Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Binudyag ni Sen. Pink Laxon na may dalawang board members ng Philippine Contractors Accreditation Board o PICOP
00:06na kontratista rin umano sa ilang proyekto ng Department of Public Works and Highways.
00:11Bago naman nag-resign si DPW Secretary Manuel Bunuan,
00:15sinuspinde o kaya inilipat niya sa pwesto ang ilang kawani ng ahensya na sangkot umano sa kontrobersya.
00:22Pumuuri siya ng Anti-Graph and Corrupt Practices Committee.
00:25May unang balita si Jonathan Andan.
00:30Matapos mabunyag ang mga palpak na flood control project sa Oriental Mindoro,
00:36isang isang bakal na inilagay.
00:38Nire-assign si Engineer Gerald Pakanan, ang Regional Director ng DPWH Pimaropa.
00:44Inilipat si Pakanan sa Central Office.
00:46Ang pumalit sa kanya si Engineer Editha Babaran.
00:50Isa yan sa inanunsyok ni DPWH Secretary Manuel Bunuan sa isang video message.
00:54Pag-re-assign po sa Regional Director ng Region 4B,
00:59pag-re-assign sa Regional Office ng mga Assistant District Engineer
01:04at lahat ng mga Section Chiefs ng Batangas 1st District Engineering Office,
01:10pagpataw ng preventive suspension sa mga empleyado ng Bulacan 1st District Engineering Office,
01:16mula sa District Engineer, Assistant District Engineer,
01:21at lahat ng Section Chiefs.
01:22Gusto nating managot ng dapat managot.
01:26Makulong ang dapat makulong.
01:28Bumuo rin ang DPWH ng Anti-Graft and Corrupt Practices Committee
01:32na layong imbestigahan ng mga posibling katiwalian ng mga kawaninang ahensya.
01:37Pero giit ni DPWH Secretary Mani Bunuan,
01:40iilan lang ang skalawag sa DPWH.
01:43Mas marami pa rin ang matitino.
01:45Kasabay nito, ibinunyag na Sen. Panfilo Lacson na
01:48dalawang opisyal ng PICAB o Philippine Contractors Accreditation Board
01:52na taga-regulate ng mga kontraktor,
01:54ang sila rin palang mga kontratista sa gobyerno.
01:58Tinukoy ni Lacson si na PICAB Board Member Engineer Ernie Bagau
02:01at Engineer Arthur Escalante
02:04na may sariling mga construction company.
02:07Aniya, si Bagau na re-appointed board member ng PICAB
02:10noong September 2023 para sa tatlong taong termino
02:13ay managing officer ng EGB Construction
02:16na pumipirma pa sa mga kontrata ng kumpanya sa DPWH.
02:21Si Escalante naman, nakapirmang board director sa PICAB 2022 annual report
02:25pero nakapirma rin sa isang kontrata sa DPWH
02:29bilang kinatawan ng A.N. Escalante Construction Incorporated.
02:33Sinubukan namin kunan ang pahayag si Escalante at Bagau
02:36pero wala pa silang tugon sa aming pinadalang mensahe.
02:39Ayon kay Lacson, posibleng conflict of interest ito
02:42na labag sa batas o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials.
02:47May parusa itong kulong na hanggang limang taon,
02:49multang hanggang limang libong piso
02:50at posibleng humantong sa pagkakadisqualify sa gobyerno.
02:54Nananawagan si Lacson sa DTI at CIAP
02:57o Construction Industry Authority of the Philippines
02:59na investigahan si Escalante at Bagau
03:02at sampahan sila ng kaukulang reklamong kriminal at administratibo.
03:06Dati nang sinabi ni Lacson na may nagsumbong sa kanya
03:08na ibinibenta ng PICAB ang akreditasyon sa mga kontraktor
03:11sa halagang 2 milyong piso.
03:13Itinanggihan ng PICAB sabay-sabing may mga skammer
03:16na nagpapanggap daw na kanilang empleyado.
03:19Itong unang balita, Jonathan Andal para sa GMA Integrated News.
03:25Igan, mauna ka sa mga balita,
03:26mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
03:30para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended