Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ipinadeport na ang halos 50 Korean nationals na sangkot sa iba't ibang kaso ng panluloko at iligal na sugal.
00:09Dalawang kapwa nila pugante naman ang iniimbestigahan kung sinampahan lang ng kaso rito sa bansa para makaiwas sa deportation.
00:18Nakatutok si Dano Tingkungko.
00:20Sabay-sabay na pinadeport ng Bureau of Immigration ng apat na putsyam na Koreanong may hinaharap ng mga kaso sa kanilang bansa.
00:31Trilyones na Korean won ang kabuang halaga ng nakulimbat nila sa pamagitan ng panluloko o pang-estapa.
00:37Kabilang sa kanila ang 36 anyos na inaresto noong Abril at mastermind dumanon ang fishing scam na nakakulimbat ng halagang katumbas na mahigit 700 milyong piso sa 200 biktima.
00:49Ang iba naman may kasong illegal gambling tulad ng isang deportee na nakabul sa umano na mahigit 80 milyong piso dahil sa pagpapatakbo ng 23 illegal gambling website.
01:00Meron hong ideyang ibang tao. They have this notion and by deporting ngayon po we will disprove that notion na madaling magtago dito sa Pilipinas.
01:10Them knowing that there's something going on or they're being investigated on already, they fly to the Philippines.
01:17Once they arrive in Korea, they will go through the relevant procedures to get their justice served.
01:32Depending on the nature of crimes, they will go through different levels.
01:38Then they will, the authorities, Korean authorities will have a better idea how many have been victimized and what kind of remedies, the measures to be taken.
01:52Inimbisigahan din ang BI, ang dalawang puganting sinampahan ng kaso dito sa Pilipinas kung lehitimo ang kaso o kung isang uri ng tinatawag na demandami modus para makaiwas sa deportation.
02:05Para sa GMA Integrated News, daan natin kung kung nakatutok 24 oras.
02:08Inabando na kahit hindi tapos ang isang flood control project sa Camarines Sur.
02:15Noon paumanong nakaraang taon, walang gumagawa sa proyekto.
02:19Nakatutok si Mark Salazar.
02:21Ganito ang itsura ng flood control project na ito sa barangay San Francisco, Baaw, Camarines Sur.
02:30Mahigit limang kilometrong kalsada dapat na may riprap sa gilid bilang panangga sa baha tuwing tag-ulan.
02:36Ang riverbank at road project na ito ay protection sana ng baaw sa baha kapag umapaw ang baaw lake.
02:43At connectivity sana para sa mga far-flung barangay na may akses sila sa kabayanan ng baaw.
02:48Pero nakita nyo naman, ang proyektong ito ay abandonado, nakatiwangwang, nasisira ng hindi napapakinabangan.
02:57Nang manalanta ang bagyong Christine noong isang taon, lampas tao ang baha sa barangay San Francisco.
03:03Hindi naman daw talaga sila umasa na poprotektahan sila ng flood control project dahil hindi nga ito tapos.
03:10Kailan ang huli pang may gumawa rito sa proyektong ito?
03:13Noon nga, no? Di pa nagbabagyo ng Christine.
03:16May nagagawa dyan.
03:172024?
03:18Ngayon wala na.
03:202024? Meron pa?
03:21Oo, meron pa. Ngayon wala na.
03:24Ang backhoe na ito ng kontraktista ay parang naglalarawan ng kanilang proyekto dito sa lugar na ito.
03:31Abandonado na.
03:32Sabi ng mga taga rito, huli raw nilang nakitang nagtrabaho ang backhoe na ito buwan bago sila sinalanta ng bagyong Christine.
03:40Hindi na nga tapos. Ang mismong reprap kay questionin ng kalidad kahit hindi engineer ang makakita.
03:47Nagiging powder oh.
03:51Yung buhos ng simento, nagiging buhangin.
03:57Wala nang nakapaskil na project board para makita ng publiko ang halaga ng proyekto, sino ang kontratista at kailan ito sinimulan at natapos.
04:07Sa DPWH 5th District Engineering Office ng Kamarinesur sana malalaman ang mga detalyeng ito na aming sinadya.
04:15Ngunit hindi kami hinarap. Wala rin gustong magsalita mula sa Mayor's Office ng Baaw o kayay ng Municipal Engineer.
04:22Ang mga opisyal ng Barangay San Francisco ang nagsasalita para iriklamo ang anilay balahurang trabaho ng kontraktor sa kanilang flood control project.
04:33Sabi ko nga noon, yung unang nag-report dyan, ako magagalitin ang engineer ng DP. Ganyan ang ginagawa nyo.
04:42Kauntong tapal. O bato. Tapal.
04:49Kami nga nagsasabi sa kanila, dapat pagandain niyo yung programa nyo.
04:54Para kami naman ang mga taga San Francisco, baka hanggang buhay pa yan.
05:00Ma-protectahan sana.
05:04Dumulog na raw sila sa nakataas, wala munisipyo hanggang probinsya, pero walang nagbago.
05:10Magbabantay kami doon.
05:11Kaya lang, wala namang kayo.
05:12Wala kami magawa.
05:15Ang amunong kontratista.
05:18Tapos sumusami, pag nagsasalita kami, ipaalam ko kay boss.
05:24Sinong boss nila?
05:25Dapat kami, tabarangay council, bigyan nilang pag-asikaso.
05:32Kahit sanay na raw silang binabaha ang baaw, hindi pa rin daw nilang masabaya ng paghahanda
05:38ang pataas ng pataas na level ng baha taon-taon.
05:42Sa datos na nakalap ng GMA Integrated News Research sa Sumbong sa Pangulo website,
05:48sa Bicol Region, nangungunang kamarinesur sa flood control projects kung contract cost ang pinag-uusapan.
05:55Meron ditong 250 proyekto na nagkakahalaga ng P17.5 billion pesos.
06:02Ang buong Bicol Region ay may 866 na proyekto na aabot sa P49.61 billion pesos,
06:10ikatlo sa pinakamataas sa bansa, kasunod ng Region 3 at NCR.
06:15Katumbas ito ng nasa 9% ng kabuang bilang at halaga ng flood control projects nationwide.
06:22Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
06:29Tinawag ng palasyo na kalokohan ang pahayag ni Vice President Sara Duterte
06:35na matutugunan sa loob lang ng isang araw ang anomalya sa flood control projects kung seryoso ang Pangulo.
06:43Hindi a nila ito alatokhang.
06:47That is absolutely preposterous.
06:51Ang Pangulong Marcos Jr., hindi po siya nagsasagawa ng imbistigasyon alatokhang way.
07:01Nirirespeto ng Pangulo ang due process.
07:04Nirirespeto ng Pangulo ang human rights.
07:07Kung isang araw lang po dapat ito naimbestigahan,
07:10sana po ay ito ay kanyang nasaggest noon sa kanyang ama.
07:16Sabi pa ng palasyo, dapat iminungkahi rin ito ng Vice.
07:20Sa ama niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte,
07:23sabay pakita ng isang artikulo sa dyaryo kung saan binanggit ng dating Pangulo na may mga ghost projects sa gobyerno.
07:31Sa kabila niyan, walang ginawa ang dating Pangulo at walang nasibak na kalihim, ayon po yan, sa palasyo.
07:41Chika Minute na mga kapuso at ang makakasama natin ngayong midweek, Chikaan.
07:47Walang iba kundi si Sangre Tera, si Bianca.
07:51Umali, Bianca.
07:52Afisala Eshma, Miss Mel.
07:55At magandang gabi po sa inyong lahat, mga kapuso.
07:57One proud hubby and daddy, si The Voice Kids coach Billy Crawford,
08:03nang ikuwento sa GMA Integrated News Interviews ang kakaibang birthing journey ng misis niyang si Colleen Garcia.
08:11Unlike their firstborn, inireveal din ni Billy na hindi niya naabutan ang pagsilang ng kanilang second child.
08:17Ito chika yan ni Nelson Canla.
08:22Ang recent trip back home ni Billy Crawford from France ang itinuturing niyang longest plane ride of his life.
08:30Sa kwento niya sa kanyang pag-upo sa GMA Integrated News Interviews,
08:34tila na bilang niya daw ang bawat minuto ng mahigit siyam na oras pabalik sa Pilipinas.
08:40Dahil sa panahong yun din, ipinapanganak ng kanyang asawang si Colleen Garcia ang kanilang second baby.
08:47Funny, maraming nangyari itong linggong yun because I ended up having to go to France
08:53and I had a few obligations na kailangan kong gawin.
08:57And then yung return day, actually sinabi pa nung doktor sa amin na ilang araw pa yan.
09:05Ngayon, sa 38 weeks and 4 days, bigla na lang siyang naging 3cm and sabi niya,
09:11I'm going into active birth.
09:13Nagboarding ako.
09:15Pagdating ko sa aeroplano, text ng pinsan niya was,
09:18Ate's in labor na.
09:20I was very sad, actually.
09:22May screenshot pa nga ako nung nanganak na siya,
09:28si baby nandun and medyo blurry pa.
09:30Pero umiiyak ako sa telepolo because hindi ko sila ma...
09:33I just kept on cutting off.
09:34And yun, I had to wait 9 and a half hours pa until I got here.
09:39Ang dapat na water birthing na pinaghahandaan ni Kulin
09:43na uwi sa isang kakaibang panganganak.
09:47And it's such a miracle baby.
09:49Kasi ang tawag, it was an end call birth,
09:53which is he was born in the sack pa rin, sa tubig pa rin siya.
09:58So para siyang itlog na nalaglang kay Kulin.
10:01And yung mami niya, so the grandma was the one yung sumalo.
10:05Kasi the doctor wasn't there.
10:06May nurse lang na pinaprepare yung birthing niya.
10:10Kasi ano siya eh, water birth dapat eh.
10:13So hindi na siya umabot sa tubig.
10:15As in, nanganak na lang siya within less than 2 minutes.
10:17What was the feeling when you first held Austin?
10:21It was a different feeling si Amari nung pinanganak siya four and a half years ago.
10:26Malaki si Amari eh.
10:28For this boy, baby Austin was so small nung hinawakan ko.
10:32I could hold him in one hand.
10:33And it was just so surreal na may pangalawang alak na ako, kami ni Kulin.
10:41And just to see my wife go through it again and all the sacrifices that she's been making,
10:48I think I'm in heaven already.
10:51Itinanggi ng DPWH-NCR na may ghost project sa Metro Manila.
11:01Ilang araw lamang matapos sabihin ng Quezon City Hall na ilang proyekto ng ahensya ang hindi makita sa kanilang audit.
11:07Sinabi rin itong mahigit 50 bilyong piso ang kailangan para masolusyonan ang problemang baka sa rehyon.
11:14Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
11:17Dati naman ang bahay na maraming bahagi ng Metro Manila.
11:24Pero nitong weekend lang, nalubog din sa tubig ang ilang hindi-bahaing lugar sa Quezon City
11:30dahil di kinaya ng mga drainage ang volume ng ulan.
11:34Ayon sa DPWH-NCR, 52 bilyon pesos pa ang kailangan para masolusyonan ang baha sa Metro Manila.
11:42May mahigit 1,600 namang flood control project sa rehyon,
11:46pero mahigit 1 sa bawat 4 sa mga ito ang ginagawa pa.
11:50Kabilang dyan ang 4 na 2023 pa sinimulan at na-delay ng mga working permit at obstruction.
11:57Mahigit P33 bilyon pesos ang halaga ng mga ongoing na proyekto at P66 bilyon pesos ang mga nakumpleto na.
12:05Kasama sa mga may kontrata sa Metro Manila,
12:08ang ilang kumpanyang konektado kay Sara Diskaya,
12:11na ang ilan ay very satisfactory ang rating.
12:14Congratulations for that rating.
12:17Pero kailangan na ibangga yun to what the president saw.
12:20Manipis yung bakal, manipis daw po yung pong semento.
12:24So I think if they have nothing to hide, they have to go to all the hearings.
12:28Nang tanungin kung may ghost project ba sa Metro Manila?
12:32As per their response po, wala naman po.
12:35So wala hong nangyaring senaryo na binayaran ng isang kontraktor
12:39in full amount kahit hindi patapos yung proyekto?
12:43Yes po.
12:44Iginiit nila yan kahit lumabas sa audit ng Quezon City Hall
12:47mula 2021 hanggang 2025 na 23 proyekto ng DPWH na ang hindi makita.
12:55Inireklamo rin ng City Hall ang DPWH projects na hindi na-coordinate sa kanila.
13:02141 flood control projects yan.
13:04Ayon naman kay Quezon City 6 District Representative Maria Victoria Coppilar.
13:09Itinanggihan ng DPWH NCR.
13:13The problem is siguro po nagkaroon ng lapses yung mga implementing offices namin
13:17kasi may mga projects as far as I know na hindi pa nabigyan ng clearance pero nakapagpatuloy.
13:25Binanggit din ni Coppilar ang reklamo ng City Hall na hindi tugma sa drainage master plan ng Quezon City
13:31ang flood control projects ng DPWH at may mga pare-pareho ang presyo kahit nasa magkakaibang lugar.
13:39Usually po ang nagiging basis po is yung previous po na mga projects and yung previous po na mga costings po.
13:48Meron po kasing ibinibigay na ceiling per sanep po.
13:51Hindi rin daw maipatupad agad ng kompleto ang isang proyekto.
13:55The problem right now po is not just the ghost projects. For NCR, it's the phases per phase.
14:01Yung civil works nangyayari next year. Katulad po ngayon, meron kami yung pumping station.
14:05Pero yung pump dadating next year. So ngayon, bago po dumating yung pump, barado na mismo yung infrastructure.
14:11Basura ang sinisisi ni Taguig Pateros Representative Ricardo Cruz Jr.
14:16na nagsusulong na maglagay ng incinerators.
14:19Pero bawal yan sa Clean Air Act. Nakakailangan ng amyandahan kung sakali.
14:24Kailangan lamang po namin aralin yung technology and yung financials.
14:31I think the technology now is advanced already.
14:37Na yung heat na na-gegenerate niya, nalulusaw na po even yung mga toxins.
14:44Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 oras.
14:50Mga kapuso, maki-update naman tayo tungkol sa Bagyong Kiko na lumabas na sa Philippine Area of Responsibility.
15:00Iaati dyan ni Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center.
15:04Amor, may posibleng bang mabuo ulit ng panibagong sama ng panahon pagkatapos nito?
15:09Salamat, Emil. Mga kapuso, sumaglit at panandalian lang sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Kiko.
15:18Pero ayon po sa pag-asa, posibleng may bagong sama ng panahon na mabuo sa mga susunod na araw.
15:24Huling namataan ang bagyo sa line 1,115 kilometers east-northeast ng extreme northern Luzon.
15:31Kumikilos po ito sa direksyong north-northwest sa bilis na 30 kilometers per hour.
15:37Ayon po sa pag-asa, posibleng lumakas pa ito bilang tropical storm at sunod naman tutumbukin ang southern Japan.
15:43Sa paglabas po ng Bagyong Kiko, naglabas din ang pag-asa ng outlook sa posibleng bagong sama ng panahon.
15:50Ayon po sa pag-asa, may mga remnant o yun po remnants o mga tira pong kaulapan yan
15:54na naiwan po itong Bagyong Kiko dito po sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
15:59Ito po yan mga kapuso at mula po dito sa cloud cluster na yan,
16:03maaring may mabuong bagong low-pressure area malapit po dito sa Luzon sa mga susunod na araw.
16:09At bukod po dyan, may isa pang posibleng mabuong LPA dito po yan sa silangan din po ng ating bansa sa susunod na linggo.
16:17Pwede pang magbago ang forecast kaya tutok lang po kayo sa updates.
16:21Sa ngayon, habagat at localized thunderstorms ang patuloy na magpapaulana sa ilang bahagi po ng ating bansa.
16:27Base sa datos ng Metro Weather, ngayong gabi halos nasa Luzon po yung mga pag-ulan.
16:32So dito po concentrated no compared dito sa Visayas and Mindanao.
16:36So nakikita po natin dito po sa Cagayan, Isabela, Batanes and Babuyan Islands.
16:41Ganon din po dito sa May Cordillera, Ilocos Region, ganon din po sa ilang bahagi ng National Capital Region,
16:47Central Luzon kasama po ang Zambales at Bataan.
16:50Meron din mga pag-ulan dito sa ilang bahagi po ng Mindanao pero mga kalat-kalat at panandalian lamang po yan.
16:56Bukas ang umaga, may mga pag-ulan pa rin sa ilang bahagi po ng Northern at Central Luzon.
17:01Pero pagsapit ng hapon, mataasa po ang tsansa ng ulan sa mas malaking bahagi ng Luzon.
17:07Mula po yan dito sa Northern at Central Luzon hanggang dito sa May Calabar Zone,
17:12Mimaropa at pati na rin sa Bicol Region.
17:14May mga malalakas sa pag-ulan kaya po ingat pa rin sa banta po ng baha o landslide.
17:20Dito naman sa Metro Manila, may tsansa pa rin po ng mga kalat-kalat na ulan bukas.
17:25Pwede may mga oras na wala pong ulan so mainit at maalinsangan ng panahon.
17:29Pero bandang hapon o gabi ay posibleng magkaroon ulit ng thunderstorms kaya magdala pa rin po ng payong.
17:36Sa mga tagabisayas at Mindanao naman, may tsansa rin po ng ulan sa ilang probinsya.
17:40Bukas po yan ng hapon at gabi.
17:42At nakikita po natin meron po mga malalakas sa pag-ulan dito po yan sa Northern Mindanao, Caraga, Davao at pati na rin po sa Barm.
17:50Yan ang latest sa ating panahon.
17:52Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center, maasahan anuman ang panahon.
18:04Kasalanan ba ang kiligin sa mga simpleng tinginan at ilangan?
18:09Well, not for AZ Martinez and Ralph Dalayon,
18:12o AZ Ralph na may patikim sa ilang kilig eksena nila sa isang music video.
18:17Makitsi ka kay Aubrey Carampel.
18:19From Fan Edits
18:32To an Actual Music Video
18:35It's becoming a reality para sa AZ Ralph Love Team,
18:42nina AZ Martinez at Ralph Dalayon
18:45ang wish ng kanilang Razzles
18:47na maitampok sila sa music video ng kantang na iilang
18:50ng singer-songwriter na si Lejon.
18:53Na-discover nina AZ at Ralph ang song
18:56at ang video edits ng fans
18:58paglabas ng bahay ni Kuya.
19:00Medyo nabulabog ako sa mga edits namin ni AZ.
19:03Most of them, ito yung theme song na ginamit.
19:06Tinatawag nila itong AZ Ralph Coded.
19:08So ito yung naging theme song namin ni Ralph.
19:12True to the meaning of the song,
19:19di maikailan ang AZ Ralph
19:21ang mga naiilang moments nila sa ilang eksena sa MV.
19:26Kilig naman ang hatid ng kanilang titigan scenes,
19:29pati na ang kanilang karaoke duet.
19:32Si AZ tila nag-relapse pa
19:35sa kanilang naging PBB journey ni Ralph.
19:38I would say na medyo familiar.
19:39Maraming nakita yung mga tao sa loob ng bahay
19:42where nalasing din po kami.
19:45So medyo, ano,
19:47lumabas siya sa outside world with a different concept.
19:51So, ayun, maganda po yung pagkabuo ng concept and storyline na ito.
19:55Eh kung papipiliin ang line sa kantaang AZ Ralph
19:58para i-dedicate sa isa't isa,
20:01ano kaya ito?
20:02Walang ibang tulad mo.
20:04Yun, yun.
20:04Nangungopia ka?
20:05Nangungopia, wala ka, wala naman sinabi kanina.
20:08Pero yun, yun talaga.
20:09Kasi alam nyo naman na sobrang unique niya ang tao.
20:11Ang dami niya talagang
20:12nabibring to the table na only she can.
20:15Yun din yung line na naisip.
20:17Gaya, gaya.
20:18Yun din yung line na naisip ko para kay Ralph
20:20na walang iba tulad mo.
20:22Sobrang unique niya na tao.
20:23Sobrang ang daming factors kay Ralph
20:27na napapaangat talaga kung sino si Ralph.
20:30Aubrey Carampel, updated showbiz happenings.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended