Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 22 hours ago
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00.
00:02.
00:04.
00:06.
00:08.
00:10.
00:12.
00:14.
00:16.
00:18.
00:20.
00:22.
00:24.
00:26.
00:28.
00:32.
00:34.
00:36.
00:38.
00:40.
00:42.
00:44.
00:48.
00:50.
00:52.
00:54.
00:56.
00:57.
00:58Naging laban ng balita ang kalunus-lunus na sinapit ni Tik Tok sa kanilang bayan sa Murcia.
01:03Si Tik Tok natagpong hindi lamang nakasabit sa isang bakot at nakatali ang leeg.
01:09Nakatusok din sa katawan ang kawawang aso, ang limang pana o dart.
01:13Ang Bacolod Animal Chance and Hope Project Philippines o BAC agad nang nirescue si Tik Tok
01:18at dinala sa isang veterinary clinic sa Bacolod.
01:21Matapos sa mailalim sa operasyon, si Tik Tok, himalang nakaligtas.
01:26At dahil sa pag-aaruga ng BAC, makalipas ng 6 buwan.
01:30Si Tik Tok, malusog at masaya na ngayon.
01:33Matagumpay pa niyang natapos sa kanyang unang fun run.
01:35Lahat po kami na volunteer ay sobrang masaya.
01:38Makita talaga sa mukha ni Tik Tok na masaya rin siya po.
01:42Ngayon, sobrang healthy na po niya at pwede na siyang makipag-expose po sa ibang tao.
01:48Pero ang BAC patuloy ang pananawagan para sa pagprotekta sa mga stray at rescue animals gaya ni Tik Tok.
01:56Lalot ka ba kailan lang, isa na namang inosenteng Aspin ang napabalitang inasinta ng dart o ipana sa Murcia.
02:01May ipit namin pinapaalala dito sa Kuya Kim, ano na?
02:05Ang animal cruelty o yung di makatarungang pagtrato at pananakit sa mga hayop.
02:09Isang krimen sa ating bansa.
02:11Paglabag ito sa Republic Act 8485 o ang Animal Welfare Act of 1998.
02:16Ang sino bang mapatunayan lubabag sa batas na ito?
02:19Maring makulong at pagmultahin.
02:20Iba-ibang category kasi yan.
02:23Ganitong kaso, katulad kay Tik Tok, around 6 to 12 months ang pwedeng iparusan at pagmultahin ng 30,000 pesos.
02:34Kung namatay siya, parusta dito ay 18 to 24 months ng pagkakakulo at multa na 100,000 pesos.
02:45Kung hindi niyo po kaya silang mahalin, please lang po huwag po natin silang saktan.
02:50Kasi mayroon din silang instinct na to love as human din po.
02:55Ang mga aso, hindi mo nakapagsasalita sila'y may damdamin, marunong magbahal at nasasaktan din.
03:01Kaya ngayong International Dog Day, nagnaway magsilbi tayong boses na mga hayop na hindi kayang ipaglaban ang sarili.
03:10Ito po si Kuya Kim at sagot ko kayo, 24 oras.
03:13Magandang gabi mga kapuso.
03:21Ako po ang inyong Kuya Kim, magbibigay sa inyo ng trivia sa likod ng mga trending na balita.
03:25Hinahanap ngayon ang mga taga-kabanatuan ng isang mahalagang bahagi ng kanilang kasaysayan.
03:30Ito ang isa sa mga historical marker ng lunsud na may git-apat na dekada ng nawawala.
03:34Sa Facebook post na ito, ang Kabanatuan City Tourism Development and Promotion Office, may panawagan.
03:47Ang turungan silang mahanap ang isang mahalagang simbolo ng kanilang bayan na may git-apat na dekada ng nawawala.
03:53Ang isa sa mga historical marker ng kabanatuan.
03:57Ang mga historical marker, isang tanda na nilalagay ng NHCP o National Historical Commission of the Philippines,
04:03upang kilalaning at ipagdiwang ang isang makasaysayang tao, lugar o pangyayari sa Pilipinas.
04:09Sa buong bayan ng kabanatuan, may siyam na historical markers.
04:12Pero walo na lamang ang mga ito ang nasisilayan ng publiko.
04:15Ang isa kasi sa mga ito nawala noong dekada 80.
04:18Ito ang historical marker na pinamagatang lunsod ng kabanatuan.
04:22Ginawa dito sa lunsod ng kabanatuan noong Hulyo 4, 1966.
04:28About siya sa kung kailan itinatag yung kabanatuan simula noong 1777 at hanggang sa maging city ito noong 1950.
04:37Ang naturong marker, matatagpuan daw dati sa paana ng monumento ni Gato Serizal na nakatinding noon sa Plaza Lucero.
04:44Nawala siya nung nasunog yung lumang city hall ng kabanatuan.
04:47Na matatagpuan dito sa daang Del Pilar.
04:50Ang rebulto ni Rizal, inilipat na sa bagong city hall.
04:54Yun pong historical marker ay wala.
04:56Hindi po siya nasamang ilipat.
04:58Matatagpuan sa paanan ng rebulto ni Jose Rizal.
05:01Dahil sa napakalagang papel ng marker na ito sa kanilang kasaysayan,
05:04porsigido ngayon ang lokal na pamahalaan ng kabanatuan
05:06na kung hindi man mapalitan ang marker, ay muling mahanap ito.
05:10Nagpost muna kami sa FB page ng tourism.
05:13Sa ngayon, wala pang lead.
05:15Mahalaga ito sa kakabatuan para maipakita sa mga kabataan sa panahon ngayon yung nawalang kasaysayan.
05:23Ayon sa NHCP, may maikit 1,000 markers na gawa sa cast iron at bronze
05:28ang nakakalat sa iba't ibang bahagi ng bansa,
05:30layo ng mga ito na mapreserbang kasaysayan.
05:33At panalahanan ng publiko ng mga mahalagang ambang ng isang lugar, tao o pangyayari.
05:38Ang pinakaunang historical markers sa Pilipinas nilagay nung pang 1934 ng dating Philippine Historical Research and Markers Committee,
05:45ang unang opisyal na ahensyang tinalaga upang maglagay ng mga markers sa mga makasaysayan lugar sa bansa.
05:51Alam niyo ba kung saan saan in-install ang mga pinakaunang historical markers sa Pilipinas?
05:55Kuya Kim, ano na?
05:56Ang maituturing na unang batch ng historical markers sa bansa na in-install noong 1934 matatagpuan sa limang makasaysayan lugar sa Maynila.
06:08Itong Saragustin Church, Fort Santiago at Manila Cathedral sa Indramuros,
06:13University of Santo Tomas sa Sampaloc at San Sebastian Church sa Quiapo.
06:17Dahil nilagay ito noon pang panahon ng mga Amerikano, sinulat ang mga ito sa wikang Ingles.
06:21Ang consistent use naman ng Pilipino o wikang lokal sa mga historical marker nagsimula noong dekada 70.
06:29Samatala, para malaman ng trivia sa likod ng barang na balita, e-post o e-comment lang hashtag Kuya Kim, ano na?
06:34Laging tandaan, kimportante ang may alam.
06:37Ako po si Kuya Kim at sagot ko kayo 24 horas.
06:45Magandang gabi mga kapuso.
06:47Ako pong inyong Kuya Kim na magbibigay sa inyo ng trivia sa likod ng mga trending na balita.
06:50Sa General Santos City sa Mindanao, halos dalawang libong gagamba ang nasabat na mga otoridad.
06:56Ang mga kawawag nila lang kasi, hindi na lang daw ginagawang libangan.
07:00Pinagpupustahan pa rin.
07:07Itong laman ng kahong nakumpiska sa General Santos Airport.
07:11Sa unang tingin, akalaing tingitingin nakarepat na paminta lang ang mga ito.
07:15Pero kung titignang maigi,
07:17ang laman pala nito, mga buhay na gagamba.
07:20Ang halos dalawang libong nasabat na gagamba, ipapadala raw sana sa ilo-ilo.
07:27Ayon sa DNR or Department of Environment and Natural Resources,
07:30ang mga gagamba na nasa kanilang pustudyena ngayon,
07:33posible raw na gagamitin sana sa spider derby o sabong na mga gagamba.
07:37Last August 22, Senro DNR 12 and this station conducted random inspection and then intercepted 1,902 spiders.
07:49Possible na, ano, is for derby. Parang ganun po.
07:54Pero ang spider derby, pati ng pagbibenta ng mga gagamba, iligal ayon sa DNR.
07:59Paglabag ito sa RA 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
08:05May pagmamakta po ng 100 to 1 million pesos and or prisoner imprisonment of 3 years to 7 years.
08:14Kaya inaalam na ngayon kung sino nagpadala sa mga bagahe, pati na ang mga consign-in ito.
08:19Ang mga gagamba, huwag nating saktan at paglaruan.
08:23Malit man kasi mga ito.
08:24Meron naman silang napakalaking papel sa ating kalikasan.
08:34Para sa iba, lalo sa mga may aractophobia o matinding takot sa mga gagamba,
08:38ang mga gagamba ay nakakakilabot at dapat patayin o iwasan.
08:42Pero kumakain sila ng mas malilit na insekto gaya ng langaw, labok at ipis.
08:47Kaya nakakatulong sila sa magbawas ng peste sa mga taniman at mga kamayan.
08:51Sila din ay nagsisilbing pagkain ng ibang mga hayop gaya ng ibon, palaka at butiki.
08:56Kaya nakakatulong sila sa pagbalanse ng tinatawag na food chain sa ating kalikasan at ekosistem.
09:02Sa halip na katakutan at katayin, sila'y dapat nating protektahan at pangalagaan.
09:08Samantala, para malaman ng trivia sa likod ng viral na balita,
09:10i-post o i-comment lang,
09:12Hashtag Kuya Kim, ano na?
09:14Laging tandaan, kimportante ang may alam.
09:17Ako po si Kuya Kim at sagot ko kayo 24 horas.
09:21Magandang gabi mga kapuso.
09:26Ako po ang inyong Kuya Kim na magbibigay sa inyo ng trivia sa likod ng mga trending na balita.
09:30Tara't makipista tayo sa Valencia, sa Spain,
09:33kung saan ang mga nakisaya sa pagdiriwang,
09:35nagbabatuhan ng toneto niladang mga kamatis.
09:38Kapag binatukaroon ng bato, patuhin mo ng tinapay.
09:45Pero sa pistang ito sa Valencia, Spain, ang walang habas na pinagbabato ng mga tao.
09:50Hindi tinapay, kundi libu-libong mga kamatis.
09:53Ito ang taonang Latumatina Festival sa bayan ng Bunyol.
09:56Sa taong ito, may 20,000 katao ang nakilahok sa batuhan ng mga overripe ng mga kamatis.
10:02Kaya ang kalsada kung saan idinaos ang kapistahan, nagkulay pula.
10:06Isa sa mga nakisaya sa Tomatina, ang kababayan nating si Joe.
10:09Very chaotic talaga siya, pero it was so much fun.
10:11Everyone is very game, sports lahat.
10:15It was a very unique experience.
10:17Ang paglahok ni na Joe sa Tomatina, three years in the making daw.
10:21We have to really plan it and we have to really allocate a week for it
10:25so that ma-enjoy mo yung festival.
10:28So we booked it in advance.
10:29At kahit may 20,000 katao raw nakilahok sa pista,
10:33hindi nakaramdam ng takot si na Joe.
10:35Well organized, a lot of police around, ambulances.
10:39Ang Tomatina, walong dekada ng tradisyon sa Bunyol.
10:42Hindi marinaw kung paano ito nagsimula.
10:44Pero ayon sa isang kwento, nagumpisa daw ito
10:47ng may isang grupo ng kabataan noong 1940s
10:49ang naking gulo sa isang parada.
10:52Dahil dito, nagkakabatuhan daw ng mga gulay,
10:54lalo na ng mga kabatis.
10:55Paulit-ulit itong nangyayari taon-taon
10:57hanggang sa naging official lapista ito
10:59at sa mga nagaalala, lalo tuneto nila ng kabatis
11:02ang nasasayang tuwing tomatina.
11:04Paglilinaw ng mga organizer,
11:05hindi itong edible o hindi nakakain
11:07ang mga kabatis na ginagamit dito.
11:09Hindi kasi nakapasa ang mga kabatis
11:11sa quality control standards for human consumption.
11:14Hindi lang sa mga taga-malensya
11:15mahalaga ang kamatis.
11:17Nakadikit din ito sa panlasa at kultura
11:19ng ating mga Pilipino.
11:21Hindi kumpleto ang marami sa ating mga putahe
11:23kung wala ito.
11:24Pero may idea ba kayo kung ang mga kamatis
11:26prutas ba o gulay?
11:28Pumula team, ano na?
11:30Ang kamatis, kamilang sa mga listahan ng gulay
11:37na kinakanta sa awiting bahay kubo
11:40ay hindi pala gulay.
11:42Ito'y isang prutas.
11:43Ang mga prutas ay bahagi ng halaman
11:45na nanggagaling sa bulaklak at may mga buto.
11:48Ang mga gulay naman nanggagaling sa iba't ibang parte
11:50ng halaman gaya ng tangkay, ugat at dahon.
11:54Ang mga kamatis galing sa bulaklak
11:55at may mga buto sa loob.
11:57Kaya botanically speaking, isa itong prutas.
12:00Pero dahil sa karamiwan na itong ginagamit
12:02sa iba't ibang putahe,
12:03tinuturing naman itong gulay sa kusina.
12:06Sabatala, para malaman ng trivia
12:07sa likod ng viral na balita,
12:08i-post o i-comment lang
12:10Hashtag Kuya Kim, ano na?
12:12Laging tandaan, kimportante ang may alam.
12:15Ako po si Kuya Kim,
12:16at sagot ko kayo, 24 horas.
12:23Nakamala maraming motorisa sa Arizona, sa USA,
12:26sa biglang pagdilim ng kalsada.
12:29Namuho kasi ang isang uri ng dust storm
12:31na tinatawag na habub.
12:33Ano ba ang dapat gawin kung maipit
12:34sa kaparehong sitwasyon?
12:36Kuya Kim, ano na?
12:37Ang driver sa video ito,
12:47nahirapang magmaneho sa Pinal County
12:49sa Arizona, USA.
12:51Halos wala na kasi siyang matanaw sa kalsada
12:53dahil sa bumalot ditong makakapal na alikabok
12:55takong tawagin
12:56Habub.
12:59Ang Habub,
13:00isang uri ng dust storm
13:01na karamiwang naranasan
13:02tuwing monsoon season
13:03sa Southwest United States.
13:05Kadalasa nabubuo ito
13:06sa mga disyerto
13:07o tuyong lugar.
13:08Ayon sa US National Weather Service,
13:10ang habub ay nagbubula
13:12sa malalakas na downdrafts
13:13ng mga thunderstorm
13:14o yung malamig na hangin
13:15na bumabagsak
13:16mula sa kulak
13:17parwa sa lupa.
13:18Pagbagsak ng downdrafts
13:19at yung lupa,
13:20natatakay nito pataas
13:21ang alikabok sa ere.
13:23Ang alikabok
13:24ay naiipon
13:24at nagsasama-sama
13:25at bumubuo
13:26ng isang makapal na pader
13:27ng alikabok.
13:28Ang mga habub
13:29kadalasa ay tumatagal
13:30ng 10 minutes
13:31hanggang isang oras
13:32depende sa lakas ng hangin.
13:34Kapag maipit
13:35sa katulad na sitwasyon,
13:36huminto agad
13:37sa tabi ng kalsada,
13:38isa na mga bintana
13:39at magtakip
13:40ng bibig at ilong.
13:42Mainam din gumamit
13:43ng mask
13:43o basang panyo.
13:45Laging tandahan,
13:46kimportante ang may alam.
13:47Ito po si Kuya Kim
13:48at sagot ko kayo
13:4924 horas.
13:50Pailora
13:54ng

Recommended