00:00Nababahala na ang ilang residente dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng dengue sa bansa.
00:07Ang detalye tungkol dyan sa report na Bian Manalo.
00:13Nagbabala ang Department of Health sa posibleng pagtaas ng kaso ng dengue sa mga susunod na araw dahil sa mga pag-ulana.
00:20Sa tala ng DOH, umabot na sa maygit 15,000 ang naitalang kaso ng dengue simula July 20 hanggang August 2.
00:27Mas mataas yan ang 2% kumpara sa naitalang maygit 14,000 kaso noong July 6 hanggang July 19.
00:36Ito ang linggo bago maramdaman ang bagyong krisinga Dante at Emong.
00:40Sa Quezon City lang, umabot na sa maygit 6,000 ang kaso ng dengue simula January 1 hanggang August 20.
00:4723 naman ang naiulat na nasawi dahil sa dengue.
00:51Si Nanay Gina, gustong manigurado para hindi tamaan ng sakit na dengue, lalo pa at mabilis bumaha sa kanilang lugar sa barangay Tandang Sora.
01:00Nitong mga nakaraang bagyo nga, pinasok ng baha ang kanilang bakery.
01:03Nababahala po kami kaya po ay gumagawa po kami ng safety measure para po kami ay makaiwas sa mga dengue.
01:11Yung mga flower base namin dito, pinapaltan namin araw-araw kasi alam naman namin na doon nag-stock up yung mga ano ng lamok, yung mga ano na egg, tapos magiging lamok.
01:22And then, nag-spray ko po kami sa mga ilalim ng bahay.
01:27Kini-check namin yung mga madidilim na ano, kini-check po namin yun.
01:30Nag-spray po kami.
01:31Maging ang mga maliliit niyang apo protektado laban sa dengue.
01:35Yung mga apo ko po, meron po silang oplosion na nilalagay para protektahan yung pagkagat ng lamok.
01:43Tapos sa gabi, nakapadyama po sila.
01:46Bukas pa rin ang dengue fast lane sa mga DOH hospital para mabilis na matugunan ang mga pasyente.
01:52Paalala naman ng kagawarana, panatilihin ang kalinisan ng kapaligirana para makaiwas sa dengue.
01:57Bumaba ng 18% ang kaso ng leptospirosis na naitala simula August 17 hanggang August 21.
02:05Sa kabuan, umabot na sa maygit 4,000 ang naitalang kaso ng leptospirosis simula June 8 hanggang August 21.
02:13Nananatili pa rin nakaalerto ang mga DOH hospitals sa bantanang sakita dahil pa rin sa mga pagulan.
02:19Bumaba na rin ang leptospirosis admitted cases sa ilang DOH hospitals kabilang ang Tondo Medical Center na mayroon na lang 7 bagong admisyon.
02:28Malaki ang ibinaba nito mula sa pinakamataas na 68 daily admission noong mga nakaraang linggo.
02:34Sa National Kidney and Transplant Institute, may isa na lang bagong admisyon ngayong linggo na mas mababa sa 25 pinakamataas na daily admission.
02:43Mula naman sa pinakamataas na 21 na daily admission, wala nang bagong kaso na nakaadmit sa East Avenue Medical Center ngayong linggo.
02:52Nananatili pa rin bukas ang leptospirosis fast lanes at handa ang mga bed capacity na mga DOH hospital.
02:58BN Manalo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.