00:00Nasa 31 milyong halaga ng mga gamot ang ipinadala ng Department of Health sa iba't ibang lugar na apektado ng masamang panahon.
00:09Ayon kay DOH spokesperson Albert Domingo, kabilang sa mga napadala ng gamot ang Ilocos Region, Cagayan Valley, Calabarzon, Mimaropa, Western at Central Visayas, pati na Northern Mindanao.
00:21Ang mga ipinadalang gamot ay antibiotics, mga gamot para sa sakit ng katawan, lagnat, ubo, diarrhea, pati na skin ointment.
00:30Meron ding hygiene kits at chlorine tablets para tiyaking ligtas ang inuming tubig.
00:35Sabi ng DOH, meron pang nakaantabay na 180 milyon pesos na halaga ng gamot para sa emergencies kung kinakailangan.
Comments