00:00Good news naman tayo sa PhilHealth members dyan.
00:03Hanggang 20,000 pisong halaga ng libre ng gamot kada taon
00:07ang maaari po ninyong makuha sa ilalim ng PhilHealth Libre Gamot Program.
00:12Kung papaano at saan yan makukuha, alamin sa Balitang Hatiyad ni Darlene Kai.
00:20Dahil limang buwan ang walang patrabaho kay Mang Jerry bilang tilesetter,
00:24wala rin siyang pambili ng maintenance sa alta presyon
00:26na isa hanggang dalawang piso kada buwan din.
00:30Ngayon, ang prices ng commodities natin, pataas ng pataas.
00:35Ang pagkain, pero ang salary natin, sa amin, hindi naman kami regular.
00:40Kung ano yung nandyan lang, nandyan lang yan.
00:42Kaya malaking tulong daw sa tulad niya ang libre ng gamot sa PhilHealth Gamot Program
00:46kung saan hanggang 20,000 pesos sa halaga ng gamot
00:50ang maaaring makuha ng bawat PhilHealth member kada taon.
00:53Malaki talaga yan, ma'am, na ano, malaki talaga yan ang tulong sa amin,
00:58lalo na sa pinansyal.
01:00Malaking bagay, miski sa gamot nga lang, malaking bagay na, hindi na kami bibili.
01:03Ang 52 taong gulang na si Jose Manuel,
01:06natutuwa rin na malilibre na ang kanyang maintenance para sa hypertension.
01:10It's very nice.
01:12Napakalang bagay yan kasi ang maintenance,
01:151,000, hanggang 2,000 per month eh.
01:17Epektibo noong August 21,
01:20ang PhilHealth Gamot o Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient Treatment
01:24ay isang drug benefit package para sa lahat ng PhilHealth member.
01:28Saklaw nito ang 75 klase ng gamot na nire-reseta para sa hika, ubo, diabetes,
01:35mataas na kolesterol, altapresyon, sakit sa puso, nervous system disorders, at iba pa.
01:40Kasama rin ang antibiotics.
01:42Paano ba mag-avail?
01:43Gamit ang eGovPH app sa inyong computer o mobile device,
01:48magrehistro muna sa PhilHealth member portal sa napiling Yakap Clinic.
01:52Makikita ang kumpletong listahan ng Yakap Clinic sa website at official social media pages ng PhilHealth.
01:57Pero kung hirap na gumamit ng mobile device o may problema sa connection,
02:01pwede rin pumunta sa anumang PhilHealth office.
02:04Sa Yakap Clinic, may mga form na kailangang i-fill out.
02:07Kailangan ding magpatingin sa doktor at kumuha ng reseta.
02:10Kung may lumang reseta, pwede rin ipakita sa doktor.
02:14Pagkatapos nito, pwede nang pumunta sa kahit saang accredited gamot provider o butika
02:19para ipakita ang ibibigay na code para makakuha ng mga gamot.
02:24Sinubukan mismo ni Assistant Health Secretary at DOH Spokesperson Albert Domingo
02:29ang pagkuhan ng libre gamot.
02:31Inabot siya ng isang oras mula pagpila hanggang sa pagkuhan ng reseta sa isang Yakap Clinic sa Alabang.
02:37Meron lang issues ng konti daw dun sa gamot app na sinasabi.
02:41Pero nabigyan pa rin po ako ng reseta.
02:43Okay po yung pagbigay ng PhilHealth gamot.
02:46Aminado si Domingo na pwede pang pagandahin at pabilisin ang sistema.
02:50Nung ako nga nagsusulat sa loob-loob ko, pwede nating paikliin to.
02:54Pero ang mahalaga dito ay may simula na.
02:56Sa Metro Manila palang ipinatutupad ang programa.
02:59Pero dati nang sinabi ng PhilHealth,
03:01napalalawakin pa raw nila ang programang ito sa ibang bahagi ng bansa.
03:04Darlene Kai, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments