00:00Sa ating balita, umarangkada na ang ikalawang araw ng state visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa India.
00:07Ngayong umaga, ginawara ng ceremonial welcome si Pangulong Marcos Jr. sa Rashtrapati Bhavan,
00:14ang tahanan ng Presidente ng India.
00:16Malugod siyang sinalubong ni na Indian Prime Minister o Indian President Draupadi Murmu
00:21at Prime Minister Narendra Modi.
00:24Matapos ito ay ang re-playing ceremony sa Rajgat,
00:28kung saan nakahimlay si Mahatma Gandhi,
00:31ang iginagalang na ama ng bansang India
00:33at isa sa pinakatanyag na personalidad sa kanilang kasaysayan.
00:38Mamayang hapon, naarangkada ang high-level meetings ng Pangulong
00:41kabilang na ang bilateral meeting kasama si Prime Minister Modi
00:45kung saan inaasahang matatalakay nito ang pagpapalawig ng kooperasyon ng dalawang bansa.