00:00Ilang ASEAN India Youth Summit Delegates ang nabigyan naman ng pagkakataon na matunghaya ng ganda at makasaysayang kultura ng India.
00:08Ilang tourism site doon ating silipin sa report ni Gav Villegas.
00:12Kinala ang state of Goa sa India sa mga beach, mayamang kultura, magandang klima at mga makasaysayang lugar.
00:311510 ang mapasailalim ang Goa sa kangay ng mga Portugis pagkatapos talunin si Yusuf Adelsian ng Sultanate of Bidjapur ni Afonso de Albuquerque.
00:43Tumagal ang occupation ng Portugal sa Goa hanggang 1961.
00:47Para sa Aviation at Military Geeks, ang INS Hansa Naval Aviation Museum ay isa sa mga lugar na maaaring bisitahin ng mga turista sa Goa.
00:56Makikita sa museo ang historical trajectory ng naval capability ng India.
01:02Nitong weekend, higit isandaang delegado ng 5th ASEAN India Youth Summit ang bumisita sa museo.
01:08Sila ay binigyan ng briefing sa kakayahan ng naval aircraft na pinapatakbo ng Indian Navy.
01:16Para sa mga Catholic pilgrims, ang Basilica of Bom Jesus ay isa din sa go-to places sa Goa.
01:23Ang simbahan ay tinayo noong 1594 at natapos noong 1605.
01:27At ito ay isa sa pinakamatandang simbahan sa Goa at sa buong India.
01:31Nasa loob din ng Basilica ang relic ni St. Francis Xavier na isa sa nagpalaganap ng Kristyanismo sa India.
01:38Noong 1986, ang Basilica, kasama ang iba pang mga simbahan at kumbento sa Goa ay itineklara ng UNESCO bilang World Heritage Sites.
01:47Ubumad naman ang magandang tanawin ng Arabian Sea sa mga bibisita sa Fort Aguada sa Kandolim.
01:56Ang kota ay naitayo noong 1612 para magbantay laban sa mga Persang Dutch.
02:01Makikita din ng mga bisita ang 13-meter Aguada Fort Lighthouse na naitayo noong 1864.
02:07Sa iba ba na bahagi ng Fort Aguada, mabibisita din ang Aguada Central Jail na nagsisilbing museo.
02:14Sa loob ng mga selda, makikita ng mga turista ang isang interactive museum.
02:19Dito, pinapakita ang sakripisyo at kabayanihan nagtulong-tulong para sa pagpapalaya ng Goa.
02:26At ang panghuli, ang picturesque view ng mga historic na bahay na may Portuguese architecture.
02:32Makikita rin ang mga kalsada na handog ng Fontenhas na nasa lungsod ng Panjim.
02:38Ang Our Lady of the Immaculate Conception Church ay magandang lugar din para mag-pilgrimage.
02:43Ang simbahan ay itinayo bilang kapilya noong 1541 para magsilbing sentro ng reliyon para sa Portuguese sailors.
02:52Mula dito sa State of Goa sa India,
02:55Gab Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.