00:00Malapit lang sa itinayong flood control project, pero problema pa rin ang pagbaha para sa ilang taga-Valenzuela.
00:08Sa isang barangay roon, matatagpuan ang dalawang pinakamahal na flood control project sa Metro Manila, batay sa Sumbong sa Pangulo website.
00:16Saksi, si Marie Zumal.
00:21Sa tuwing hahagupit ang bagyo o habagat, isang lungsod na Valenzuela sa agad na binabaha.
00:26Kaya ang pamahalaan, may mga itinayunang flood mitigation facility kabilang ang pumping station na ito at river wall sa barangay Vente Reales sa Valenzuela.
00:36Base sa Sumbong sa Pangulo.ph, ang pumping station na ito ay natapos itayo noong 2024 at nagkakahalaga ng mahigit 234 milyon pesos.
00:46Naunang matapos itayo ang river wall o road dike na ito noong 2023 na nagkakahalaga naman ng halos 200 milyon pesos.
00:53Ang dalawang proyektong ito ang lumalabas na dalawang pinakamahal na flood control projects sa NCR.
01:00Pero sa kabila ng malaking pondong inilaan, reklamo ng mga residenteng nakatira sa may tabing ilog na katabilang din ng itinayong pumping station at river wall tuloy ang pagbaha sa kanilang lugar.
01:10Sa dalas nga raw ng baha, kita pa ang bakas na iniwan ang tubig sa kanilang mga pintuan gaya sa bahay ni Elda.
01:16Pag umuulan dito, hindi na po nawawala sa amin yung babahain talaga kami.
01:22Siyempre po may kaba, tapos lagi naming nasasabi na, anong naman ang silbi ng ano na yan, ng pumping eh.
01:31Parang mas mabilis po ngayon tumas yung tubig.
01:35Sa akin po, panghinayang. Kasi yung ginastos na sobrang laki, wala rin silbi na itulong sa aming mga tao dito.
01:47Mas lumalapa. Ibig sabihin, gumastos ng wala, useless.
01:53Yung ginastos, hindi naman namin napakinabangan, lalo lang kaming nahirapan.
01:57Mahirapan. Pag umulan na, ayan na, babaha na, nakakatakot na, papasok na sa loob ng bahay.
02:03Matagal pong umupas sa loob ng bahay yung baha.
02:06Pero dinepensahan ni Valenzuela, Mayor West Gatschalia, ng mga proyektong ito.
02:10Ang nanotice ko nandito na mas mataas po ang high tide na ngayon sa nangyayari.
02:16Mas ang rainfall natin is double, triple the number.
02:20So, in Valenzuela naman po, masasabi ko, wala po tayong tulad ng mga lumalaba sa balita ngayon na ghost projects.
02:30Everything was funded, everything was ginagamit.
02:34Hindi perfect, I admit, but this will mitigate.
02:38Yung floodwall na nakita niya, talagang anlaking protection po yan sa amin.
02:42Maging ang DPWHNCR, kumpiyansang walang sabit ang kanilang mga flood control project.
02:47From 2022 to 2025 po, there's a total of 1,692 projects po na flood control dito sa NCR.
02:56Ang malaki yung improvement kasi although nagbaha sa ibang areas, mabilis yung pagbaba niya.
03:02May mga areas din naman po na dating binabaha na ngayon hindi na.
03:06Paper man ang memorandum of agreement, ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela at UP Resilience Institute
03:11para makapagtayo rin ng Drainage at Flood Master Plan sa susunod na tatlong taon
03:16para makatulong daw sa malaking problema ng pagbaha sa lungsod.
03:20Para sa GMA Integrated News, Mariz Umali ang inyong Saksi.
03:25Mga kapuso, maging una sa Saksi.
03:28Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
03:32Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa GMA Integrated News sa GMA Integrated News sa GMA Integrated News.
Comments