00:00Iba-blacklist ng Department of Budget and Management ang mga kontraktor na nasa likod ng mga palpak na flood control projects.
00:07Samantala, perinisinta naman ang DBM ang kanilang 2024 Agency Performance Review Report na tinatawag ding Budget ng Bayan Monitor.
00:15Si Harley Valbuena sa detalye.
00:20Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,
00:24kinumpirma ng Department of Budget and Management na iba-blacklist na ang mga kontraktor na nasa likod ng maanumaliang flood control projects.
00:35Ayon kay Budget Secretary Amena Pangandaman,
00:38may otoridad ang Department of Public Works and Highways bilang implementing agency na mag-blacklist ng kontraktors.
00:46Pag hindi sila nagpa-perform, pag substandard yung project nila,
00:51meron yan sa New Government Procurement Act,
00:54yung implementing agency ang kayang mag-blacklist ng mga kontraktors nila.
01:01Malino po dyan, may proseso yan kung paano mag-blacklist.
01:05Sa ngayon, ay wala pang pinal na listahan ng ipapa-blacklist na kontraktors
01:10dahil gumugulong pa ang investigasyon, katuwang ang DPWH at DepDev.
01:15Samantala, iprinisinta rin ng DBM ang 2024 Agency Performance Review Report
01:23o tinatawag ding Budget ng Bayan Monitor na naglalaman ng performance ratings
01:29ng iba't-ibang kagawaran at ahensya sa pagganap sa kanilang tungkulin at paggamit ng pondo at resources.
01:35Sa 308 departamento at tanggapan, 59.34% ang namarkahan ng Very Satisfactory Rating
01:45at 30.82% ang May Satisfactory Rating.
01:504.59% naman ang nagtala ng Outstanding Performance.
01:55Ilan sa mga nanguna rito ay ang Civil Service Commission, Mines and Geosciences Bureau,
02:02Foreign Service Institute, Public Attorney's Office at National Labor Relations Commission.
02:09Samantala, 4.92% ang may Unsatisfactory Rating habang 0.33% ang may Poor Performance.
02:18Kabilang sa mga nakakuha ng mababang marka ay ang Bureau of Customs,
02:22Commission on Higher Education, Mindanao Development Authority at ilang state universities and colleges.
02:29Ang report ay itinurn over ng DBM kay Executive Secretary Lucas Bersamin.
02:35It sheds light on whether programs truly respond to the needs of our people
02:41while pointing to where systems must be reformed or resources redirected and innovations pursued for better outcomes.
02:54Ang mga ahensyang may hindi magandang performance,
02:58aatasan ng DBM na magsumite ng catch-up plans
03:01at pwede rin matanggalan o mabawasan ng pondo ang kanilang mga programa at proyekto.
03:07Tingnan natin kung saan ba nagkamali.
03:10Upuan po natin and kung talagang hindi kaya,
03:13siguro baka pwede tanggalin na lang natin yung mga proyekto na yun, siguro.
03:17Ipagpapatuloy ni pangandaman ang personal na pag-inspeksyon sa malaking proyekto ng gobyerno,
03:23lalo na sa transportasyon at sa flood control,
03:26upang matiyak na ang bawat pisong ginagasta ay may magandang resulta at magahatid ng ginhawa.
03:34Hardy Volvena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.