00:00Samantala Department of Social Welfare and Development,
00:03tiniyak ang patuloy na kahandaan sa epekto ng low pressure area sa Bicol region.
00:08OCD Bicol patuloy na nakaalerto.
00:11Si Gary Garillo na Radio, Pilipinas Albay, sa Sentro ng Balita.
00:14Gary?
00:17Bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. na palakasin ng kahandaan sa sakuna,
00:23patuloy na pinaghahandaan ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan
00:26ang pusibling epekto ng low pressure area at habagat sa Bicol region.
00:30Si sinagawang pre-disaster risk assessment,
00:32tiniyak ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Bicol
00:37ang kahandaan ng mga relief goods, repositioned stockpiles at evacuation centers
00:41para sa mga maaapektuhang pamilya.
00:44Ayon kay DSWD Bicol Regional Director Norman Laurio,
00:47nakaantabay rin ang dalawang mobile kitchens na maaaring ipadala sa mga pantalan
00:51upang masiguro ang agarang pagkakaroon ng pagkain ng mga evacuee
00:55at na-stranded na mga pasahero,
00:57kasama rin sa naging talakayan ang pag-deploy ng mga heavy equipment ng APSIMO
01:01para sa road clearing.
01:03Gayun din ang koordinasyon ng PDRMO sa mga lokal na pamahalaan
01:07para tumugon sa mga stranded passengers at iba pang emergency needs.
01:11Sa ngayon, naka-red alert na ang Office of the Civil Defense sa OCD Bicol
01:16bilang paghahanda sa low pressure area na pusibling maging isang bagyo
01:20at habagat paalala ng pamahalaan sa publiko,
01:23manatiling naka-alerto at sumunod sa mga abiso.
01:25Mula sa Albay, para sa Integrated State Media,
01:28Gary Carillo ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
01:31Marami salamat, Gary Carillo.