00:00Kaisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa paggunita ng Ninoy Aquino Day.
00:06Sa kanyang mensahe, sinabi ng Pangulo na ang mga aral na ito sa kasaysayan
00:10ay patuloy na nagiging gabay tungo sa kapayapaan at pagkakaisa.
00:16Si Kenneth Pasyente sa Sentro ng Balita.
00:20Sa paggunita ng 42 taong anibersaryo ng pagkamatay ni dating Sen. Benigno Ninoy Aquino,
00:26hinimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang publiko na kapulutan ng aral ang kasaysayan
00:32bilang gabay sa kasalukuyan tungo sa kapayapaan at pagkakaisa.
00:36Binigyang diin ang Pangulo na sa paglipas ng panahon,
00:39nagkaroon ng mas malino na pagtingin sa mahalagang pangyayaring ito
00:42na nagdadala ng mas malalim na pananaw at pagninilay-nilay sa taong bayan.
00:47Dagdag pa niya na bilang isang individual na laki at hinubog ng mga sandaling ito,
00:51nauunawaan daw ng Pangulo na ang kasaysayan ay hindi nagbibigay ng pinal na hatol,
00:55kundi patuloy na aral.
00:57Mga aral anya ng kasaysayan na patuloy na nagbibigay gabay kung paano maglingkod,
01:02makinig at magbigay ng tungkulin ng may mas malalim na layunin.
01:06Iginit ang Pangulo na ang araw ng pagulita ay nagiging paanyaya
01:09upang mamuno ng may katinuan, konsensya at malayong pananaw.
01:14Ang tulay anyang diwan ng okasyon ay maisa sa katuparan
01:17kung ang aral ng nakaraan ay naipatutupad sa mga gawa,
01:21lalo na sa pagpapatibay ng mga institusyon.
01:23Ipinunto pa ng Pangulo ng okasyong ito ay nagpapakita sa kahandaan ng Republika
01:28na itaguyod ang pamumuno tungong sa kabuuan at pagsasantabi sa hidwaan.
01:33Tanda rin anya ito sa maayos na pamamahala na disiblinado,
01:38matatag at laging pinipili ang kapayapaan higit sa alitan sa harap ng pagkakaiba.
01:43Nag-alay naman ng bulaklak ang National Historical Commission of the Philippines
01:47sa departure ramp ng Ninoy Aquino International Airport
01:50bilang paggunita sa death anniversary ng dating senador.
01:54Dumalo sa aktibidad ang iba't ibang grupo kasama si Sen. Bam Aquino.
01:58Ayon kay NHCP Chairperson Regalado Trota Jose Jr.,
02:02may tuturing na espesyal na bayani si Ninoy
02:04dahil sa kanyang pag-aalay ng buhay sa bayan.
02:06Yung bang inspirasyon na binigay sa atin na paghirapan ng bayan,
02:13ayon ang talagang idea.
02:14Kahit anong political party mo,
02:16ang idea na binigay niya ay idea na para sa lahat ng Pilipino.
02:20Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.