Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

πŸ—ž
News
Transcript
00:00Kailangan na raw mag-develop ng mga bagong syudad para mabawasan ang siksikan sa Metro Manila na madalas bahain ay sa isang urban planner.
00:08Balak naman ang Metro Manila Development Authority na magpagawa ng malalaking imbakan ng tubig bilang pangontrabaha sa iba't ibang lokasyon sa NCR.
00:17May unang balita si Joseph Morong.
00:19Ito ang makasaysayang Tawila Cisterns. 15th century BC pa lamang ginagambin na itong pangontrabaha sa Adan, Yemen bago nagtigil operasyon.
00:31Kaya nito mag-imbak ng hanggang 25 million gallons ng tubig ulan bago ilabas sa dagat.
00:37Nakapagsusupply din daw ito ng tubig noon sa mga residente lalo na kapagtagtuyot.
00:42Tulad ng Tawila Cisterns, panlaban din sa baha ang sistern o imbakan ng tubig sa ilalim ng Bonifacio Global City sa Taguig.
00:49Plano ngayon ang MMDA na magpagawa rin ng cisterns sa iba pang bahagi ng Metro Manila.
00:54Ang isa, balak itayo sa grounds ng University of Santo Tomas sa Maynila.
00:58Hanggang 10 metro ang planong lalim nito at kaya mag-imbak ng tubig na kayang pumuno sa 30 Olympic-sized swimming pool.
01:05Sobra-sobra raw yan sa volume ng baha sa bahagi ng UST at EspaΓ±a.
01:09Kung hindi tagulan, pwede rin itong gawing parking ng hanggang 400 sasakyan.
01:13Hinihintay na lamang ang sagot ng University Board ng UST matapos ang pulong nila ng Manila LGU.
01:19Kami po yung mag-maintain at mag-ooperate noong catchment na yun to ensure na wala pong basura, hindi po pamamahaya ng lamok.
01:29At ganoon din po, dahil po ito ay heritage or conservation site,
01:34ay ensure po namin ang UST na ibabalik po namin yung kanilang field kung hindi man sa dati ay sa mas maganda pong state.
01:48Bukod sa UST, plano rin itayo sa ilalim ng Camp Aguinaldo Golf Course ang cistern kunsaan kasha ang lapas labing dalawang Olympic-sized swimming pool ng tubig.
01:57Doon, padadaluyin ang tubig sa EDSA.
02:00Pagtigil ng ulan, ilalabas ang tubig sa Makiling Creek.
02:02Magtatayo rin ang mga cisterns sa Raja Soliman Park at Liwasang Bonifacio sa Maynila at Ninoyokino Wildlife Park sa Quezon City.
02:10Nakikita po namin sa ibang bansa, lalo na sa mga urban cities, na ito na po yung talagang pinapanlaban nila.
02:19Singapore, Hong Kong, Japan, rain catchment na po.
02:23Kapag nasimulan na mga proyektong ito, pwede makita ang kanilang status sa DIME o Digital Information for Monitoring and Evaluation website
02:31ng Department of Budget and Management.
02:34Doon din pwedeng i-monitor ang iba pang infrastructure projects.
02:37Lahat ang makikita nyo sa General Appropriations Act, nandu-doon yan.
02:43Hindi guni-guni yung nakalagay dapat sa General Appropriations Act natin.
02:47Tingin naman ang architect at urban planner si Felino June Palafox Jr.
02:51kailangan na rin i-decongest ang Metro Manila, lalo't karamihan ay nakatira raw sa mga bahaing lugar.
02:57We should create 100 use days ideally, preferably outside Metro Manila.
03:02We should create more job opportunities in the provinces.
03:05Ito ang unang balita, Joseph Morong para sa GMA Integrated News.
03:09Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
03:12Mag-iuna ka sa balita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
03:21Kapuso, huwag magpapahuli sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
Comments

Recommended