00:00Nasawi sa sunog ang isang bata at kanyang nyaya
00:03nang matrap sila habang nilalamon ng apoy ang inuupahang bahay sa Malabon.
00:08Balitang hatid ni James Agustin.
00:13Tupok na tupok ang unang palapag ng paupahang bahay na ito sa barangay Tinajeros, Malabon
00:17matapos masunog bago maghating gabi.
00:20Umabot sa unang alarma ang sunog na naapula matapos sa mahigit apatapong minuto.
00:25Nasa labing dalawang firetruck ang rumisponde sa lugar.
00:27Ayon sa residenteng si Ferdinand, noong unay may naamoy siyang parang nasusunog na plastik at goma.
00:33Nang silipin niya, malaki na ang apoy sa katabing bahay.
00:36Pag baba ako, paglabas ko noong mismong pintuan, apoy nakaagad yung doon sa pintuan ng bahay.
00:42Napakalakas na.
00:44So ang insin ko, bumalik ako agad ng bahay.
00:48Kasi yung nanay at tatay ko may edad na eh.
00:49So sila muna yung ina ko, pilit kong inilalabas.
00:53At kinalampag, noong medyo nagising na po sila, kinalampag ko na itong bahay ng tito ko, bintana, para manggising ng mga tao.
01:02Pinagtulungan ang mga residente na apulahin ang apoy.
01:04Nakaubos ako ng isang firetruck set, tsaka yung may mga drum kami dito, buti naman puno.
01:10And napagtulong-tulungan namin.
01:12Talagang napakainit.
01:14Ubus yung ibaba.
01:15Sa kasagsagan ng sunog na trap sa ikalawang palapag ang dalawang batang babae at kanilang yaya.
01:21Ang anim na taong gulang na bata, idinaan sa teris.
01:24Nagtamu siya ng mga paso sa katawan.
01:27Yung isang bata, nakakasigaw pa kanina, pero naibaba dito sa bendang labas.
01:33Ang yaya naman na tatlong taong gulang na bata, natagpo ang walang malay ayon sa residente.
01:38Nandun sa kutsun nila, sa sahig, tapos yung bata nakahiga.
01:46Tapos yung yaya, nakadinapaan niya yun, nakatukod yung yaya.
01:52Pero wala, hindi na sila gumagalaw eh.
01:55Binuhat ko na yung bata, binaba ko na.
01:57At nakatalokbong ako ng makapal na blanket, pero mainit pa rin.
02:01Isinugod ang tatlo sa mga ospital.
02:03Ayon sa BFP, nasawi ang yaya at tatlong taong gulang na bata.
02:06Ina-obserbahan naman ang 6 na taong gulang na bata.
02:10Inaalam pa ng BFP ang sanhinang apoy.
02:13James Agustin, nagbabalita para sa Gemma Integrated News.