Skip to playerSkip to main content
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nag-trabaho bilang service crew sa restaurant ang 19 years old na tawagin nating Vince.
00:06Pero dahil anya sa pinagsama-samang pressure at dami ng trabaho.
00:10Di na po ako nagpapakita ang gilas ko, something like that na di na po ako na ma-motivate.
00:18Matapos ang sampung buwan, nag-resign siya.
00:21Ayon sa isang human resources consultant,
00:24isa sa mga senyales na nag-quiet quitting ng isang empleyado
00:27kapag wala na siyang motivation para magtrabaho.
00:31Yung hinihintay niya na lang na ma-fire siya, wala na yung productivity niya.
00:35Ang team manager naman na si JR, di niya tunay na pangalan.
00:38Nakaranas daw ng tinatawag namang quiet cracking.
00:42Nilayo ko yung sarili ko sa mga tao, kumbaga nagtrabaho ako ng sarili ko lang.
00:47Ayon sa HR consultant, ang empleyadong nagka-quiet cracking.
00:50Ginagawa pa rin naman ang kanyang trabaho, pero...
00:53Parang ginagawa niya na lang kung ano yung pinapagwas sa kanya. Naka-autopilot.
00:56Ilan sa mga posibleng dahilan na pagka-quiet quitting o quiet cracking
01:00ay problema sa pamilya, kawalan ng structured career path,
01:05conflict sa kapwa-empleyado o superior at di naayong sweldo.
01:10Payo niya sa employers.
01:11Regular check-ins, yung hindi lang kamusta ka,
01:15yung mas mararamdaman ng tao na belong siya na,
01:18oh, kamusta yung family mo, mararamdaman niya na hindi siya takot mag-share.
01:22Gumawa ng mga wellness programs katuwang ang mga mental health professionals.
01:27Malaki naman daw ang benepisyo sa kumpanya kapag napangalagaan ng mental health ng mga empleyado.
01:33Less yung drama sa workplace, less yung drama, mas productive yung company, na-achieve yung goals.
01:42Payo naman ang isang psychiatrist kung nagka-quiet quitting o cracking na sa trabaho.
01:47Una, hanapin ang ugat ng dissatisfaction.
01:50Pangalawa, i-communicate ito sa boss, supervisor o katrabaho.
01:55Mainam din anyang balikan ang dahilan kung bakit pinili ang trabaho sa umpisa.
02:00Para bumalik yung kanyang reason for being there.
02:03Kasi sometimes na due to the stress ng work, nawawala tayo sa focus.
02:08Pero kung nakakaranas na ng panic attack, distress, depression at anxiety,
02:13wag mag-atubiling humingi ng tulong.
02:15Sa workplaces naman, mainam daw na bigyan ng safe space ang mga empleyado.
02:20No judgment, bawal judgmental at sana ay we foster yung compassion, kindness sa isa't isa.
02:28Kasi of course, kanya-kanya tayo ng mga pinagdadaanan.
02:30Tiyakin din daw na makapagpahinga, mag-relax at gawin ang mga aktibidad
02:35na makakapagpasaya sa iyo after work hours para ma-recharge.
02:39Von Aquino, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:45Huwag magpahuli sa mga balitang dapat nyong malaman.
02:48Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended