00:00Muling inihain sa Senado ang matagal at ilang taon ng pinagdedepatihan na Anti-Political Dynasty Bill.
00:07Batay sa 1987 Constitution, may probisyon na nagbabawal sa political dynasty,
00:12subalit kinakailangan linawin ito sa pamamagitan ng isang batas.
00:16Sa datos ni Senadora Risa Ondeveros mula sa Philippine Center for Investigative Journalism,
00:22sa 113 sa 149 na siyudad sa bansa ang kontrolado umano ng political dynasties.
00:30Dagdag niya, may tinatawag din umano ng fat dynasty at obese dynasty
00:35na mula sa dalawa hanggang limang magkakapamilya ang magkakasabay na nakaupo sa politika.
00:43Ayon sa Comelec, kailangan na talagang ma-define ang lawak ng pagbabawal sa political dynasty.
00:48Sa amin pong palagay, yung second degree of consanguinity po ang mas practical at mas reasonable
00:56in order not to deprive others of opportunity to run for public office.