00:00Sa ating balita ay pinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marquez Jr. ang pagsasagawa ng lifestyle check sa lahat ng opisyal ng gobyerno sa gitna ng investigasyon sa mga maanumalyang flood control project.
00:12Ayon kay Palace Press Officer and Secretary Claire Castro, ito'y kasabay ng tuloy-tuloy na pagsusuri sa mga record ng DPWH kaugnay sa mga maanumalyang proyekto.
00:22Patuloy din anayang investigasyon para matukoy ang mga nasa likod ng mga proyekto na dapat sana'y makakatulong para mabigyang solusyon ang malawakang pagbaha sa iba't ibang bahagi ng bansa.
00:34Sinabi pa ng opisyal na sa ngayon ay umabot na sa mahigit siyam na libo ang natanggap na report mula sa flood control projects sa pamamagitan ng sumbong sa pangulo.ph na website.