ang nga commander ng substation 2.
08:21Wala itong pinakulong noong July 22 hanggang 25.
08:26Nilino naman ang direktor ng NPD na walang iniimpose na quota sa accomplishments ng mga polis.
08:32Dinisarmahan na ang mga polis at nirelieb sa kanilang tungkulin.
08:37Nakita ng bitakang isang flood control project sa Tarlac na pinakamahal pa man din sa bansa.
08:43Ang isang dike naman sa Oriental Mindoro na 2023 lang natapos sira na ang ilang bahagi.
08:51May report si Maki Pulido.
08:52Ito ang pinakamahal na flood control project sa Pilipinas.
08:59Ang Kamiling Agno River Floodway Phase 3 sa Kamiling Tarlac na nagkakahalagang 289.5 million pesos.
09:07Nakatulong daw ito noong sunod-sunod ang bagyo at habagat noong nakaraang buwan.
09:11Pero kapuna po na na meron na itong mga bitak.
09:13Sabi ng DPWH, nagkakrack ang simento kapag mainit ang panahon.
09:17Madali lang daw itong ayusin.
09:18Ang isa pang flood control project sa Kamiling na dalawang taon pa lamang mula nang gawin,
09:23may mga butas na at litaw na bakal.
09:26Ang kongkreto, mabilis pang masira.
09:2894.5 million pesos ang halaga ng slope protection project.
09:32Nangangamba mga residente na tuluyan itong masira.
09:35Sinusubukan ng GMA Integrated News na kunin ang panig ng kontraktor ng proyekto na floor desk construction.
09:41Kanina, kinumpunin ang 1st District Engineering Office ng Tarlac ang mga butas at bitak.
09:47Ipapacheck po natin, sir, para kita po natin yung mga concern po nila, para maayos po natin.
09:53Ang dike naman sa Subaan River sa Sanchodoro Oriental Mindoro,
09:56gumuhu na ang ilang bahagi kahit katatapos lang itong 2023.
10:00Pinondohan pa man din ito ng mahigit 380 million pesos,
10:04batay sa Sumbong sa Pangulo website.
10:07Sabi ng mga opisyal ng barangay, may gumuhong bahagi na rito noong 2024,
10:12nang manalasa ang habagat noong nakaraang buwan,
10:14nabiyak na rin ang simento at tuluyang nasira ang iba pang bahagi ng dike project.
10:19Kanina, naabutan pa nga ng GMA Integrated News,
10:22ang mga nahuhulog na simento sa ilog matapos umulan.
10:25Inireport na raw ito ng barangay sa DPWH.
10:28Nagkakaroon na po ng bitak.
10:29Inais po nila, yung mga retats-retats po.
10:32Tapos nagkaroon po ng disaster po, nagkaroon ng baha,
10:36dun po nagkaroon na ng lumaki na po yung gumuhu na po.
10:40Wala raw koordinasyon sa lokal na pamahalaan ng proyektong ito.
10:44Nang mabiyakang dike, na-discovery raw ng LGU na manimpis na nga ang simento,
10:49halos wala pang ginamit na bakal.
10:51Walang mga bakal yung itong dike, kung meron man, medyo kakaunti.
10:57Siguro mas magiging matibay po ito o mas malaki yung mga bakal.
11:01Batay sa datos ng DPWH na nasa sumbong website ng Pangulong Marcos,
11:06tatlong construction company ang naghati sa dike project.
11:10Napunta ang phase 1 ng proyekto sa New Big 4J Construction Inc.
11:13sa halagang halos 145 million pesos.
11:17Na-blacklist na ito noong 2016 hanggang 2017,
11:21batay sa inilabas na listahan ng Construction Industry Authority of the Philippines.
11:26Poor din ang rating nito sa Constructors Performance Evaluation System Report
11:30ng 2015 to 2018 para sa isang proyekto sa Laguna.
11:34Nakuha naman ang Prime Pacific Marine and Industrial Services Corporation
11:38ang phase 2 sa halagang 145 million pesos.
11:42Phase 3 naman ang sa Road Edge Trading and Development Services
11:46sa halagang higit 96 million pesos.
11:49Nakakuha ito ng dalawang unsatisfactory ratings
11:52mula sa Constructors Performance Evaluation System o CPES noong 2014.
11:58Inaalam namin kung sino sa tatlong kontraktor ang humawak
12:01sa mga nasirang bahagi ng dike.
12:03Sinusubukan pa ng GMA Integrated News
12:06na kunin ang pahayag ng tatlong kumpanya
12:08pati ng DPWH Mimaropa Regional Office.
12:12Maki Pulido nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:15Rider na nagsayaw ng nakatayo sa motosiklo
12:23nag-sorry sa LTO.
12:25Ginawaraw niya ito para sa content.
12:28Nag-sorry rin ang driver na navideohang
12:31nagpahawak ng manibela sa kandong niyang apo
12:34na 6 na taong gulang.
12:36Suspendido ng siya na pong araw
12:38ang lisensya ng dalawang driver.
12:39Mga bagong trends sa cybersecurity at tips
12:44para protektahan ang sarili laban sa cybercrime
12:46tinalakay sa Security Horizons Conference 2025.
12:51Tip ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center
12:54huwag basta-basta mag-click sa mga link.
12:56Mag-ingat din sa vishing
12:58o yung mga bigla nalang tatawag
13:00at manghihihingi ng one-time password o PIN.
13:03Idiniin din ang kahalagahan
13:05ng pag-setup ng multi-factor authentication.
13:08Bernadette Reyes, nagbabalita
13:10para sa GMA Integrated News.
13:19Mga bagong sangre nakisaya
13:21sa Kadayawan Festival sa Davao City.
13:25Jam-pack din ng Encantadic
13:26sa kanilang mall show.
13:28Sunod namang aabangan
13:30sa Encantadia Chronicles Sangre.
13:32Kung paano mapukuha
13:34ng mga tagapagmanang brillante.
13:36Kung ano bang mag-iitahak ng tadhana
13:38ni Dera mula sa mundo ng mga tao
13:40patungo sa Encantadia.
13:42Ang brillante ba?
13:43Ibabalik sa tunay na Panginoon nito
13:45which is si Perena
13:46o hindi.
13:48Kabangan yung pagdating ni Dera
13:50sa mundo ng Encantadia.
13:51Yung pagbuo ng apat na sangre.
13:53Ex-PBB housemates Dustin Yu at Bianca Devera
14:01bibida sa OPM Music Video.
14:04I get to see Dustin in a different light.
14:07So, ang saya lang.
14:09Very natural siya mag...
14:10Wow, umarte.
14:13Alay raw nila sa fans
14:14ang kanilang first official project.
14:17I hope may enjoy nila ito
14:18and this will be the first of many
14:20so it's just only the start for us.
14:22Hopefully.
14:22Definitely not the first
14:28for P-Pop Kings SB19.
14:30For third consecutive year,
14:32muling nanalo ang kanilang fans
14:34o mas kilala bilang 18
14:36sa Billboard Fan Army Face-Off 2025.
14:40Aubrey Carampel,
14:41nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:44Huwag magpahuli sa mga balitang
14:46dapat niyong malaman.
14:48Mag-subscribe na sa GMA Integrated News
14:50sa YouTube.
14:52Sub indo by broth3rmax
Comments

Recommended