00:00Nakitaan ang mga bitak ang dalawang proyekto sa Kamiling Tarnak, ang isa na pinakamahal sa buong bansa.
00:06Madali umunong ayusin ayon sa DPWH.
00:09Ang isa naman na may butas at litaw na bakal, kinukumpuni ng aming datlan.
00:14Nakatutok si Ian Cruz.
00:19May mga butas sa ilalim, litaw na bakal, at mabilis masira kapag tinatapakan.
00:24Ganito ang nakita namin kalagayan ng flood control project na ito sa Kamiling Tarlak ng puntahan namin kahapon.
00:31Dalawang taon lamang ang lumipas matapos ngang simulang gawin yung floodway dito sa lugar na ito.
00:36Pero makikita nga po natin, may mga uka na matapos yung malalakas na agos dahil nga sa sunod-sunod na mga bagyo.
00:44At ito, wala po tayong ka-effort-effort yan.
00:47Natatanggal po yung konkreto na sinimento nila rito.
00:52At ayon nga sa mga residente, nangangamba sila na baka kapag tumagal pa at napabayaan ito, baka tuluyang gumuho yung proyektong ito.
01:00Sabi ng ilang residente, malaking tulong naman daw ang proyekto dahil naibsan ang hanggang bewang o dibdib na baha na dati nilang nararanasan.
01:08Kaya kabado sila sakaling mapinsalan ang tuluyan ng proyekto.
01:11Sa amin naman sir, gusto namin parating sa mahal na presidente na sana matignan naman itong slope dito sa barangay namin.
01:22Dito sa Pindangan Sikan, Kamiling Tarlac.
01:24Para mapagtunan naman yan ang pansin kung pinaggagawa ng mga kontraktor.
01:29Yun lang po, nais kong may parating sa ating mahal na presidente.
01:34Dahil nangangamba kayo na baka saglit na lang magigiba na ito.
01:37Ayon nga sir.
01:38Ang kontraktor ng slope protection project na may halagang 94.5 milyon pesos, ang floor desk construction.
01:46Patuloy namin hinihinga ng pahayag ang floor desk.
01:49Nang balikan namin kanina, nakita namin na nagsasagawa ng repair sa proyekto ang 1st District Engineering Office ng Tarlac para kumpunihin ang nakitang butas at bitak.
02:00Ipapacheck po natin sir para kita po natin yung mga concern po nila para maayos po natin.
02:05Sa Kamiling Tarlac din, matatagpuan ang pinakamahal na flood control project sa bansa.
02:11Ito ang Kamiling Agno River Floodway Phase 3 na nagkakahalaga ng 289.5 milyon pesos.
02:20Nakatulong din daw ito noong mga nakaraang malakas na pagulan dulot ng sunod-sunod na bagyo at habagat.
02:25Napuna namin ang ilang bitak sa baba ng floodway.
02:29Sabi ng DPWH, maliit na bagay ang mga bitak.
02:32Nagkakrack daw talaga ang semento kapag mainit ang panahon.
02:36Madali lang daw itong ayusin.
02:38Ang Phase 4 ng proyekto, halos pareho ang halaga sa Phase 3.
02:43At wala naman daw problema sa ngayon ayon sa mga opisyal ng barangay.
02:48Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz, Nakatutok, 24 Oras.
02:51Outro
Comments