Skip to playerSkip to main content
[Trigger warning: Sensitibong balita]


Nakipagbarilan sa mga pulis ang isang lalaki sa Sta. Rosa, Laguna matapos niyang barilin ang kaniyang pamangkin at kapitbahay. Patay ang mga biktima at ang suspek. Nadamay lang umano ang pamangkin nang awatin ang suspek at kanilang kapitbahay na dati nang may alitan. Ayon naman sa anak ng namaril posibleng may kinalaman ang krimen sa muling pagpasok sa drug rehab ng ama. Nakaburol na ngayon ang tatlo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:05Nakipagbarilan sa mga pulisang isang lalaki sa Santa Rosa sa Laguna.
00:10Matapos niyang bariling, hanggang niyang pamangkin at kapitbahay.
00:14Patay ang mga biktima at ang sospek.
00:17Nadamay lang umano ang pamangkin ng awatin ng sospek at kanilang kapitbahay na dati nang may alitan.
00:23Ayon naman sa anak ng Namaril, posibleng may kinalaman ang krimen sa muling pagpasok sa drug rehab ng ama.
00:31Nakaburo na ngayon ang tatlo at nakatutok si Katrina Son.
00:38Sa cellphone video na ito na ipinakita ng otoridad sa Jimmy Integrated News Team,
00:43makikita ang mga pulis na nakikipagbarilan habang isang dugoang lalaki ang nakahandusay.
00:48Dahan-dahang lumapit ang mga pulis sa sospek na nakukubli sa likod ng isang puno.
00:56Tuloy-tuloy ang barilan hanggang nakalapit na ang mga pulis sa sospek na nuoy duguan.
01:02Pagtigil po namin, yung tao po na sospek po, pasalubong sa amin tapos pinutokan na po kami.
01:08Nung may nagsimuigaw po kasi ng, oh yun ang mga pulis.
01:10Wala po, wala po siyang napapakinggan ha. Parang blanco po yung otak niya.
01:13Ang lalaking nakahandusay ay kapitbahay ng 65 taong gulang na sospek.
01:20Batay sa paunang investigasyon, inabangan daw siya ng sospek.
01:24Una raw binarin lang sospek ang kanyang pamangkin na 52 taong gulang na umaawat noon.
01:29Dead on the spot ang pamangkin.
01:31Pagdating nga dito, dun sa may kanto, inabutan kaagad nila yung sospek na may armado.
01:37Mapansin nyo, siya una nagpaputok doon sa patrollers natin.
01:42Na itakbo sa ospital ang sospek at ang biktimang kapitbahay.
01:46Pero parehong binawian ng buhay.
01:48Sa ibinigay na informasyon sa mga pulis, dati na raw na pumasok sa drug rehabilitation ang sospek.
01:53Mula noon, nagkaroon na raw ng dipagkakaitindihan ang sospek at ang mga biktima.
01:59Ang tinitingnan nga namin yung old garage, yung dati nang may alitan yung magkapitbahay nga.
02:07Ang unang na baril, yung pamangkin. Kasi yun yung unang umawat.
02:10Pag labas niya, inawawat siya, yun ang unang niyang pinagdiskitaan.
02:13Hindi naman lubos akalain ng anak ng sospek na magagawa ng ama ang ganitong pamamaril.
02:19Hindi rin daw niya alam kung saan nito nakumuha ang baril.
02:22Nakausap pa raw niya kahapon ng ama at sinabi nito na nabalitaan daw nito,
02:26nakukunin daw muli siya at dadalhin sa rehab.
02:29Maaring ito raw ang dahilan kung bakit nagawa ito ng ama.
02:32Kasi yung sa pinsang ko naman po, mayroon silang alitan.
02:36Parang tinitrigger niya si Papa na kung mara may kusap siya sa cellphone,
02:41na laging sinasabi na,
02:44oh dapat yung mga adik na yan, pinapatay yan, ganoon.
02:47Pero wala naman parang kausap.
02:48Sila ni kuya, may alitan na sila, matagal na.
02:51Siguro parang nag-hallucinate na siya.
02:53Ang kapatid naman ang biktima na pamangkin ng sospek.
02:56Di raw lubos akalain na mangyayari ito sa kanilang pamilya.
02:59Wala naman po kaming masisi, hindi rin naman po.
03:05Hindi po namin alam kung ano po yung ganoon.
03:09Hindi lang po ng pagkamatay niya, batginhan nun siya.
03:12Siguro hindi rin po sinasadya ng tsuhin namin, ganoon.
03:16Pero mabait po yung kuya ko.
03:19Nakuha naman mula sa sospek ang isang .38 revolver na baril.
03:23Patuloy ang investigasyon ng mga polis sa insidente.
03:26Para sa GMA Integrated News, Katrina Son, Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended