00:00Sugata ng isang lola matapos mahit and run ng isang SUV habang tumatawid sa pedestrian lane sa Marikina.
00:07Ang nahulikam na aksidente sa unang balita ni E.J. Gomez.
00:13Tumatawid ang isang babaeng nakapayong sa pedestrian lane sa A. Bonifacio Avenue sa Marikina City noong Sabado ng madaling araw.
00:22Maya-maya, dumating ang isang sasakyan at nabundol ang biktimang 74 anyos.
00:28Tumila po ng biktima. Dumiretsyo sa pagtakbo ang nakabundol na sasakyan.
00:34Tinulungan ng isang rider at iba pang tao ang biktimang nabangga.
00:38Nagtamo ng hiwa sa noo at sugat sa iba pang bahagi ng katawan ang biktimang si Lola Dolores.
00:44Ito yung aking noo puro tahe, siyam na tahe tapos yung tagiliran ko puro gas-gas.
00:52Yung tuhod ko, buti nakakalakad pa ako.
00:55Galing daw siya sa bahay ng kanyang kaanak at pauwi na ng mangyari ang insidente.
01:25Nakatawag pa raw siya sa kanyang kapatid para humingi ng saklolo.
01:33Rumisponde rin ang rescuers ng barangay Tanyong.
01:36Dinat na namin, nakahiga na siya at dumudugo yung kanyang noo.
01:41Inalalaan namin siya.
01:43Then maya-maya, lumapit yung isang humabol ng rider.
01:47Ibinigay sa amin yung plate number at saka yung ebidensya ng sasakyan na mayroong nabakbak doon sa sasakyan niya.
01:52Base sa investigasyon na pag-alaman na ang sasakyang nakabangga ibinibenta online.
02:00Nakapost daw ito bago pa maganap ang insidente ayon sa kaanak ng biktima.
02:05Possible na yung damage na yun is na pilasan yung harapan ng sasakyan niya.
02:12Kaya nagkaroon kami ng proweba na itong kulay ng sasakyan na nakasagasa sa lola namin na mas mapagpatibay yung ebidensya namin.
02:22Nalaman na po namin kung saan po yung sasakyan na. Hinahanap na lang po kung sino yung nagmamaneho ng sasakyan.
02:29Hiling ng biktima at ng kanyang pamilya, sumuko na ang driver.
02:34Sana kabangga sa lola ko, sumuko na siya. Kasi hindi tama yung ginawa niya na pagtakas.
02:43Sana magpakita ka na nang makita mo yung ginawa mo sa akin.
02:47Kala ko pag tumawid ka sa tawiran, ano ka, safe ka pala, hindi.
02:54Patuloy ang investigasyon at pagtugis ng Marikina Polis sa Salarin.
02:58Ito ang unang balita. EJ Gomez para sa GMA Integrated News.
Comments