Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Katumbas ng halos limang araw na ulan ang bumuhos sa Quezon City nitong weekend.
00:05Ang resulta, phenomenal o pambihirang pagbaha ayon sa ilang eksperto.
00:10Paliwanag ng Quezon City LGU, hindi kinaya ng drainage system ng lungsod,
00:14ang dami ng ulan, kaya nalubog ang mga dating hindi binabahang lugar.
00:19Mayunang balita si Nico Wahe.
00:20Nambiglang umulan sa Quezon City, rumagasa ang baha sa ilang bahagi ng Barangay San Vicente sa Diliman.
00:32Pinasok ng tubig ang ilang bahay.
00:35Hanggang baywang ang baha sa ilang lugar.
00:38Ilang residente ang sinagip sakay ng rubber boat.
00:42Sa Barangay Loyola Heights, hanggang baywang ang baha sa Mary Town,
00:46kaya nagtulong-tulong sa paglikas sa mga residente.
00:48Ang mga lugar na ito, malapit lang sa University of the Philippines.
00:53Ang UP Diliman nga, hindi nakaligtas sa baha.
00:57Ang malagubat na pamosong lagun ng campus, naging totoong lawa ng bahain.
01:02Baharin maging ang mga kalsada sa paligid ng universidad, tulad ng Katipunan Avenue.
01:07Ang Commonwealth Avenue, naparalisa ng baha.
01:10Hebigat ang trapiko.
01:12Lumutang ang ilang kagamitan at basura.
01:15Nagmistulang ilog na ang kalsada sa bahagi ng Quezon Memorial Circle.
01:19Ngayon din sa ilang bahagi ng EDSA.
01:24Ang bus na ito sa may EDSA busway bandang Quezon Avenue, pinasok ng baha.
01:30Mula EDSA, tanawang maladagat na sitwasyon sa bahagi ng Mother Ignacia at Summer Avenue.
01:36Tila umaalo ng tubig habang mabilis na tumataos ang baha.
01:39Sa lalim ng baha, bubong na lang ang kita sa pickup na ito.
01:45Nalubog din ang isang utility van.
01:47Sa taas ang tubig, kalahati ng street sign ang lubog.
01:52May sasakyan ding lumutang sa gitna ng baha sa Viluna.
01:55Sa barangay Katipunan, abot dibdib ng baha at kinailangan ng gumamit ng bangka ng mga residente.
02:01Sa Geroneta Avenue, maraming sasakyan ang nalubog sa baha.
02:05Ang ilang stranded sa ibabaw ng mga sasakyan na gintay ng paghupa ng baha.
02:10May mga sumakay naman sa bangka para makatawid.
02:13Sa timelapse CCTV video na ito sa barangay Talayan, Riverside,
02:17kita ang mabilis na pagtaas ng baha.
02:19Sa loob lamang na mayigit 30 minuto, pinasok na ng tubig ang bahay.
02:24Paghupa ng baha, samot-saring basura naman ang naiwan sa bahagi ng West Riverside Street sa barangay San Antonio.
02:30Pero kalaunay nilinis din ang LGU.
02:35Ang mga mataas at bigla ang pagbaha sa 36 na barangay sa Quezon City.
02:39Penomenal o pambihira, ayon sa UP Resilience Institute at UP NOAA Center.
02:45Batay sa datos ng pag-asa Science Garden, umabot sa 141 mm ang dami ng ulan.
02:50Pinakamarami bandang alas 2 hanggang alas 3 ng hapon na nagbagsak ng 96.6 mm ng tubig.
02:57Katumbas daw yan ng halos limang araw na pagulan kung pagbabasya ng minimum amount of rain tuwing Agosto na nasa 568.5 mm.
03:05Mas mataas din sa peak hour ng bagyong ondoy noong 2009 na 92 mm lang.
03:11Localized thunderstorm lang ang nagpaulan.
03:13Hindi siya yung katulad ng mga habagat na malaking area yung nasasakop.
03:20Ito ay mga usually kasi pwede kasi talaga siyang madalas na nangyayari na in a span of 2 to 3 hours,
03:26pwede tayong umabot na magkaroon ng mga malalakas na mga pagulan po.
03:30Ayon sa Quezon City Disaster and Risk Reduction Management Office,
03:34hindi kinayan ng drainage system ng lungsod ang dami ng ulan kaya nalobog maging mga hindi binabahang lugar.
03:40Nakita po nalaga natin yung need po talagang paitingin po yung preparedness at saka yung ating infrastructure improvement para po sa areas na ito.
03:51Ongoing daw ang pagkumpleto nila sa kanilang drainage system na dinesenyo ng UP Resilience Institute.
03:572023 daw nang may turnover sa kanila ito at sinimulang gawin noong 2024.
04:02Sa Tandang Sora, may basketball court na ang nasa ilalim ay isa sa mayigit 160 detention basins na ginagawa ng LGU na kabilang sa drainage master plan.
04:11Ito yung itsura ng ilalim ng basketball court na tatawaging Tandang Sora Detention Basin o kasama dun sa nasa 160 plus na detention basins na ginagawa
04:25nitong LGU ng Quezon City na kabilang dun sa kanilang drainage master plan para maiwasan na nga yung mga pagbaha sa Quezon City kahit saklit lang yung mga pagulan.
04:35Ang tubig na kaya nitong ihold bago pakawalan, katumbas ng 1.2 million liters ng tubig o kalahating Olympic size swimming pool.
04:44Hindi pa raw maibigay ng Quezon City kung kailan matatapos ang proyekto dahil may mga hinihintay pang pondo.
04:49Ayon sa UP Resilience Institute, may ilang mga syudad na rin daw na nagpapatulong sa kanilang gumawa ng drainage master plan.
04:55Pero anila, dapat konektado ang mga drainage system ng mga lungsod.
04:59At bukod sa infrastruktura, dapat isaalang-alang sa flood control ang pagtatanim ng puno at pagpapalalim ng mga ilog.
05:06Palagay ko, hindi naman natin completely ma-eradicate yung pagbaha na yan.
05:10But we can adapt, we can lessen it, and make it tolerable so that we can live with nature.
05:18Ito ang unang balita ni Kuahe para sa GMA Integrated News.
05:23Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
05:26Mag-iuna ka sa malita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
Be the first to comment