00:00Inasahang maglalabas ng isang resolusyon ng National Police Commission na siya magpapatibay sa pagiging acting PNP Chief ni Police Lieutenant General Jose Melencio Nartates Jr.
00:11Yan ang ulit ni Ryan Lesigues.
00:15Matapos masibak sa pwesto si dating PNP Chief Police General Nicolás Torre III,
00:20maraming espekulasyon ang lumabas kauglay sa tunay na dahilan kung bakit ito natanggal bilang pinuno ng pambansang polisya.
00:26Kabilang na dito, ang umano'y pagtanggi ni Torre na sundin ang direktiba ni DILG Secretary Jun Vick Rimulia na bumili ng 80,000 piraso ng 5.56mm assault rifle.
00:38Bagay na agad namang itinanggi ng DILG sa official statement ng kalihim na kasaad dito na wala siyang ganitong utos na inilabas.
00:46Sa halip, nang matanggap umano ng kalihim ang isang unsolicited proposal para sa pagbili ng nasabing dami ng armas,
00:52ipinag-utos niya kay Torre na suriin muna kung talagang kinakailangan ito para sa operasyon ng PNP.
00:59Ang ganitong uri daw kasi ng malakihang pagbili ay maari lamang isagawa sa pamamagitan ng congressional insertion,
01:05lalo na hindi ito kasama sa National Expenditure Program ng Pamahalaan.
01:09Noong August 12, sa pagdiriwang ng anibersaryo ng PNP,
01:13sinabi umano ni Torre Carimulia na hindi niya nakikitang kailangan ng pagbili ng naturang mga armas
01:18at sumangayon naman dito ang kalihim.
01:21Samantala, naglabas ang National Police Commission o NAPOCOM
01:24ng resolusyon para pagtibayin ang pagtatalaga kay Lt. Gen. Jose Melencio Nartates Jr. bilang acting chief ng PNP.
01:32Sabi ni NAPOCOM Vice Chairperson at Executive Officer Attorney Rafael Kalinisan,
01:37layunin ng hakbang na bigyang kapanyarihan si Nartates
01:40na ganap na gampanan ang pamumuno sa PNP taliwas sa limitadong tungkulin ng isang officer in charge.
01:47We will make sure na it is all on board, kailangan po legal,
01:53so we will issue the supporting NAPOCOM resolution to help General Nartates in the performance of his tasks.
02:01Para wala rin hong question, so we will issue the corresponding NAPOCOM resolution,
02:06affirming his acting capacity.
02:08Tiniyak ng NAPOCOM ang patuloy na maayos na ugnayan sa PNP
02:11at ang kanilang buong suporta sa liderato ni Nartates.
02:15Importante yun. Bakit siya importante?
02:17Kasi kung OIC, ano lang yun eh, daily, rutinary functions of the office.
02:23Walang discretionary power.
02:25Kung ikaw ay acting, you have full powers.
02:29So you have the, in your tools, yung discretion.
02:36You can exercise your discretion.
02:38And the chief PNP, particular in this case, General Nartates,
02:42should have full control dun sa mga ganap dun sa Philippine National Police.
02:49Sa ngayon, mananatili daw sa three-star rank si Nartates hanggat hindi binibitawan ni Tore ang four-star rank.
02:57Mula dito sa Campo Karame, Ryan Lisigues.
03:00Para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinos.