00:00Nanguna si Angeles City native junior golfer Ronnie Dunca sa Girls 7 to 10 Division,
00:09matapos magtala ng 3 over par 72 sa unang round ng John Hay JPGT Championship kamakailan sa Baguio City.
00:18Nakapagtala ng 8 stroke na lamang ang 9-year-old golfer at back-to-back champion ng Riviera at Pradera Verde na si Dunca
00:26kontra kay Tyra Garingalaw na may 80 points.
00:30Habang nasa ikatlong pwesto naman si Amia Tablak na may 83 points kasunod si Venus de los Santos na pumang-apat sa rankings matapos ang kanyang 92-point finish.
00:41Sa ngayon, nakalikom na ng 30 puntos si Dunca at kung sakaling pagreinahan ang nasabing torneo sa Baguio,
00:48may posibilidad nito na umangat sa 45 points at mauhusan ang kasalukuyang leader na si Mavis Espedido.
00:55Ang national finals ng JPGT Elite Junior na tatawaging North vs South finals ay gaganapin sa October 7 hanggang 10 sa The Country Club sa Laguna.