00:00Lalo pang hihigpitan ng Department of Budget and Management ang pagpapalabas ng pondo para sa flood control projects.
00:07Kasunod ito ng isinusulong na investigasyon sa Kamara para mabunyag kung sino ang nagpondo o nagsponsor para mapondohan ang mga palpak o kaya ghost infrastructure projects.
00:19Ayon kay Palace Press Officer at Undersecretary Claire Castro, kailangang may saro o special allotment release order at kumpleto ang requirements na kailangan ng DBM bago ito magbigay ng pondo.