00:00At sumantala tiniyak naman ang Office of Civil Defense na wala makakapasok sa 6km permanent danger zone,
00:08lalo na patuloy ang mataas na aktibidad ng bulkang mayon.
00:12At sa katunayan, buling nagbuga ng abo at nagpagtala pa ng pag-agos ng uson ang naturang bulkan.
00:19Si Gary Carillo ng Radio Pilipinas, Albay, sa Sekto ng Balita.
00:24Nasi layan kagabi ng mga residente dito sa Albay ang nakakaalarmang ganda ng bulkang mayon
00:32matapos maglabas ang pivox ng mga larawang nagpapakita ng crater glow sa tuktok nito.
00:38Kita rin ang nagbabagang lava dome at naitalang pyroclastic density current o ang tinatawag na uson na dumadaloy sa bunga gali.
00:46Mga indikasyon na nananatili ang banta habang umiiral ang alert level 3.
00:51Upang matiyak na hindi kapos ang tulong ng pamahalaan,
00:54formal ng binalangkas ng Office of Civil Defense ang listahan ng mga pangunahing pangangailangan ng mga bakwit sa Albay.
01:01Sa pagbisita ni OCD Assistant Secretary Rafi Alejandro sa Lalawigan,
01:05binigyang diin niya ang kahalagahan ng mabilis na distribusyon ng pagkain, malinis na tubig at hygiene kits.
01:11Hindi lang anya pagkain ang prioridad ng pamahalaan,
01:15kundi maging ang kalusugan at kalinisan sa loob ng mga evacuation center.
01:19Ang National Government Agencies ay nandito para i-assure ang ating mga LGUs na nandyan lang yan
01:26para ibigay ka agad kung ano man ang tulong na kailangan, yung mga gaps.
01:32So naka-alerto na po ang DSWD, DOH, even yung NHA, yung D-should,
01:38pinagsabihan na natin na maghanda at tingnan natin yung mga available relocation sites na pwedeng gamitin.
01:47At dahil nakataas ang Alert Level 3 sa Bulcang Mayon,
01:51siniguro ng OCD na walang makakapasok sa loob ng 6-kilometer permanent danger zone.
01:56Naseryoso po ang gobyerno, seryoso ang LGU,
02:00na ipapatupad itong pag-enforce ng no human activity within the 6-kilometer permanent danger zone.
02:09Samantala, sunod-sunod na rockfall at pyroclastic density currents o USON
02:15mula sa summit dome ng Bulcang Mayon ang naitala ng PIVOX kaninang umaga.
02:19Kaya naman ang buong puwersa ng OCD at Provincial Government
02:23nananatiling naka-alerto upang matiyak na walang buhay na mawawala sa gitna ng pag-alboroto ng bulkan.
02:29Mula rito sa Albahe para sa Integrated State Media,
02:32Gary Carillo ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Comments