00:00Nagbanta si Pangulong Bombo Marcos na sasampahan ng reklamong economic sabotage
00:04ang ilang kontraktor ng flood control projects.
00:07Kasunod ito ng infeksyon niya sa ilang proyekto sa Baliwag, Bulacan
00:11na nakarecord na kumpleto na,
00:14kahit hindi naman pala.
00:16May unang balita si JP Soriano.
00:20Mahigit 55 million pesos ang gasos ng gobyerno
00:24sa flood control projects sa Purok 4, Barangay Piel, Baliwag, Bulacan.
00:29Nakatayo na dapat ang reinforced concrete river walls
00:32batay sa dokumentong hawak ni Pangulong Bombo Marcos.
00:36Pero walang ganong nasilaya ng Pangulo nang mag-inspeksyon siya roon.
00:39As of last month, June, ang report dito, 100% complete at saka fully paid.
00:48Wala kaming makita na kahit isang hollow block, isang simento, walang equipment dito.
00:56So, lahat itong project na ito, ghost project.
01:02Walang ginawa na trabaho dito.
01:05Ayon sa Pangulo, sinabi sa kanya ng chairman ng barangay
01:08na may kumausap umano sa kanila noon
01:10at nagsabing may gagawing flood control project.
01:13Pero kalaunan ay naglaho na lang daw ito.
01:16Pagkatapos, sinabi sa barangay na magpapatulong para ilalagay nila yung project.
01:23Tapos umatras din.
01:24Sinabi, after a while, di na matutuloy.
01:26So, siguro nabayaran na.
01:28Pina ba-blacklist na ng Pangulo ang contractor ng proyekto,
01:32ang SIMS Construction Trading?
01:34Mahaharap din daw sila sa kaso.
01:37Pinasisiyasat din ang iba pa nilang proyekto.
01:39Nag-report sila na completed.
01:42Kitang-kita naman na hindi completed.
01:44So, immediately that's a falsification.
01:46So, that's already a very big violation.
01:53And for the big ones,
01:55talagang I'm thinking very hard to pipilahan natin sila na economic sabotage.
02:00Because economic sabotage is very clearly.
02:05Sususpindihin at kakasuhan din daw
02:07ang lahat ng opisyal na nag-authorize
02:09at nakipagsabwatan dito.
02:11I'm getting very angry.
02:13This is what's happening.
02:14Natalag nakaka...
02:16Kung di naman,
02:17paano naman?
02:18Pero wala talaga.
02:19220 meters, 55 billion.
02:22Completed ang record ng public works.
02:27Walang ginawa.
02:29Kahit isang...
02:29Wala.
02:30Kahit isang araw hindi nagtrabaho.
02:31Wala.
02:32Wala kang makita.
02:33Puntahan ninyo.
02:34Wala kayo makita kahit na ano.
02:36Tuloy-tuloy ang pagbaha doon sa kabila.
02:37So, yes.
02:41Sir?
02:41Sir?
02:42Pinuntahan ng GMA Integrated News
02:45ang opisina ng Sims Construction Trading
02:47sa Malolos, Bulacan
02:48na nakasulat sa resibong ipinakita ng Pangulo.
02:51Isa itong bahay sa isang subdivision
02:53na walang kahit anong marker
02:55o commercial signage.
02:57Nakausap namin ang nagpakilalang katiwala sa bahay
03:00at kinumpirma niyang,
03:01yun nga daw,
03:02ang opisina ng Sims.
03:04Tinanong namin kung maaring makausap
03:06ang may-ari ng Sims
03:07pero tumanggi na siyang sumagot.
03:09Iniwan namin ang aming contact number at email.
03:12Wala rin kaming makitang kahit anong website
03:15o social media page ng Sims.
03:17Isa pang proyekto sa Barangay Pierre
03:19ang pinasisilip ng Pangulo.
03:21Parang nagtuturoan ngayon yung dalawang kontratista
03:23at sinasabing hindi maituloy ito
03:26hanggat magawa ito.
03:30So, nakikiusap.
03:31Ewan ko, basta't meron daw silang usapan
03:33na itutuloy ngayon ito.
03:35Ngayon, kung titignan ninyo yan,
03:37eh, nabot na tayo ng tag-ulan.
03:39Kung titignan ninyo,
03:40kung abutin ang bahayan,
03:42laglag ka agad yan yung pader na yan.
03:44Hindi tatagal yan.
03:46So, substandard pa rin.
03:48Sa inspeksyon ng Pangulo,
03:50naglahad siya kung paano kumikita
03:52sa mga maanumalyang flood control project.
03:55Ang teknik kasi ginagawa ngayon,
03:57yung kontraktor makakakuha
03:59may award ng kontrak sa kanila.
04:02Tapos, hindi nila ginagawa yung trabaho.
04:04So, pinagbibili nila yung kontrak
04:07sa mga subcontractor.
04:10Bahala na kung yung subcontractor,
04:12kung tutuloy niya yung project,
04:13bahala na sila kung maganda,
04:15kung nasa standard o substandard.
04:19Kahit napapabayaan.
04:20At yung iba,
04:22hindi na lang tinutuloy.
04:23Samantala ang Bureau of Internal Revenue,
04:26nakikipag-ugnayan na sa isa pang ahensya
04:28para sa imbestigasyon sa mga kontraktor
04:31na nasa likod ng Ghost Flood Control Project.
04:34Kailangan daw malaman kung tax-compliant
04:36ang mga ito.
04:37Malinaw kung ano yung sabihin ng Ghost Project.
04:39Sabihin yan, walang ginastos
04:40patungkol sa proyektong yan
04:42at pinayaran siguro sila.
04:45Pero walang ginastos sa project na yan.
04:47Mungkahi ni dating DPWH Secretary
04:50Rogelio Sigson.
04:51Sabihin lang ni Pangulo,
04:52isuspend niyo lahat
04:53ang flood control projects
04:55reviewin natin.
04:56Pag di naman natarang tayo
04:57mga nag-advance dyan.
04:59Dapat din daw i-rotate muna
05:01ang mga district engineer.
05:02Dapat din daw may third-party inspector
05:05sa mga proyekto.
05:06At kasama dapat ang komunidad
05:08sa pagbabantay.
05:09Ito ang unang balita,
05:11JP Soriano,
05:13para sa GMA Integrated News.
05:15Igan, mauna ka sa mga balita,
05:17mag-subscribe na
05:18sa GMA Integrated News
05:20sa YouTube
05:20para sa iba-ibang ulat
05:22sa ating bansa.
Comments