00:00Hiniling na rao ng Amerika sa ating Department of Justice na i-extradite o dalhin sa kanilang bansa,
00:06si Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy.
00:09Ang kay Philippine Ambassador to the U.S. Jose Manuel Romualde sa GMA News Online,
00:14noong Hunyo pa ay pinadala ng Amerika ang mga dokumento para sa extradition requests.
00:20Sabi ni Department of Foreign Affairs Secretary Teresa Lazaro,
00:23hindi dumaan sa kanila ang extradition request kay Quiboloy.
00:26Sabi naman ni DOJ spokesperson Nico Clavano,
00:30kailangang dumaan muna sa DFA ang extradition request bago i-endorso sa DOJ.
00:36Kaya wala pa silang formal na natatanggap.
00:39Wanted si Quiboloy sa Amerika dahil sa patong-patong na kaso laban sa kanya.
00:44Kabilang po ang conspiracy to engage in sex trafficking by force,
00:49fraud and coercion, sex trafficking of children, conspiracy at bulk cash smuggling.
00:56Nakakulo ngayon si Quiboloy sa Pasig City Jail
00:59para sa mga kasong child and sexual abuse at qualified human trafficking dito sa Pilipinas.
01:05Dati nang itinanggi ng pastor ang mga paratang sa kanya.
01:09Sabi ng abogado ni Quiboloy na si Atty. Israelito Torrion,
01:13wala pa silang natatanggap na opisyal na dokumento.
01:16Sakaling totoo ngang may extradition request,
01:18sabi ni Torrion,
01:19na hindi na ito kailangan dahil nakakulong na si Quiboloy.
01:23Dagdag ng isa pang abogado ni Quiboloy na si Atty. Ferdinand Tupasho,
01:27handa rin silang ipagtanggol ang karapatan ng pastor.
01:31Panawagan ni Tupasho,
01:32maging patas sana ang ating gobyerno
01:34sa paghawak sa mga kaso ni Quiboloy.
Comments