00:00Ilang individual ang confirmadong namatay sa pag-atake naman ng Israeli force, ilang bahagi ng Yemen,
00:05kung saan ilang mga establishmento ang kanilang pinasabog at isang wedding proposal abroad,
00:12viral dahil sa ika nga, tila pag-ayon ng kalikasan sa okasyon, si Joshua Garcia sa Sentro Balita.
00:22Tukoy na ng mga otoridad ang limang nasawi sa tumaob na tourist bus sa New York City nitong weekend.
00:28Tatlo dito ay pawang mga Chinese national.
00:30Nilinaw din nila na walang batang nasawi sa lungat sa naunang report.
00:35Karamihan din sa mga sugatan ay nakalabas na sa ospital.
00:38Ayon sa otoridad, nawala ng kontrol ang bus nang madistract o mano ang driver nito sa pagmamaneho.
00:43Sa ngayon, wala paan nilang naisasampang kaso lalo't patuloy ang kanilang investigasyon.
00:50Samantala, binomba ng Israeli Air Force ang ilang bahagi ng Yemen.
00:55Pinuntirian nila ang mga militanteng grupo na Houthi.
00:58Kabilang sa pinasabog ang presidential palace sa Sanaa, fuel storage facility at ilang planta ng kuryente.
01:05Ayon sa Israeli Force, ang pag-atake ay bahagi ng kanilang opensiba sa nakaraang missile attack ng Houthi sa tropa ng Hamas.
01:12Sa ngayon, dalawa na ang naiulat na nasawi sa pag-atake.
01:17Love Meets Nature
01:19Ito ang naging vibes na nagva-viral ngayon na isang wedding proposal sa taas ng bundo,
01:24kung saan huli kiam ang pagsabog ng isang vulkan ilang segundo matapos umoo ang bride-to-be.
01:31Sa video, animoy, mas pinag-alab ng pagkakataon ang nasabing okasyon dahil sa tanaw na tanaw na pagbuga ng lava.
01:39Hindi raw inaasahan ng kopol ang nangyaring volcanic eruption sa gitna ng wedding proposal.
01:45Josh Garcia, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.