00:00Asado na ikakasang tax fraud audit ng Bureau of Internal Revenue sa mga contractor ng flood control projects.
00:06Bukod sa sisilipin kung tama ang pagbabayad nila ng buwis,
00:09a-actionan din daw ng BIR ang mga ghost project o mga proyektong markadong kumpleto,
00:14pero wala naman sa mapa.
00:16Si Kenneth Pasente sa report.
00:21Hindi natatapos sa inspeksyon at sumbong ang pagbabantay ng bayan sa mga anomalya sa flood control projects.
00:27Dahil ayon sa Palacio, hudyat din ito para sa mga government agency na magsagawa ng kanilang sariling investigasyon.
00:34Kasado na ang gagawing tax fraud audit ng BIR sa mga contractor ng flood control project na tinukoy ng Pangulo.
00:41Gagawin ang isang parallel audit sa mga kontratista para silipin kung tama ba ang pagbabayad nila ng buwis.
00:48Ayon sa BIR, lahat ng government contractors ay kinakailangang kumuha ng updated tax clearance
00:54mula sa BIR bago sila makakuha ng final settlement para sa kanilang kontrata.
00:59Ang clearance na ito ay nagpapatunay na wala silang utang sa buwis.
01:02Kung mapapatunayan na kulang o mali ang kanilang binayarang buwis,
01:07hindi sila i-issuean ng updated tax clearance.
01:10Ibig sabihin ito ay madidisqualify sila sa susunod ng mga government procurements
01:14at masususpindi din ang final settlement ng kanilang mga kasalukuyang kontrata sa gobyerno.
01:20A-actionan din daw ng BIR ang mga proyektong na report na natapos na pero wala naman sa mapa.
01:26Kung makakakuha tayo ng official na certification mula sa kaukulang ahensya ng gobyerno
01:31na nagsasabing ghost project ang isang flood control project,
01:35ay mag-i-issue tayo agad ng deficiency tax assessment laban sa contractor na ito.
01:40Hindi kasi maaaring iklaim bilang deductible expense ang isang proyektong hindi naman talaga ginawa.
01:46Sa ano nga, no project means no deductible expense.
01:49Kaya kapag ghost project ito, tatanggalin namin lahat ng kaukulang gastos o claims
01:54at mananagot ang contractor sa tamang buwis.
01:58Tatalima din daw ang ahensya sa pahayag ng palasyo na magsagawa ng lifestyle check.
02:02Pero hindi lang mga opisyal ng gobyerno ang kanilang sisilipin,
02:05kundi pati na ang mga kontratista.
02:08Layon itong makita kung tugma ba ang kanilang ari-arian sa binayaran nilang buwis.
02:13Ngayon, ang ginagawa natin na lifestyle checks dun sa mga contractors
02:16at saka yung may-ari ng mga contractors na ito
02:18dahil nakikita natin na marami silang ari-arian na finoflunt
02:22at nakikita natin na malaki ang kanilang mga properties yung titignan natin.
02:30So, ibabangga natin yan sa revenues.
02:32Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.