00:00Samantala, nagbuga muli ng abo ang Bulkan Kanlaon ngayong araw,
00:04katulad na nabanggit kanina at nagdulot ito ng ashfall sa ilang barangay
00:08sa lungsod ng Bago sa Negros Oksidental.
00:10Ang detay niyan sa Balitang Pambansa ni Jesse Atienza ng PTV Cebu.
00:17Mag-aalas 12 ng tanghali, umalingaungaw ang sirena sa barangay Masulog.
00:24Matapos muling magbuga ng abo ang Bulkan Kanlaon.
00:27Muli itong nagbuga, mag-aalas 3 ng hapon.
00:31Ngunit para sa mga magsasakang nakatira malapit sa Bulkan, sanay na sila rito.
00:45Ayon sa Kanlaon City, LGU, bagamat nasanay na rin sila sa ganitong sitwasyon,
00:51hindi pa rin sila nagpapakampante.
00:52We are always contacting our emergency responders to have our heightened alert during these times
01:01para if in case po na mag-continuous yung ash emission natin,
01:06we are always ready to respond on emergencies like this po.
01:10Minomonitor naman ang City Disaster Team ng lungsod ng Bago sa Negros Oksidental
01:15ang ilan sa kanilang mga barangay na tinamaan ng ashfall.
01:18May mga apiktado po tayong lugar na nakakaranas ng ashfall at sulfuric smell.
01:25Ito po yung purok orchids, purok San Francisco sa barangay Binubuhan,
01:31purok balatong ng barangay Ilihan at saka sa barangay Maino Proper.
01:36Nakastanby lahat ng mga kalapit na bayan at lungsod sa Bulkan Kanlaon
01:40na nananatiling unpredictable ang paggalaw at pagbabanta sa mga mamamayan malapit nito.
01:47Mula sa Kanlaon City, Negros Oriental, Jesse Atienza
01:51para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments